C H A P T E R 15

16.6K 223 7
                                    

CHAPTER 15

"ANONG nangyari sayo d'yan?"

"H-ha?" natataratang tinago ni Krystal ang cellphone niya sa likod.

"Wag mo nang itago, nakita kuna yan kanina." ngising kong sagot sa'kanya. Natawa naman ako ng mahina sa reaksyon niya.

Sino bang hindi makakakita sa bagong profile ni Kuya Franco at my day niya na isang babaeng nakatalikod. Kahit nakatalikod pa yun, kilang-kilala ko na. Itong dalawang ito may lihim na sa'kin.

Namula naman si Krystal at nahihiyang nilabas ang phone niya. Umiling nalang ako at umupo katabi niya. Hinayaan ko nalang siya at nagsimulang magbasa sa notes. May dalawang subject nalang para matapos na ang midterm namin. Gusto-gusto ko na talagang matulog, dalawang gabi na akong walang tulog sa pagreview ulit ng lesson namin.

"Maya kana kiniligin mag-study ka muna." saad ko.

"Bes naman!" napailing nalang ako at nilagay sa tainga ang earphone at muling ng focus sa pagbabasa.

Marami ng nangyari simula nung naging kami ni Clark naging maingay nga lang ang bahay namin dahil sa lagi nitong pagbisita. Naging okay naman lahat maliban lang kay Kathrine dalawang na palang siyang nandito sa paaralan namin at lagi ko siyang nakikitang pumupunta sa room ni Clark. Hindi ko naman ito binigyan ng meaning dahil alam ko naman magkaibigan sila at alam naman siguro niya na may girlfriend na si Clark.

Pero ngayon parang naiinis na ako pati ba naman oras namin ni Clark ay nandito parin siya?

"... sobrang ganda pala ng condo sinabi mo. At salamat pala sa pagsama sa'kin kahapon..." napairap ako ng palihim sa pacute niyang boses.

At kasama ako kahapon ang laki ng ngiti niya nung sinamahan siya namin ni Clark pero mukhang may plano siyang solohin si Clark dahil mukhang ayaw naman niya akong kasama. Sa sobrang pagod ko kahapon hindi ko na kayang magdrive kaya wala akong magawa kundi ang sumama.

"I'm happy that you like it." bumaling naman sa'kin si Clark at hinalikan ako sa gilid ng noo ko.

"Mukhang kailangan ko nang umalis... salamat ulit Kenneth." nakahiga naman ako ng maluwag at umayos ng upo.

Hindi ko naman maiwasan sundan ng tingin si Kathrine palabas ng classroom namin at hanggang sa mawala na siya sa pananingin ko.

"Nag-usap na kayo ni Vincent?" mabilis na bumaling ang tingin ko sa'kanya.

Umiling ako biglang sagot. Ang sabi ni Krystal umalis daw si Vincent at mukhang alam na niyang na kami ni Clark. Medyo na kokonsensya lang ako dahil pinayagan kong manligaw ang tao na parang binigyan ng pag-asa na maging kami. Dapat nung una palang sinasabi ko na sa'kanya, pero hinayaan ko lang hanggang sa umabot sa ganito.

Mabait si Vincent kaya alam kong hindi niya deserve ang ginawa ko sa'kanya. Kaya ngayon ng hihintay ako sa pagbabalik niya, gusto ko humingi ng paumanhin sa lahat ng nagawa ko dahil alam kong nasaktan ko siya.

"Nasaktan ko siya..."

"Don't blame yourself, hon. Hindi mo naman sinasadya yun..." binigyan ko siya ng masamang tingin ng makita ko sa gilid ng mga mata ko ang ngisi niya.

"Hindi naman talaga, kasalanan mo yun." medyo naiinis kong sagot dito. Kung hindi kasi nagdesisyon itong lalaking ito na sila na dapat nakapagexplain pa ako kay Vincent pero dahil paladesisyon itong lalaking ito, nakokonsensya tuloy ako sa tao.

"Kasalanan ko bang, mahal mo lang talaga ako?" nairap naman ako and he just chuckles.

Sino pa bang makakatangi kong hanalikan kana niya? Sa gulat at...kilig na naramdaman ko that time parang walang pumasok sa isip ko kundi siya at ang labing lumapat sa labi ko

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon