C H A P T E R 08

19.6K 302 10
                                    

CHAPTER 8

"NAALALA mo ba yung, pinagtanggol mo ako sa limang bata?"

Napatigil naman ako sa pagbasa sa libro at napaangat ng tingin sa'kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at sumandal din sa malaking kahoy.

Humaplos naman ang hangin sa mukha ko ng lumakas ang hangin. Pagwala ako sa library, dito ako minsan tumatambay sa malaking kahoy sa likod ng paraalan namin. Tahimik at masarap ang hangin.

Marahan akong tumango at bumalik sa pagbasa. I bite my lower lips to focus on reading. Pero kahit na ano o isang letra ay walang pumasok sa isip ko. Parang binasa ko lang pero walang pumasok sa utak ko, wala akong maalala.

"At doon nagsimula ang lahat. We become bestfriend. And you always like that..tuwing nandoon tayo sa laging spot natin ay busy ka namang nagbabasa sa libro mo. Nagsasalita ako pero hindi naman nakikinig..."

Yun ang akala mo! Akala mo ba tuwing nandoon ka sa tabi ko ay nakakabasa ako ng maayos?! Hindi! I'm so bothered by your presence! Because my stupid heart pounding fast and louder beating when you're near!

Nanigas ako ng dahan- dahan siyang humiga at ginawang unan ang hita ko. Nawala naman ako sa sarili ko, namalayan ko nalang ang pagkuha niya ng librong dala ko.

When our eyes meet, my world stop. Ngumiti ito sa'kin at agad na nag react ang puso ko. Mabilis at malakas ang pagtibok ng puso ko.

I can't stop myself to look at him and memorizing every part of his face. His handsome face. His thick black eyebrow at ang mahabang pilik mata nito. And his eyes..his amber eyes na tuwing mapapatitig ka ay parang nababasa ang nasa isip ko. Lagpas kaluluwa kapag nakatitig ka sa'kanya. My eyes down to his perfect nose. Ang matangos nitong ilong ay minsan ay napapatanong ako, kung anong ginawa ng lalaking ito para bigyan ng magandang matangos na ilong.

And the last his sexy lips. Manipis at ang maliit na labi at mamumula kulay ng labi niya. At kapag ngumiti ito at nginisihan ka niya, hindi na ako magtataka kung bakit maraming babaeng nahuhumaling sa'kanya. Kahit bigyan ka lang niya ng seryosong tingin ay tumutulo na ang laway ng mga babae niya paano pa kaya ang tumawa siya.

Paano pa kaya kung marining nila ang sexy chuckled niya baka mahimatay na sila.

At ang perpektong hubong ng mukha at ang makinis na kutis ng balat. Medyo nalang siya maputi ngayon dahil narin sigurado sa pangangabayo. Pero nababagay naman sa'kanya ang kulay tan ang balat niya sa katawan niyang muscular.

"Pero ang kulit mo! Hindi ka titigil hangga't hindi ako makikining sayo!"

Natawa naman siya ng mahina. Napailing nalang ako at maalala ang kalukuhan ng lalaking ito. Ewan ko ba, kalalaking tao pero kung magsalita ay parang babae ang daming sinasabi at alam.

Napapangiti nalang talaga ako kapag naalala 'yon. Yung kulit niya, yung pagtatampo niya kapag hindi ko siya pinapansin o di kaya nagagalit na ako sa'kanya dahil sobrang kulit niya. At suyuan namin kapag nagtatampo siya at ako. Pero dahil mapride ako at kapag alam ko na wala akong kasalanan sa'kanya hindi talaga ako ang susuyo sa'kanya. Bahala siya! Pero hindi naman ako makatiis sa lalaking ito.

Magpapacute pa sa harap ko. E sino bang magagalit sa'kanya! Ang kulit lang talaga kapag magrereview ako, ang sarap itapon sa ilong pasig! Pero hindi ko naman magagawa 'yon. Bestfriend ko kaya yan!

At may gusto ka sa'kanya!

Umiling nalang ako sa sinasabi ng isip ko.

"E wala namang magngungulit sayo kung hindi lagi ang mukha mo sa libro! Nagsasalita ako, tapos hindi ka naman nakikinig! Nakakainis ka talaga minsan e!"

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon