29

82 10 1
                                    

SPECIAL CHAPTER

"Klestiah Almero Montrelle."

Tumayo ako ng tawagin ang pangalan ko. Gusto kong maiyak dahil walang magulang ang magsasabit sa'kin ng medalya. Napalingon ako sa gilid ng makita si Weivo na nakangiti sa akin na nagthumbs up pa para samahan ako sa stage. Napangiti ako dahil tuwa.

Siya ang nagsabi ng medalya sa'kin. Hindi rin ako mapakali dahil sobrang daming humajanga sa itsura niya. Hindi naman ako selosa pero kasi halos laht yata ng babae ay titig na titig sa kaniya habang kinukuhanan kami ng litrato.

Nang bumaba kami ng stage ay hinalikan niya pa ang noo ko bago siya pumunta sa gilid kung saan ang mga bisita. Binati rin ako ng mga kaibigan ko pero may halong tukso. Hindi ko alam kung inggit ba sila o nang aasar lang.

Lumipas ang ilang araw ay napagdesisyunan namin na magbakasyon sa ibang lugar. Gusto daw kasi ni Weivo na makapunta sa ibang lugar kaya pinagbigyan ko siya. Pumunta kami ng Boracay kung saan alam kong magugustuhan niya ang dagat doon. Hindi nga ako nagkakamali at hindi na siya maalis sa dagat pa.

Hindi rin naman nagpahuli ang mga kaibigan ko na sumama din, kahit si Cristine. Masay ang bakasyon ko kasama sila. Umaasa pa nga ako na sana kasama si Dad at Mom sa ganitong araw pero alam kong hindi na mangyayari 'yon. Wala akong ibang dapat gawin kundi ienjoy ang araw na kasama 'yong mga taong narito.

"Ayaw mo ba lumangoy? Masaya kaya," sabi ni Weivo nang makalapit sa akin. Sa ngiti niya pa lang ay alam kong masaya siya. "Hindi ka ba marunong lumangoy o ayaw mo lang umitim?" Natatawang sabi niya habang kumakain ng pakwan, sinusubuan pa 'ko.

"Marunong akong lumangoy." Umirap pa 'ko na ikinatawa niya. "Hindi rin ako nagpapaputi, tinatamad lang talaga 'ko."

Napatitig naman siya sa'kin kaya napakunot naman ang noo ko. Para bang bigla siyang lumumbay. Ano bang masama sa sinabi ko?

"Nakakatamad ba 'ko kasama?"

Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling. "H-Hindi ah! Ano ka ba! Ganito lang talaga 'ko, alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganito."

"So napiilitan ka lang kasi gusto ko?"

Nanlaki nanaman ang mata ko at napabuntong hininga na lang. Hindi niya naman kasi naiintindihan. Lahat ng sinasabi ko may katanungan sa kaniya.

Umiling naman ako. "Overthinker ka 'no?" Napairap na tanong ko.

Natawa naman siya kaya napalingon ako sa kaniya. "Kasi ikaw," sabi niya na para bang sinisisis ako. Sinisisi niya talaga 'ko!

"Anong ako nanaman?"

"Samahan mo na 'ko, langoy tayo doon," sabi niya na tinuro pa ang pwestong malayo sa mga kaibigan ko.

Tumango naman ako at tumayo na. Hinubad ko 'yong suot kong satin na jacket para maiwan 'yong swimsuit kong kulay puti. Napalingon ako kay Weivo ng makita siyang nakaawan ang labi habang nakatingin sa katawan ko. Napasinghal naman ako.

"Tara na," alok ko.

"G-Ganiyan ang suot mo?" tanong niya na mabilis inilibot ang tingin sa paligid. "M-Magsuot ka nga nito." Mabilis siyang tumayo at isinuot ulit sa akin ang satin jacket na hinubad ko kanina, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Magpantalon ka!"

Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Seriously? Sa dagat, lalangoy tapos pantalon?"

"Masyadong reveal ang dibdib mo!" Reklamo niya na tinignan pa ang dibdib ko at mabilis na umiwas ng tingin. "Tsaka 'yong legs mo kita lahat." Reklamo niya nanaman.

"Ano ba Weivo, tignan mo naman 'yong mga lumalangoy na babae, ganito din naman ang suot nila ah," natatawang sabi ko.

"Wala silang jowa na sisita sa kanila kaya ganiyan sila, ikaw mayroon at ako 'yon," sabi niya.

Napaangat naman ang gilid ng labi ko. Hindi ko siya pinansin at hinubad ulit ang satin na jacket at tumakbo palapit kina Cristine. Nakita ko ang paglunok niya habang pinapanood akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ko. Wala siyang nagawa kundi sundan ako.

"Babaeng babae ka na talaga ah! Nakaswimsuit ka na," sabi ni Tyrio na tumatawa pa.

"Syempre, ikaw ba naman nasa paligid ang gwapong jowa e baka mamayang gabi niyan, hubad na," natatawang sabi naman ni Cristine, napasinghal naman ako.

"Himala at pumayag kang ganiyan ang suot ni Kle," sabi ni Davill kay Weivo nang makalapit ito.

Suminghal naman si Weivo at hindi man lang sumagot. Napakunot naman ang noo ko ng lumangoy siya palayo sa amin.

"Galit ba 'yon?" tanong ni Yuki habang nakatingin sa bandang nilanguyan ni Weivo, sabay sabay pa talaga silang lumingon sa'kin.

Nagkibit balikat naman ako. Malay ko? Galit ata? Hindi ko alam na seryoso siya.

Umahon lang din naman ako sa dagat at muling sinuot ang jacket ko. Nang umahon silang lahat ay sabay sabay kaming pumasok sa condo na binayaran ni Davill para sa 'min. Napalingon naman ako kay Weivo, hindi niya man lang ako kinausap.

Nang makarating kami sa kaniya kaniya naming kwarto ay naligo ako at nagbihis na para makakain na din kami. Kasama ko si Cristine sa isang kwarto kasi kaming dalawa lang naman ang babae. May dalawa pang room, hindi ko alam kung paano nila pagkakasiyahin doon ang sarili nila.

"Galit ata sa 'yo si Weivo, hindi ka pinapansin ah," bulong sa akin ni Cristine. Mukhang nahalata niya din.

Habang abala ang lahat sa pagliligo at pagbibihis. Lumapit ako kay Weivo na kunot na kunot ang noong nilingon ako.

"Galit ka b—"

"Hindi."

"Bakit hindi mo 'ko pinapansin?"

"Sorry."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin. Hindi ako marunong manuyo.

"H-Hindi naman sobrang iksi 'nong suot ko," sabi ko sa kaniya.

"Maiksi 'yon Klestiah," sabi niya na kunot ang noo. "Kung makita mo lang ang mga mata ng lalaki na nakatingin sa pwet mo, maiirita ka din."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon lang ako nahiya. "S-Sorry."

Nagbuntong hininga naman siya at tumango. "I love you."

Nanlaki ang mata kong napatitig sa kaniya. 'Yon ang kauna unahang beses na sabihin niya ang salitang 'yon sa'kin. Hindi naman ako nabibingi 'di ba?

"Klestiah, 'yong I love you too ko?" Para siyang bata na nagmamaktol.

"I-I love you too Weivo."

________________________________________________________________________________________________

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now