C H A P T E R 18

14.3K 201 7
                                    


CHAPTER 18

MEDYO namamaga ang mata ko sa pagpasok sa university dahil sa pagiyak kagabi. Malungkot akong napatingin sa katabing upuan. Dalawang araw ng hindi pumasok si Krystal at hindi ko narin ito matawagan.

Tapos dumagdag pa ang nangyari kagabi. Nabangga ang sasakyan na dinadala ni Kuya Franco at nasa hospital ngayon hinihintay nalang namin na magising ito. Mabuti nalang talaga at walang masamang nangyari kay Kuya Franco.

Pareho kaming wala nagawa kagabi kundi ang umiiyak at nagdasal mailigtas si Kuya Franco. At mas lalong kaming nag-alaala nung nahimatay pa si Tita dahil sa walang tigil sa pagiyak nito. Nagkwento si Tita sa'kin sa pa laging paglalasing ni Kuya Franco at hindi pagpasok sa paaralan tapos nag-away pa daw ang magkapatid.

Napatayo naman ako bigla nagmakita ko si Vincent palayo sa classroom namin.

"Vincent!" tawag ko sa'kanya kahit sa loob palang ako sa room.

Sakto paglabas ko ay papunta na siya sa deriksyon ko.

"Alam mo ba kung nasaan ngayon si Krystal?" malungkot siyang tumingin sa'kin at umiling.

"Gusto ko man tumulong pero kahit ako hindi alam kung saan ng punta si Krystal, Jean. Pero, kapag nalaman ko agad, ikaw ang unang kong sasabihan." tumango nalang ako sa'kanya at ngumiti.

"Salamat at pasensya kana kung naistorbo man kita."

"Okay lang yun, Jean. Maiwan muna kita."

Tumango nalang ako bilang sagot.

Napabuntong hininga nalang ako at bamalik sa upuan.

Nasaan kana ba kasi Krystal?

Napuntahan ko na ang bahay nila pero katulong lang din ang nakita ko kahit hanapin ko man siya sa buong mansyon nila ay wala akong nakitang Krystal tapos wala din akong nakitang gamit niya sa kwarto. Mukhang umalis talaga siya.

Dahil kung nandito lang si Krystal imposibleng hindi dumating ang balita sa'kanya ang aksidenteng nangyari sa kasintahan niya. At alam kong hindi  matitiis ni Krystal si Kuya kahit na ganon ang nangyari sa'kanila pero walang Krystal ang nagpakita sa'min.

At hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Kung anong uunahin ko lalo pa't malapit narin ang finals namin at graduation ni Clark tapos ganito pa ang nangyayari.

"Okay, hihintayin ka namin. Sakto lang dahil naghahanda pa kami ni mommy sa lulutuin."

"Okay, hon. I just finished this okay?" sagot ng kabilang linya.

"Hmm...bye." saad ko bago napatay ang tawag.

Hindi na ako nahatid ni Clark pauwi sa'min dahil kailangan niyang pumunta sa kompanya. At ininbita naman siya ni Mommy sa dinner ngayon, kaso nga lang malilate siya dahil may tatapusin na muna siyang na importante

"Magsisimula na ba tayo?" napanguso ako dahil alam kong nasusukso si mommy sa'kin.

Napailing nalang ako nagsimulang hiwain ang ingredients na gagamitin namin.

"Tumawag nga pala ang Tita mo, gising na daw si Franco." habang busy sa paghahalo ng niniluluto niya.

Napangiti naman ako at nakahinga ng maluwag. Thank God! "Bisitahin po natin si Kuya Franco Mom huh?"

"Sure sweetie. Anyway...nasaan pala si Krystal? Alam ba niya ang nangyari kay Franco?" nawala naman ang ngiti ko sa biglang tanong ni mommy.

Pumunta naman si Mom harap ko at may kinuhang ingredients sa mesa at tumigil ng makita niyang nakatingin lang ako sa'kanya.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon