"Stop Klestiah, He's still your Dad! Calm down."
Mahigpit kong hinawakan ang kwelyo niya na halos ikinagulat ng lahat. Matalim ang tingin ko sa kaniya. Everytime I saw his face, everything becomes dark in my eyes.
"Wag niyong guluhin ang burol ng Mom mo Klestiah."
Sa pagkakataong ito ay sarado ang isip at puso ko. Wala akong ibang maramdaman kundi galit mula sa lalaking kaharap ko na hindi ko na makilala pa.
"Ang lakas ng loob mong magpakita pa dito." Seryosong sabi ko.
Parang manhid na talaga siya na hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.
"H-Hindi ko sinasad—"
"Kung patayin kaya kita tapos sabihin kong hindi ko sinasadya." Lalong humigpit ang hawak ko sa kwelyo niya.
Sa kwelyo niya nailalabas ang galit ko. Halos malukot na 'yun dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.
"Klestiah!" Sita sa akin ng grandmother ko, Mom ni Mom.
Hindi ko nga alam kung bakit parang okay lang sa kanila na nangyari 'yun samantalang ako ay hindi mawala sa isip ko na namatay ang Mom ko dahil pinatay ng Dad ko, ang mismong asawa niya.
Hinila na ako ng mga kaibigan ko palayo kay Dad kaya nabitiwan ko si Dad. Matalim ang tingin ko sa kaniya na para bang kunting galaw niya lang ay mamatay siya sa mismong kamay ko.
"Sana lalong bumagsak ang kumpanyang pinagpaguran mo para malugmok ka at magpakamatay." Pagbabanta ko.
"Klestiah. Ang bibig ko. Hindi ka ba pinalaki ng maayos?" Tanong sa akin ni Tita, kapatid ni Mom.
Tumango naman ako. "Mukhang mahahawa ako sa ugaling mayroon ang ama ko."
I don't want o see his face in my front so I decide to go to my room. Marami namang tao sa labas kaya alam kong hindi naman nila iiwan doon si Mom.
"Klestiah, don't copy your Dad." Sabi ni Davill na ikinakunot ng noo ko. "Don't let your anger eat you."
Hindi ko siya pinansin at inabala ang sarili sa panonood ng mga bituin na pakalat kalat sa kalangitan. Sa madilim kong kwarto, hinahanap hanap ko 'yung dating pamilyang mayroon ako.
Flashback...
"Klestiah? Are you still awake honey?"
Napaupo ako sa kama ng marinig ko ang boses na 'yun ni Mom. Pumasok siya ng kwarto at binuksan pa ang ilaw para makita ako. Ngumiti naman ako ng malapad ng magtama ang tingin namin.
"Hi Mom. Why?" Tanong ko.
"I thought you are sleeping already." Natatawang sabi niya na naupo pa sa kama ko. "I just want to inform you that we are going to the Boracay this Friday."
Nanlaki naman ang mata ko at excited na ngumiti. "Really Mom? Ohmygash! Exactly, wala kaming pasok sa friday, holiday kasi."
"Exactly." Natatawang sabi ni Mom. "Tulog na ara bukas enjoy mo na last day of school mo this month and Friday, we are going to Boracay."
Ngumiti naman akoat tumango. Nakakatulog ako ng mahimbing ng wala masyadong iniisip. Masaya ako sa kung anong mayroon at kung ano pang nangyayari sa buhay ko. Hindi na ako naghahangad pa ng kung ano ano dahil ramdam ko na 'yung saya kahit sila lang ang kasama ko.
"Welcome to Boracay!" Tuwang tuwa na sabi ni Dad.
Napanagiti naman ako habang nililibot ang tingin. Nakakarelax ang paligid na narito. Parang kahit wala akong ginagawa ay narerelax na ako gamit ang tingin lang.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...