27

80 11 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

"Balita ko may pogi ka na daw na boyfriend?"

Talagang may pagkachismosa din talaga 'tong si Cristine e. Akalain mo nga namang nakaabot pa sa kaniya ang bagay na 'yon?

"Hindi ko naman boyfriend 'yon." Parang labag sa loob ko na sabihin ang bagay na 'yon.

"We?" Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Kung friend lang, reto mo nga sa'kin! Sige na, pogi daw e. Sayang naman 'yon! Ilang taon na din naman akong hindi kinikilig, baka siya na ang magpapakilig sa'ki—"

"Ayoko." Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya.

Narinig ko pa na tawagin niya 'ko pero hindi ko na pinansin pa. Masyado siyang maingay. Wala na din masyadong masama ang tingin sa'kin. Hindi ako nag uuniform pero napilit ako ni Weivo tss. Pakiramdam ko ay nakakahiya ang itsura ko ngayon pero hindi nga napansin 'yon ni Cristine e.

"Andiyan na si lover girl," sabi ni Skew na tumatawa pa, ako ang tinutukoy.

Napasinghal naman ako. Anong trip nito?

"Hula ko, pinilit ka ni Weivo na magsuot ng uniform," natatawang sabi ni Cilvestio. Nahiya tuloy ako bigla. "Nakakawalang angas 'no Klestiah."

Lahat tuloy sila ay tinignan ang itsura ko. Hindi naman ako pangit pero totoo nga ang sinabi ni Cilvestio, nakakabawas nga ng angas ang bagay na 'to.

Nang mag uwian ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko sa labas ng gate. Inabutan naman ako ni Tyrio ng vape pero nanlaki ang mata ko ng may humablot 'non mula sa likod ko, si Weivo.

"Wag niyo ng bibigyan niyan si Klestiah," sabi niya habang masama ang tingin sa akin.

Suminghal naman ako. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko. Hindi ko inaasahan na iiwan nila 'ko. Napapakunot pa ang noo ko dahil alam kong maraming mata ang nakatingin sa kaniya ngayon.

"Gumagamit ka pa 'non?" kunot noong tanong niya.

Tumango naman ako. "Stress relieve—"

"Tigilan mo na paggamit 'non."

Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon. Napangiti naman ako. "Ayoko."

"Pwede naman labi ko pang stress reliever mo ah."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng hilain niya na 'ko papunta sa kung saan. Kinakabahan naman tuloy ako. Ano bang pinaplano niya? Hindi pa 'ko handa!

"A-Ano Weivo kasi..."

Hindi niya 'ko pinansin at nagpatuloy pa rin sa paghila sa akin. Sa higpit ng hawak niya ay kinakabahan ako lalo. Hindi rin matapos ang paglunok ko habang nakatitig sa kaniya.

Nanlaki ang mata ko ng mahinto kami sa isang parking lot at pagbuksan niya ako ng kotse, kotse 'yon ni Mom na naistack lang sa parking lot sa bahay dahil hindi naman ako marunong magmaneho.

"A-Ano Weivo kasi..."

Napalingon naman siya sa akin habang nakataas ang kilay. Kinakabahan naman akong lumingon sa paligid tsaka muling timitig sa kaniya na halatang naghihintay sa sasabihin ko.

"Bakit?" Kunot noong tanong niya na lumapit pa sa'kin.

Napalunok naman ako at hindi mahinto ang pagkalabog ng dibdib sa kaba. "H-Hindi pa 'ko read—"

"HA!?" gulat na tanong niya. "A-Anong hindi ready? Luh?" Napatakip pa siya sa bibig niya gamit ang kamay tsaka napalunok na umiwas ng tingin. "Ang praning mo Klestiah!" Reklamo niya na ikinagulat ko din.

Napalunok ako ng tumingin siya sa short niya kaya napatingin din ako doon. Hindi mahinto ang pagkalabog ng dibdib ko ng makita ko kung gaano 'yon kalaki ang bumakat sa short niya. Mabilis naman siyang uniwas nang mapansin na nakatingin din ako doon.

"P-Pumasok ka na," sabi niya.

Tumango naman ako at mabilis na pumasok sa loob. Malinis na ang kotse at may mga binago siya sa itsura. Nang makapasok siya ay hindi pa siya nagmaneho, nanatali siyang tahimik at malayo ang tingin.

"M-May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin at umiling. "Can I kiss you?" tanong niya na medyo ikinagulat ko.

Napatango naman ako. Mabilis niya naman akong sinunggaban ng halik. Medyo mabagal wt banayad ang halik niya bago siya humiwalay. Ngumiti pa siya na hinawakan ang labi ko bago nagsimulang nagmaneho.

Gusto kong itanong kung paano siya natuto ng bagay na 'yon pero hindi na mahalaga 'yon dahil baka lalo pang gumulo ang isipan niya. Hinahayaan ko na lang na tanggapin kung ano ang mga nakikita ko sa kaniya.

Nahinto kami sa isang Mang Inasal. Sabay kaming pumasok doon. Siya ang nag order ng makakain namin. Nang makabalik siya ay nakatitig lang ako sa kaniya habang siya ay abalang nililibot ang tingin. Hindi ko mamukha ang isang Demon Weivo sa kaniya pero nanatili doon ang kilos o galaw ni Demon Weivo.

Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya kaya napangiti naman ako. "Ngumiti ka," sabi niya na kinurot pa ang pisngi ko. "Gumaganda ka lalo kapag nakangiti."

"Bolero," bulong ko na ngumiwi pa.

"Masaya ka ba 'pag kasama ako?" tanong niya na ikinatitig ko.

Tumango naman agad ako. "Syempre. Masayang masaya ako sa tuwing kasama ka Weivo. Hindi mo 'yon mapapansin sa itsura ko pero makikita mo 'yon sa mismong mata ko."

Napatitig naman tuloy siya sa mata ko habang nakangiti. "Sinong mahal mo ngayon? Si Warren o ako?" Titig na titig siya sa mata ko.

Napakunot naman ang noo ko pero agad ding napangiti. Hindi ko na nga naisip si Warren 'nong nakakasama ko siya. Mahal ko si Warren pero mas minamahal ko siya ngayon.

"Ano ang nababasa mo sa mga mata ko?" tanong ko na ikinatitig niya.

Ilang minuto niyang tinitigan ang mata ko bago tumingin sa malayo at muling titingin sa akin. "Kaya ko bang lagpasan si Warren?"

Napakunot naman ang noo ko pero agad ding natawa. "Nalagpasan mo na Weivo."

________________________________________________________________________________________________

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now