C H A P T E R 32

16.3K 258 19
                                    

CHAPTER 32

PAREHONG pormal ang mga suot nila pero parehong nakasuot ng pink na apron. Habang white long sleeve shirt ang suot ni Vincent at kay Clark naman ay black. Parehong nasa siko na ang dulo ng suot nilang long sleeve habang seryosong naggigisa ng mga sangkap na gamit nila.

Lumipat naman ang tingin ko sa anak nakapatong ang baba nito sa likod ng palad niya habang manghang-mangha sa ginawa ng dalawang lalaki. Tuwing hinahalo ni Vincent ang sangkap ay may pa lipad lipad pa sa ere kaya itong si Clark ay gumaya din kaya tuloy ang daming nahuhulog sa ginawa niya.

Pero itong anak ko kay pumapalakpak sa ginawa ng ama. Tuwang-tuwa sa nangyayari. Tuwing ginawa ni Clark ang ginawang style ni Vincent napapapikit ako dahil kailan pa natuto ang lalaking ito na magluto. Ang alam lang ata niya ay lagyan ng maniit na tubig ang noodles hindi ko siya pa nakitang nagluto sa kusina.

Hindi ko magawang umalis sa kusina kahit naramdaman ko ang tensyon ng dalawang lalaking habang nagluluto. Nag-aalala baka may sunog na mangyari, nandito pa naman ang anak ko sa kusina na ayaw humiwalay sa kay Clark.

At tulad ng sabi niya nung gabi. She really hug her dad tightly. Parang hindi na nga niya bibitawan si Clark.

Umalis ng maaga si Kuya kaya hindi niya alam kung anong nangyayari ngayon. Habang sina Mommy at Daddy naman ay parang hindi makipaniwala sa nagaganap ngayon lalo na sa dalawang lalaking nakatayo sa harap namin.

"Daddy, ano po itong niluto mo?" tanong ng anak na bumasag sa katahimikan sa dining area.

Ngumiti si Clark sa anak ko bago sumagot.

"Adobo with pineapple baby." tumatango ang anak at para bang ng o-observe sa luto ni Clark. Yung anak ko ay parang umasta na judge sa isang cooking competition.

"At ano naman ang niluto mo, Papa Vincent?"

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagkakunot ng noo ni Clark na para bang may kung ano siyang hindi nagustuhan sa sinasabi ni Lara.

"Kare-kareng baboy baby."

Tango ulit ang sagot niya kay Vincent. Tumikhim si Daddy kaya napatigil si Lara sa o-observe ng niluto ng dalawa.

Wala namang problema kay Vincent dahil sa dalawa taon ko siyang nakasama sa Canada nalaman kong magaling talagang siyang magluto. Pero itong si Clark, hindi nalang ako magsasalita pa.

"Magsi-upo kayo at ng makakain na tayo."

Magkatabing nakaupo ang dalawa kaya mas lalong naramdaman ko ang tensyon at awkward. Agad na sumandok si Vincent sa luto niya at nilagay sa pinggan ko at kay Lara.

Hindi naman bago sa'min ang ginawa ni Vincent pero mukhang ang katabi niya ay nagulat at hindi ito nagpatalo. Sumandok din siya sa niluto niya at nilagay sa pinggan namin ng anak ko. Inusog pa niya ang ulam na luto ni Vincent kaya napatingin ako sa ginawa niya.

Binigyan lang niya ako ng what-look. Kaya napabuntong hininga dahil sa hindi makapaniwala sa'kanya.

God, Clark you're unrelievable! So childish!

Tumikhim muli si Dad kaya umiwas ako ng tingin sa'kanya. Tahimik na kumain sina Mommy at Daddy habang si Lara lang nag-iingay sa mesa. Napapansin ko tuwing tinatawag ni Lara si Vincent na 'Papa' parang gusto niyang saksakin si Vincent sa tinidor na hawak niya.

Nagdadalawang isip naman akong tikman ang luto ni Clark pero nangmakita ko si Lara na sunod-sunod ang subo niya ay napangiti nalang ako.

"Masarap ba anak?"

Tumango ang anak at ngumiti sa ama. "Yes, po daddy!"

Umangat ng tingin sa'kin si Clark kaya napasubo ako sa gulat. Nandoon parin ang alat sa abodo pero dahil sa pineapple na nilagay niya naghalo ang tamis at alat.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon