C H A P T E R 34

15.9K 216 40
                                    


CHAPTER 34

"PWEDE ba tayong mag-usap hon?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng kama dahil sa bigla pagpasok niya sa kwarto ko. Umagang umaga at birthday ng anak ako kaya pinipigilan kong magalit.

"Clark...pwede bang pagkatapos nalang ng birthday ni Lara. Please...wag na muna ngayon." balik ko uli sa pag-aayos ng kama ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbukas at sirado ng pinto kaya nakahinga ng mabuti. Pagkatapos sabihin ni Kathrine 'yon bigla dumating si Clark. Naiiyak ako at naguguluhan kung tama bang paniwalaan ang sinabi ni Kathrine nung gabing 'yon. Naguguluhan at natatakot ako. Hindi ko alam kung paniwalaan ko ba ang narining o magbingi-bingihan nalang ba ako.

Umalis agad ako sa pwesto ng kinauupuan at iniwan silang nag-uusap. Clark tried to talk to that night pero ako humindi at umiwas sa'kanya. Hindi ko alam kung maging masaya ba ako o ano. Parang pakiramdam ko pinaglaruan nila ang damdamin ko.

Napuno ng galit ang puso ko dahil ginawa nila dati pero ngayon. Puno ng pagsisi at guilty ang naramdaman ko. Sa ilang taon akong nasa Canada ang tumatak sa puso at isip ko na niloko nila ako. Kinuha ko ang ilang taon na dapat nakita ni Clark na lumaki si Lara.

Kung sana ginising ko sila nung gabi 'yon may nagbago ba kaya? Hindi kaya kami natuloy sa pagpunta sa Canda? Hindi ko kaya inisipang tapusin ang buhay ko? Hindi kaya humantong pa sa ganito kung hindi ako umalis?

Pero masisi ba nila ako? Sino bang matutuwa kung nadatnan mong nasa iisang kama ang lalaking mahal ko at ang babaeng tinuring mo ng kaibigan na mukhang kakatapos lang nilang pagsaluhan ang isa't-isa? Dapat ko ba silang gisingin at magtanong kung may nangyari sa kanila?

Punong-puno ng ang utak ko sa pangyayari non. Nalaman kong may anak si Daddy at may sakit siya. Tapos nadatnan ko ang boyfriend ko sa ganon na sitwasyon. Sa aming first anniversary.

Naguguluhan at nasasaktan na ako. Gusto ko ng kalimutan ang lahat baka sakaling maging okay ang lahat. Pero biglang nalaman ko na buntis ako. Magulo na ang isip ko at hindi ko pa alam kung paano maging Ina. Kung paano ako maging ina sa anak ako.

Sa sobrang takot ko... iniwasan ko ang lahat. Lagi akong humindi kapag niyaya ako nila Mommy at Kuya na bumalik sa Pilipinas pero lagi ko silang tinatanggihan. Hindi dahil sa ayaw ko... kundi ayaw kong harapin ang totoo. Ayaw kong harapin ang masakit na totoo.

And now...nagsisi na ako sa naging desisyon ko. Maliban lang sa makita si Daddy at ang malaman ang totoo. It's too late to realize na ako ang may naging mali.

Maingay ang buong bahay pagkababa ko. Alas kwatro palang nagsimulang na magluto ang mga kasambahay dahil ayaw kong kasing magpa-cater mas gusto ko gawa ng taga luto na kasambahay namin. May plano ata si Clark na magorder ng lechon kaya hindi ko narin tinuloy ang pag-order ko.

Nadatnan ko ang anak ko tumawa kasama sina France at Vin sa living room. Ang dalawang batang lalaki ay nakasuot na pag-prince at suot ding crown. Habang ang anak ko naman ay may suot na pink na gown at may maliit na crown sa ulo niya.

Agad na tumakbo ang anak ko ng makita niya ako palapit sa deriksyon nila.

"Wow ang ganda naman ng anak ko."

Tulad ng inaasahan ko ng bago uli ang gusto niyang theme gusto niya daw yung mala-princess siya at mabuti nalang talaga ay naging bagay naman ang design sa stage. Yung susuotin lang namin ang nagbago.

"Bakit hindi pa po ikaw ng nagbibihis mommy?"

Kinurot ko ang mahina ang pisngi niya at inayos ang bangs niya. Naka-ponytail ang buhok ng anak ko habang may naiiwan sa gilid ng pisngi niya na ngayo'y nakakulot.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon