19

87 10 0
                                    

"Wala pa din bang balita?"

Umiling naman agad si Hiroyuki. Napabagsak ang balikat ko sa sobrang pagkadismaya. Hindi ko na alam kung paano siya hahanapin.

"Pinahanap ko na rin sa ibang bansa pero walang nahanap na Evohr Zalanter. Sigurado ka ba sa pangalan?" Paniguradong tanong ni Davill.

Tumango naman ako. "Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko ang mga pangalan nila."

Napabuntong hininga naman siya at tumango. "Pinapahanap ko pa rin naman, 'wag kang mag alala."

Parang masisiraan ako ng ulo dahil sa kakahanap sa puntod ni Warren, imposible naman kasing mawala na lang 'yon ng ganun'n ganu'n na lang. Ang masakit pa, hindi man lang nila sinabi sa'kin kung saan nila nilipat ang puntod ni Warren na para bang wala kaming pinagsamahan nito.

"Umuwi ka na Kle, kami na lang ang bahala dito," sabi ni Davill.

Napatango naman ako. Alam kong gutom na si Weivo sa bahay.

"Samahan na kita," sabi ni Hiroyuki.

Mabilis naman akong umiling. "Wag na. Kaya ko na." Mabilis na sagot ko.

Alanganin naman siyang tumango. Pumunta muna ako ng grocery store para bumili ng makakain namin ni Weivo. Nang makarating ako ng bahay ay sobrang linis nanaman ng paligid. Tulad ng dati, naabutan ko  nanaman siyang tulog sa kwarto.

Tinitigan ko lang siya habang tulog. Wala pa 'kong balak gisingin siya. Tulad ng sabi niya ay mahilig siya matulog kaya hindi na bago sa'kin kung maabutan ko siyang tulog nanaman.

Napasinghal pa 'ko habang tinititigan niya. Hindi naman kasi nalalayo ang itsura niya sa normal na tao. Ang pinagkaiba lang ng tao at tulad niyang demon ay may sungay siya, mahahaba ang kuko niya at maitim na maitim ang mata niya. Ang pula ng labi niya at medyo matatalim ang ngipin. Nakakatakot ang titig niya pero manlalambot ka tuwing tititigan ka sa mismong mata.

Naalala ko si Warren. Napakagat ako sa sariling labi habang inaalala 'yong araw na magkasama kami. Bakit ba bumalik nanaman 'yong dating memories na iniiwasan kong maalala?

Flashback...

"Klestiah!"

Masama ang tingin niya pero pinagtatawanan ko lang siya dahil ang cute niya sa tuwing galit siya. Hindi ko alam kung bakit sobrang tuwa ko sa tuwing makikita siyang nagseselos sa mga kaibigan ko.

"Sinabi ko naman sa'yo na kaibigan ko lang naman ah." Pagpapaliwanag ko, paulit ulit kong pinapaalala ko 'yon sa kaniya.

Nagbuntong hininga naman siya at ngumuso pa habang nag iwas ng tingin. "Hindi ko naman kasi maiwasang hindi magselos! Nakakasama mo 'yun habang abala naman ako sa pag-aaral."

"Magkasama nga tayo ngayon e." Natatawang sabi ko.

Napairap namam siya. "Seryoso ako babe."

"Seryoso naman ako ha. Nag aaral din naman kami tulad mo, talagang mga gago lang sila kaya nakakasama ko magparty party. Hindi ka naman mahilig sa party 'di ba?"

Umiling naman siya na ngumiwi pa. "Pero nagsesels pa din ako hmmp." Kunwari naman siyang nagtatampo.

Natawa naman ako at mabilis siyang niyakap mula sa likod. "Seloso mo 'no?" Natatawang tanong ko.

"Ano bang nakakatawa?" Ang pikon niya minsan.

"Masaya lang talaga ako kapag kasama ka."

End of flashback...

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko habang nakaupo sa dulo ng kama. Sa tuwing naalala ko 'yong masayang memory, naiiyak ako. Para bang gusto kong ibalik 'yong dating oras para lang maging maayos pa din ang lahat hanggang ngayon pero hindi e. Hindi pwedeng ibalik 'yong dati.

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now