"Klestiah."
Napakunot ang noo ko ng makita ang itsura ni tintin. Naghahalo ang takot, kaba at pagkataranta sa tono niya.
"A-Anong nangyari?"
Napahilot siya sa ulo niya habang nakayuko. Hindi ko alam pero nahahawa ako sa kaba niya. Hindi ko alam kung anong mayroon. Ang hilig kasi mambitin ng isang 'to.
"Klestiah, si Deam patay na."
Nanlaki ang mata ko at parang naghabol ako ng hininga ng marinig 'yon. "A-Ano?"
Naupo ako bigla sa upuan dahil sa kaba. I-Imposible. Hindi maari.
"Klestiah! Sabi sa'yo e." Kinakabahan ako sa panunumbat niya.
Hindi ko naman alam na mangyayari 'yong sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya 'yon.
"tin, hindi ko talaga sinasadya." Naiiyak na sabi ko. "H-Hindi ko alam kung paano nangyari. Wala akong ginagawa."
Nanahimik ako buong klase. Paniguradong kinwento na rin ni tintin sa mga kaibigan ko ang nangyari. Parang nawala ako sa sarili dahil doon. Hindi ko naman inaasahan na magkakatotoo ang mga sinabi ko.
Nakaupo lang ako sa kama habang yakap ang tuhod. Nakapikit at pilit pinapakalma ang sarili. Parang mababaliw ako. Alam kong wala akong ginawang krimen pero parang pinatay ko siya gamit ang salita. Hindi ko naman talaga sinasadya.
"Klestiah," bulong ni Yuki sa akin na niyakap pa 'ko mula sa likod.
"Walang kasalanan doon. 'Wag mong sisihin sarili mo tsaka ang sabi nila, namatay daw si Deam dahil may sakit na daw talaga 'yon." Sabi naman ni Davill.
"Klestiah, 'wag mong isipin 'yon. Labas ka na doon." Bulong naman sa akin ni Skew.
Hinila ako ni Hiroyuki para mayakap ako ng mahigpit, nakiyakap na din ang iba.
Hindi ko man gustong sisihin ang sarili ko ay kusa ko 'yong nagagawa. Nagsalita ako bago siya namatay. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Pinilit nila 'kong kumain pero hindi ako kumain. Hindi rin ako nakatulog. Wala ako sa sarili ng ilang araw. Hindi na rin ako nakakapasok ng maayos dahil nga sa nangyari. Parang gusto ko na lang isarado ang bibig ko para hindi na makahamak pa ng iba.
"Klestiah, paano kung totoo nga 'yong sinabi ko?" Bulong ni tintin na ikinalingon ko. "Na baka may ibang elemento dito." Bulong niya nanaman habang nililibot ang paningin.
Napaisip naman ako. Wala naman akong nararamdaman na iba dito bukod na lang doon... sa tuwing alas tres, nakakarinig ako ng tono.
"Klestiah, hindi na ito ang unang beses na nangyari ang mga sinasabi mo," sabi niya ulit.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Lahat nga nagflashback sa isipan ko lalo na 'nung sinugod ako ng ginang dito dahil akala niya ay may sumpa ako.
"Anong gagawin ko?" Kunot noong tanong ko habang mahigpit ang hawak sa buhok ko, pakiramdam ko kasi ay kumikirot ang utak ko.
"Magpatingin kaya tayo sa albolaryo? Alam nila kung ano ang gagawin." Bulong niya. "Sana lang ay mali ang iniisip ko dahil matagal na kitang napapansin. Tuwing galit ka ay hindi mo nakikilala ang mga tao sa paligid mo."
Napalingon ako sa kaniya. "A-Ano sa paningin mo?" Tanong ko.
"You owned by a Demon Klestiah. Kinkontrol niya ang galit mo," sabi niya na ikinakaba ko. "Sana lang ay hindi totoo ang pagkakaalam ko pero kung totoo man, 'wag mong hahayaan na kontrolin ka nito."
Napapikit ako habang mahigpit na hawak ang buhok ko maibsan man lang ang kirot ng utak ko. Hindi ko na kaya ang mga susunod na mangyayari. Paano kung totoo nga ang sinabi niya? Paano kung may nagmamay ari na sa'kin na Demon? Paano ko 'yon matatakasan?
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...