CHAPTER 30PUMASOK ako sa loob ng kwarto na wala sarili habang hawak ang newspaper. This is not good. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Clark at bakit pa may ganito. Bakit kailangan pa niyang ipa-newspaper na humingi siya ng tawad sa'kin?
Binabasa ko ulit ang sulat.
Hon, I'm sorry for everything. But this time I'm not gonna let you leave me again.
Umirap ako habang pulang-pula ang magkabilang pisngi ko. Nagsorry pa nga may dinagdag pa siyang 'im not gonna let you leave me again' pa siyang nalalaman.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso. Napapikit ako at umiiling.
No, Ellise gumising ka! May asawa at anak na siya!
Bigla akong natauhan at nanghihinang umupo sa gilid ng kama. Tinapon ko ang newspaper sa galit at napasabunot sa sariling buhok.
"God! Ellise he's a married man! Wake up!" saad ko sa sarili.
Ano bang ginagawa ni Clark. May asawa at anak na siya hindi ba siya ng iisip? Hindi ba niya iniisip na masasaktan niya si Kathrine ang asawa niya lalo na ang bata. Nawawala ba siya sa sarili niya? Kung baliw na siya, wag naman sana niya kaming idamay. Hindi ko pinangarap sa buong buhay ko ang sumira ng pamilya.
Ano bang gustong mangyari ni Clark at bakit may pa ganon ganon pa siya? Anong gusto niyang iparating sa'kin na makukuha niya ako sa paganon niya? Hindi na ako tulad ng dati na sapat na kong marining ang sorry niya. Not again. I wouldn't do the same mistake before.
Tinipik ko ang pisngi ko para magising. Tumayo ako at kinuha ang newspaper sa sahig at tinapon sa basura. Bakit ba yan pinaglalanan ng oras, wala ngang siguro kung sa'kin nga yan? Walang pangalan kaya dapat itigil ko na ito. Baka nga kay Kathrine yun, baka nag-away sila.
Napasabunot uli ako sa buhok ko dahil sa inis. Umaandar naman ang paging assuming ko! Mas mabuting puntahan ko nalang ang anak ko kaysa pansinin ang walang kwentang bagay na 'yan!
Pumasok ako sa kwarto ng anak habang tinatali ang buhok. Nadatnan ko itong ngumunguya habang hawak ang isang cookies na gawa ko. Habang ang isang kamay nito ay may hawak na cellphone katapat sa tyenga niya.
"...I'm sure na pong hindi kami aalis daddy! Nakita ko yung newspaper po kanina." sabi niya habang walang tigil ang pagkain ng cookies.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinasabi ng anak ko. Anong sabi niya? May alam dito si Lara? Napairap ako sa sobrang inis. At talagang sinama pa niya ang anak ko sa kalokohan niya!
"Don't worry Daddy! Marami pa pong cookies na nasa jar. Basta po ha, punta po ikaw dito?" tumango-tango naman ang anak at lumapit sa'kin ang tingin niya.
Nakita ko ang pagkagulat ng mukha ng anak ng makita niya ako at napatabon bigla sa bibig niya. Kaya napailing ako.
"Daddy mo?" Kalmadong kong tanong sa'kanya na dahan-dahan na lumapit sa kama niya.
Tumango ito at ngumiti ng matamis. "Opo. Bakit po mommy? Namiss po ba ninyo si daddy ko?"
Hindi ako sumagot at narinig ko nalang ang mahinang hikhik niya. Ngumuso siyang inabot ang cellphone sa'kin. Mukhang may sasabihin pa siya sa daddy niya. Napilitan atang ibigay sa'kin.
"Hon..." tumalikod na ako bago makita ng anak ang pagirap niya. Lumayo ako ng kaunti sa kama ng anak bago sumagot.
"Please Clark, tigilan mo nga kakatawag sa'kin ng ganyan!" pinipigilan ko ang boses ko na lumakas baka marining pa ni Lara.
"You didn't miss it? But miss calling you that... I miss you hon." sagot niya kaya mas lalo akong nainis.
Bumaling ako sa pwesto ng anak nakasandal sa kama niya habang nakatingin sa'kin. Tumalikod ako pagbalik at lumakad ng tatlong hakbang.
BINABASA MO ANG
Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)
RomansaClark Kenneth 'The Playboy' Montenegro meet a girl named Ellise Jean Zamora who is secretly in love with him. They become bestfriend since they were kids until Ellise confess his feelings to Clark. But after that day Ellise just suddenly leave while...