C H A P T E R 04

24.9K 406 4
                                    

CHAPTER 4

HAPON na akong nakauwi sa'min. Nilibre kami ni kuya Franco at sobrang saya na saya si Krystal dahil kainan naman.

Napa-iling nalang ako sa kaibigan ko parang ako nalang ang nahihiya para sa'kanya. Pero ewan ko ba, ang lakas lakas kumain pero wala namang katabaan. Saan kaya napupunta ang lahat ng kinain niya.

Agad kong binagksak ang sarili sa kama at napapikit. Hanggang sa kinain na ako ng antok.

"WAKE up sweetie." nagisig ako ng isang tapik sa mukha ko.

"Hmm."

"Dinner time na sweetie." bulong ng mommy ko at humalik naman siya sa pisngi ko. Napangiti ako habang nakapikit parin.

Tumango ako ng marahan. "Sunod po ako Mommy."

"Okay. I'll wait." narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsirado nito. Humugot muna ako ng malilim na hininga bago bumangon at dumaretsyo sa shower para maligo. I need to take a bath because I feel so sticky.

It's Sunday morning. At nanuod lang kami ni Mommy sa kwarto ng iba't-ibang movie. Halos korean movie ang pinapanuod namin, paano si mommy namimili ng gwapong bida. Kahit daw pangit ang movie basta ang gwapo ang leading man panunuorin niya. Napa-iling nalang ako at napatawa kay mommy.

Nagreready kami sa ingredients para sa lulutuin namin mamayang dinner. Habang si Mommy ay nasa labas para buksan ang gate dahil mukhang may bisita ata si Mommy.

"Sweetie you have a visitor!"

Kumunot naman ang noo ko.
Kaya napalabas naman ako galing kusina. Nakita kong nakaupo na siya sa sofa namin pero nung makita niya ako ay bigla nalang  siyang tumayo.

"Vincent? Anong ginagawa mo dito?" ngumiti pa siya na parang nahihiya at napakamot pa sa likod ng leeg niya.

"Ahm...gusto sana kitang yayain kumain sa labas."

"A-ano kasi--"

"Payagan mo na anak." sabat ni mommy sa usapan namin. Habang subo-subo ang isang cookies na yung kinakain namin kanina habang nanunuod ng movie.

"Pero mom, ikaw lang mag-isa magd-dinner." baling ko kay mommy.

Lumapit si mommy sa'kin at hinaplos ang buhok ko."Wag muna akong aalahanin. Basta, enjoy your date, okay?" ngiting saad ni mommy.

Bumaling naman ako kay Vincent at nakangiti naman siya sa akin. Tumango ako ng marahan kay Vincent kaya mas lumaki ang ngiti niya. Sobrang nakakahiya namang tumanggi sa'kanya.

"Magbibihis lang ako." paalam ko ay Vincent at bumaling naman ako kay Mommy na tumango-tango.

Umakyat na ako ng hagdan at inisip kung, tama ba ito? Pumasok ako sa room ko at nagmadaling pumasok sa shower room.

I wore a white shirt dress paired with my red sandal. I put light make-up at hinayaan ko lang ang nakalugay straight kung buhok na hanggang byewang.

Ng pababa na ako narinig kong may punaguusapan sila ni mommy. Sabay na tumayo ang dalawa at agad na lumapit si mommy sa'kin.

"Dalaga na talaga ang anak ko."

"Mommy!" Pero tumawa lang si mommy.

Hinatid naman kami palabas ni mommy. Binuksan ni Vincent ang sasakyan niya isang black car universal. Agad kong naamoy ang pabagong gamit ni Vincent.

Kumaway ako kay mommy at simula ng umandar ang sasakyan. Sumalubong naman ang kilay ko ng may nahagip akong isang kotse na nakaparada sa malapit ng bahay namin. Parang pamilyar yung kotse na 'yon.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon