DEDICATED TO: Zarielx07
"Puro na lang gulo dala mo Klestiah."
'Yun lang ba talaga ang tingin sa akin nila? Gulo? Hindi man lang nila inalam na hindi ako ang nauuna at talagang pinagtatanggol ko lang ang sarili ko.
Wala tuloy akong gana na pumasok ng klase. Kay aga aga e binungadan ako ni Dad ng masigabong sermon. Anak naman ng tinapa oh!
"Kle!"
Napasinghal ako ng dumanting si Cristine, kaibigan ko. Naiirita ako sa ingay niya palagi. Parang hindi siya nauubusan ng energy.
"Bakit nanaman?" Reklamo ko.
Bumili ako ng isang sigarilyo at sinindahan 'yun nang humarap siya. Agad siyang napangiwi at napalayo sa akin. Napakaarte.
"Akala ko ba stop ka na? Are you still using cigarettes huh." Sabi niya.
Umiwas lang ako ng tingin at paulit ulit na humihithit ng sigarilyo. Talagang hindi ko maiwasan na magsigarilyo lalo na kapag nag iinit ang ulo. Pakiramdam ko ay pinapakalma ako ng sigarilyo sa tuwing gagamit ako.
"Inaway ka nanaman ng pudra mo ano?" Tanong ni Tintin na naupo pa sa tabi ko.
Napasinghal nanaman ako. Kilala niya 'ko masyado. Kaibigan ko na siya since 1st year high school. We are almost best friend in 5 years.
"You are legal age but you don't need to take that. Baka hindi kayanin ng baga mo 'yan." Sabi niya nanaman.
"Mas okay ng mamatay ako sa sigarilyo kaysa mamatay ako sa init ng ulo." Sabi ko.
Napangiwi naman siya. Lalo pa akong nairita ng makita ang grupo ng kababaihan na nakatingin sa akin. Hindi man sila nagsasalita ay alam kong nanlalait ang tingin nila. Tumayo ako ng tuwid at nilabanan ang titig nila. May isa pang umirap.
"Ang pangit naman." Bulong ko.
"Ha?" Nagtatakang tanong ni tintin.
Napairap ako lalo at dinampot ang bag ko. Sa gate pa lang ay nasita na agad ako ng guard.
"ID mo Ms. Montellre." Sita sa akin ng guard na hinarangan pa 'ko.
"Ito oh!" Inilabas ko ang ID sa bulsa ko at pinakita sa kaniya.
"Isuot mo at baka masita ka ng mga teacher."
Suminghal ako at tamad na sinuot ang ID. Nang makapasok kami ay agad akong siniko ni Cristine.
"Ayusin mo pagsagot sagot mo! Parang hindi ka college!" Sita ni Cristine.
"Hindi ko feel na college ako. Feeling ko nasa high school pa lang ako."
"Sanaol. Ako kasi stress na." Sabi niya.
Napairap na lang ako. Hindi ako nasstress sa college life ko kundi sa bahay. Lalo akong nawawalan ng ganang mag aral dahil sa pinagsasasabi ni Dad.
Nagtino na 'ko noon e pero sila rin ulit nagtulak sa'kin maging ganito nanaman. Pinipilit ko na nga lang mag aral kung sa tutuusin.
"Mabubully ka talaga kung ganiyan ka." Sabi ni tintin.
"Hayaan mo sila. Wala naman silang alam sa buhay ko."
Naupo lang ako sa upuan at tamad na nakatingin sa labas. Napalingon ako sa phone ko ng magring ito, si Tyrio.
"Oh?" Walang ganang sagot ko.
[Sa kanto, mamayang alas tres.]
"Ok." Sagot ko tsaka ibinaba ang tawag.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...