C H A P T E R 29

18K 292 23
                                    


A/n :

    I'm sorry po kung ngayon palang po ako nakapag-update sobrang busy lang po sa acads, sana po maintindihan po ninyo ako. Thank you!

Enjoy reading!

CHAPTER 29

NAGING selfish ba akong ina kaya ito nangyari sa'min ng anak ko? Mali bang humangad na hindi matulad ang anak ko sa'kin?

Naging mali ba ang desisyon ko kaya para ang tadhana na ang gumawa para pagtagpuin ang mag-ama. I know I was wrong dahil alam ko sa sarili ko may karapatan si Clark makilala ang anak namin. Alam kong may karapatan ang anak ko na makilala ang ama niya.

Pero tama bang bigyan ng karapatan si Clark kung sa una palang ay wala siyang karapatan sa anak ko. Oo, alam ko na siya ang ama pero bakit wala siya sa panahong sobrang kailangan ko siya?

Kung sana hindi siya naghanap ng ibang lasang pagkain baka hindi pa ako umalis at nanganak na wala siya.

Baka hindi ko pa naisipan tapusin ang buhay ko.

Baka nandoon pa siya kasama ko tuwing nagpapanahanap ako ng pagkain tuwing kalagitanaan ng gabi.

Baka kasama ko pa siya tuwing nagpapacheck-up at nagpapaultasound.

Baka kasama ko pa siya nung manganganak na ako.

Baka kasama ko pa siyang pagpuyat tuwing nagigising si Lara.

Baka kasama ko pa siyang umiiyak ng marining ang unang salita ng anak namin.

Baka kasama ko pa siya sa pagpaplano sa unang birthday ng anak namin.

Kaso wala siya e.

Dahil lahat ng baka na 'yon ay mananatiling doon nalang.

Dahil may anak siya. May pamilya na siya.

At hindi ako 'yon. Hindi kami ng anak ko 'yon.

Masakit pero ito ang totoo e. Hindi na ako maging parte ng mundo niya. Kasi may iba ng may nagmamay-ari ng dati kong mundo.

Parang sinampal sa'kin ng mundo na hindi pwedeng maging kami kasi sa una palang alam kong ako lang may gustong maging higit pa ang pagtingin niya. Hindi yung magkaibigan lang yung higit pa doon.

Minsan pumasok sa isip ko, na pagsisihan ko ito sa buong buhay ko pero nung dumating sa'kin si Lara na wala ang lahat ng 'yon. Bahala ng masaktan ako, basta nandito lang ang anak ko. Kontento na ako doon.

"M-mommy..." mabalis akong napabangon sa pagkakahiga sa kama at niyakap ng mahigpit ang anak.

"...I'm sorry po. I didn't mean to say that to you. I n-never hate you mommy... It just gusto ko lang makilala si daddy. Are angry at m-me mommy?"

Inalis ko ang kamay niya sa mukha at pinunasan ko ang basang mukha niya dahil sa luha. Sunod-sunod ang tulo ang luha ko habang umiling sa'kanya.

"I'm sorry po kung nasaktan ko po kayo. Hindi ko po yun sinasadya mommy. Mapapatawad n'yo po ba sa Lara? "

Kumirot ang puso ko sa saad ng anak. Simula nung naging Ina ako sa isa natutunan ko kung nakikita mong nahihirapan at umiiyak ang anak mo ay parang kang sinasaksak ng dahan-dahan kapag nakikita mong ganon sitwasyon ang anak mo. Ang hirap hirap huminga at para kang mababaliw kung paano mo siya mapapatahan kapag umiiyak siya.

I remember those times nung first niyang matubuan ng ngipin halos na baliw talaga ako dahil umiiyak na ito at sobrang taas pa ng lagnat. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko kasi umiiyak at kinakabahan narin ako.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon