"Hindi niya maalalala ang nakaraan niyo."
Alam ko. Halata naman. Hindi naman ako tanga para hindi 'yon mapansin.
Pagkalabas ni Demon Chaves at Weivo ay kasabay naman ng pagpasok ng reyna. Nanatili lang akong malayo ang tingin habang iniisip kung ano ang susunod na mangyayari.
"Bakit napunta ka dito?" tanong ko sa kaniya.
Napabuntong hininga naman siya kasabay ng pag iwas ng tingin niya sa 'kin. "Tulad ng nangyari kay Weivo, ang hari ng mga demon ay nagkagusto sa tao." Pagkekwento niya na ikinakunot ng noo ko. "Nagkagusto ang haring demon sa akin at habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin siya. Isang malaking kataksilan sa lahi ng mga demon ang magkagusto sa isang tao. Bilang isang kaparusahan, kailangan siyang patayin. Minahal ko na din ang haring demon kaya ako na mismo ang sumuko sa mundo nila. Nagpaubaya ako at hinayaang lamunin nila ang kaluluwa ko para maging isa sa kanila."
"Hindi mo man lang inisip na may anak ka sa mundo ng mga tao?" tanong ko ulit, tinutukoy si Warren.
Tumango naman siya. "Alam ko kaya hindi ko siya iniwan sa mundo ng mga tao, isinama ko siya sa mundo ng mga demon dahilan para maging isa siya sa amin."
Biglang nagflashback lahat sa isipan ko dahil sa kwento niya. That time, wala akong nagawa kundi panoorin na kainin ng kadiliman si Warren. Nanghihingi siya ng tulong sa akin pero wala akong ginawa kundi panoorin siya. Wala akong lakas 'nong araw na 'yon at ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ng umiyak. Nawala siya ng hindi ko man lang ginawa ang kaya ko.
"Pagdating niya sa mundo ng mga demon, ikaw agad ang hinanap niya. Nagpumilit siyang bumalik sa mundo ng mga tao pero tuluyan ng nasakop ng kadiliman ang utak at puso ko kaya hindi ko na pinatagal pa ang sitwasyon, ginawa kong isang demon si Warren at 'yon ay si Weivo."
Sumasakit ang ulo ko sa daming ala ala habang sumasakit naman ang puso ko sa daming nalalaman. Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to, gusto ko ng magpahinga dahil masakit na ang ulo ko.
"Anong gusto mong gawin ko?" Pandidiretso ko sa kaniya.
"Alagaan mo si Weivo kapag nakabalik na siya sa mundo ng mga tao. Mawawala ang ala ala niya dito sa mundo ng mga demon pero mananatili kami sa puso niya. Hindi na babalik ang ala ala niya pero mananatiling ikaw ang mahal niya."
Napatitig ako sa kaniya bago tumango. Hindi niya maaalala ang lahat pero mananatiling ako an mahal niya. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat maging reaksyon ko. Dapat ba 'kong maging masaya? Parang napakaunfair sa mga demon na naging pamilya niya na din.
Nang makarinig kami ng yabag ay tumayo na ang reyna para magpaalam. "Ingatan mo si Weivo." Bago siya tuluyang umalis sa harap ko.
Napalingon ako kay Weivo ng makita siyang umiiyak kaya napalingon ako kay Demon Chaves. Nanlaki ang mata ni Demon Chaves na mabilis itinaas ang dalawang kamay niya na nagpapahiwatig na wala siyang ginawa kay Weivo.
Tumakbo naman si Weivo palapit sa akin para mayakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero niyakap ko rin siya. Humakbang naman si Demon Chaves palayo na kumaway pa bago kami tuluyang iwan.
"A-Anong nangyari?" tanong ko habang hinahaplos ang likod niya.
"H-Hindi pa 'ko handang makalimot."
Napalunok naman ako sa simabi niya. Sinasabi ko na nga ba. Alam kong maraming demon ang mahalaga sa kaniya at alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat na 'yon.
"Pwede namang bumalik na lang ako sa mundo ng mga tao at manatali ka na lang dito," sabi ko na ikinabitaw niya para tignan ako.
Nakaawang ang labi niya habang nakatitig sa akin, parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...