"Your Mom is okay now."
Tumango naman ako kay Tita Karie, kapatid ni Mom. Alam kong okay na si Mom ngayon. Matapos ang tahimik na libing niya ay paniguradong ayos na ang lahat. Mas okay na rin 'yun dahil alam kong hindi na siya mahihirapan sa kamay ni Dad.
"Nabalitaan din namin na sinasaktan pala ng Dad mo ang Mom mo kaya namamayayat. Hindi na healthy ang Mom mo sa kamay ng Dad mo. Hindi ko rin hahayaan na mangyari 'yun sa'yo kaya sasama ka na sa'kin."
Umiling naman ako. "I can stay here. Mapapalayo ako sa school kapag sasama ako sa'yo." Pagmamatigas ko.
"Exactly! Itatransfer kita malapit sa bahay para doon mag aral."
Umiling naman ako. "Ayaw ko."
Nasa school ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila kayang iwan at kahit ilang beses pa nila 'kong ibully ay hindi ako magpapatalo sa mga estudyante doon.
"Klestiah, magagalit ang Mom mo kapag nalaman niyang nagmamatigas ka sa'kin."
Doon ako natauhan. Para bang napaisip tuloy ako sa sinabi niya.
"Pag iisipan ko." Sabi ko bago naglakad palayo.
May pari at mga madre ang bumisita sa school namin para ipabless ang school. Taon taon talaga ginagawa ito dito.
"Shot tayo mamaya." Yaya sa akin ni Cilvestio.
Lumiwanag naman ang pandinig ko kaya mabilis akong tumango. Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakainom kaya hindi kumakalma ang utak ko.
"Dito niyo talaga pag uusapan 'yan? Nakita niyo naman yatang nasa harap natin ang mga banal na tao." Sabi ni Davill, sinisita kami ni Cilvestio.
"Oh kalma pre, kasama kang iinom mamaya." Natatawang sabi ni Cilvestio.
Hindi naman siya pinansin ni Davill. Walang lesson dahil may misa ngang naganap ngayong umaga. Nakakatakot at baka masunog ako bigla. Alam kong ang dami ko ng kasalanan dito sa mundo.
"Tara na!" Hinila agad ako ni Yuki ng matapos ang misa.
Cutting classes ang ginawa namin dahil tumakas kami sa gate. Paniguradong wala namang lesson dahil abala ang mga guro ngayon.
"Vape?" Alok sa'kin ni Skew.
Kinuha ko naman 'yun. Nanlalamig talaga ang ulo ko kapag mga ganitong bisyo.
"Ambag mo Klestiah! 'Wag puro ganda lang ang ambag, magbigay ka ng pera!" Reklamo ni Yuki na nakalatag na ang palad sa harap ko.
Napasinghal naman ako. "Ang dami mong sinasabi." Sabi ko sabay latag ng isang libo sa palad niya.
"Isang libo? Kulang 'to! Pulutan mo lang 'to e!" Reklamo niya nanaman.
Naiirita talaga 'ko sa boses niya. Kinuha ko ulit ang wallet ko pero sumingit na si Hiroyuki at abutan ng limang libo si Yuki.
"Wag niyo ng hiningan ng pera masyado si Klestiah para may pera siya kung sakaling nagkaproblema." Sabi ni Hiroyuki.
Napaangat naman ang kilay ko pero agad ding tinago ang wallet sa bulsa.
"Narinig mo 'yun Yuki?" Tanong ko kay Yuki.
Natawa naman siya at tumango. Sila ang namili ng kung ano ano. Akala ko inuman ang pupuntahan ko, picnic pala.
"May ex ka pala Klestiah?" Biglang tanong ni Tyrio habang nag aayos kami ng sapin.
Narito kasi kami sa likod ng bahay ni Skew, may mini garden dito na pwedeng pagpicnican.
Napalingon ako kay Tyrio ng sabihin niya 'yun, kahit sina Chan at Davill ay napalingon sa'kin.
"Sinong chismoso nanaman ang nagsabi sa'yo niyan?" Kunot noong tanong ko.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...