"Okay ka lang ba diyan?"
Napalingon naman ako kay Weivo ng itanong niya 'yon. Natawa pa ako sa itsura niya pero tumango din naman agad.
"Okay lang ako, sarili mo ang isipin mo. Hindi ka pwedeng mamatay." Pagpapaalala ko sa kaniya sa bagay na 'yon.
Napabuntong hininga naman siya at malayo ang tingin. "Wala kang pwedeng makain dito. Hindi pwede ang pagkain namin dito sa'yo. Gut ka na ba?"
Napakunot naman ang noo ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Talagang wala siyang pakealam kung mamamatay siya.
"Bakit pag sinabi ko bang gutom na 'ko e may magagawa ka?" Panghahamon ko sa kaniya.
Tumango naman siya. "Oo naman. Pwede kong tawagin si Demon Chaves para pumunta sa mundo ng mga tao para kuhanan ka lang ng pagkain doon."
Napasinghal naman ako. "Wag na. Baka nakakalimutan mong sanay ako magutom."
"Kahit na." Suminghal din siya. "May tanong pala ako." Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon. "Gusto kong makilala si Warren."
Napakunot agad ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. "Bakit gusto mo siyang makilala?"
Nagkibit balikat naman siya. "Di ba sobrang mahal mo 'yon? Paniguradong may mga katangian siya na sobrang gusto mo, gusto kong malaman kung ano ang mga 'yon."
"Bakit mo gustong malaman?"
"Kasi gusto ko din na magustuhan mo 'ko."
Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon. Alam kong walang halong biro ang tono niya pero talagang nakuha niya pang lumandi kahit malapit ma siyang mamatay?
"Hindi mo kailangan gayahin si Warren kasi may katangian ka na nagugustuhan ko."
Napatitig naman siya sa akin na napangiti pa. "Talaga ba? Edi lamang na 'ko kay Warren 'non." Natatawa niyang sabi.
Napangiwi naman ako. Para siyang isip bata. Ilang minuto nanaman kaming natahimik bago ako lumingon sa kaniya. Mahimbing na siyang natutulog kaya tinitigan ko siya ng maigi. Akalain mong nakakilala ako ng gwapong demon?
"Klestiah."
Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Napakunot ang noo ko ng makita si Demon Chaves na may dala ng pagkain.
"Saan galing 'yan?" bulong ko, baka magising si Weivo.
Suminghal naman siya. "Syempre sa mundo ng mga tao! Kumain ka na. Ibigay mo na lang ang isang supot na 'to kay Demon Weivo kapag nagising."
Napatitig naman ako sa kaniya habang inilalatab niya ang pagkain sa sahig. Karaniwan doon ay puro gulay. May tubig din at kung ano ano pang street foods. Hindi ko alam kung paano niya 'yon nakuha pero hindi na mahalaga 'yon.
"Ano? 'Wag mo 'kong titigan, medyo seloso si Demon Weivo," natatawang sabi niya.
"Bakit ang bait mo din sa'kin?" tanong ko na ikinatigil niya.
Umupo siya ng maayos at nilingon si Weivo. "Kaibigan ko ang nakakatanda niyang kapatid kaya kaibigan ko na din siya. Mahirap sa akin na mawalan ng kaibigan kaya alam kong mas nahihirap siya sa sitwasyon ngayon dahil gusto ka niya at ayaw niyang mawala ka. Ayaw kong ipakita sa kaniya na hindi ko siya naiintindihan."
"Ayaw ko lang din iparamdam sa kaniya na nag iisa siya kaya sumama ako," sabi ko na nilingon pa si Weivo. "Hindi naman kasi kataksilan ang pagmamahal pero dahil magkaiba ang mundo natin, nauunawan ko din ang batas niyo."
Inabutan niya ako ng apple kaya kumain na din ako. Nagugutom naman na talaga ako pero ayaw ko lang talaga mag alala masyado si Weivo.
"Kung magiging tao si Weivo, handa ka bang mahalin siya?" tanong niya na ikinatigil ko.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...