"Klestiah, nagbabago ka na!"
I closed my mouth. My friend shout at me and I didn't expect that from her. She's so serious right now.
"Hindi ka ba nagdududa? Bulag ka na ba Kle? Look! Lahat ng sinasabi mong masama nagkakatotoo! Hindi ka ba nangingilabot ha?"
Binalikan ko nga ang mga araw na lahat ng hinihiling o kaya sinasabi ko ay nagkakatotoo.
Flashback...
"Oh come on Klestiah! Tigilan mo 'ko sa kakadakdak mo! Bakit hindi mo 'ko saktan ngayon!" Hamon sa akin ni Ziana.
Agad ko siyang sinugod at sinabutan ng malakas. Walang umawat sa amin. Ramdam ko sa buong katawan ko ang panggigigil sa kaniya. Ramdam ko din ang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.
"Tigilan mo 'ko Ziana! Wala kang mapapala sa akin!" Inis na sigaw ko at malakas siyang tinulak.
Napaupo siya sa lup at halata ang inis sa itsura niya. Nakakairita ang pagmumukha niya.
"Sa susunod na lumapit ka sa'kin, sana mapilay ka!" Sigaw ko bago siya tinalikuran.
Ilang araw ang lumipas ay nabalitaan kong pilay na nga siya. Ang sabi ay nahulog daw ito sa hagdan. Tuwang tuwa naman ako dahil sa karma niya.
....."Ikaw na bata ka! Wala kang ginawa kundi ang gumawa ng gulo! Kailan ka ba matututo?" Sigaw sa akin ni Dad.
Napayuko lang ako habang pinapakinggan lahat ng sinasabi niya. Hindi naman ako ang nauna, pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko.
"Tama na nga 'yan Treyvor, matuto na lang 'yan." Sabi ni Mom.
"Kailan pa 'yan natuto? Hindi naman natuto 'yan! Magcocollege na siya. Hindi ko nga alam kung makakatulong pa 'yan sa'tin e." Sabi naman ni Dad.
Napatikop lang ako ng labi at pilit binabaliwala ang sinasabi nila.
Mali ba na ipagtanggol ko ang sarili ko?
Sana awayin si Dad para malaman niya man lang lahat ng sinasabi ko.
Ilang araw lang ang lumipas ay nabalitaan kong sinugod si Dad sa kumapanya. Ang rinig ko sa usapan ay hindi lang daw sila nagkaunawaan kaya nag init ang lalaki at sinugod si Dad.
.....
"S-Sorry."
Agad napakunot ang noo ko ng makita si Lesvin na umiiyak sa harap ko. Boyfriend ko.
"Bakit nagsosorry ka?" Nagtatakang tanong ko.
"I'm breaking up with you."
Agad akong natauhan sa sinabi niya. "Ano? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
Wala naman kaming pinag awayan. Wala naman kaming tampuhan 'nung nakaraang araw. Hindi pa nga kami nagdadalawang buwan tapos makikipagbreak agad siya?
"I'm sorry for not doing my promises."
Natawa ako ng sarkastiko at humarap sa kaniya. "Sino ba kasing lalaki ang gagawa ng pangako? Dad ko nga hindi nagagawa ikaw pa kaya?"
"I'm really sorry."
"Bakit ba nakikipagbreak ka? May bago ka na ba?" Tanong ko, medyo naiirita.
Wala naman akong pakialam kung magbreak kami. Nagtataka lang kung bakit ganu'n kabilis. Ang bilis naman kasi masyado.
"M-May bago na kasi akong maha-"
"Pot@ngen4." Natawa ako sa sinabi niya. "Bago? Mas maganda sa'kin o mas matino sa'kin?" Tanong ko na ikinayuko niya. "Go and be boyfriend of all girls out there, I don't care. Sana lamunin mo lahat ng pangakong hindi mo natupad at kapag nabusog ka, hindi ka na makahinga." Sabi ko bago umalis.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...