"Wala na siya."
Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin 'yon ng albolaryo. Nakatingin lang ako sa palad ko at kahit ako ay nakaramdam ng panghihina sa nangyari.
"Nagkagusto sa'yo ang isang demon," bulong ng ginang sa'kin.
Alam ko. Halata sa pinakita niya kanina. Umalis siya dahil gusto niyang patunayan na gusto niya 'ko. Ang ipinagtataka ko lang kung anong mangyayari matapos ang mga bagay na 'to.
"Okay ka lang Kle? Nabalitaan namin 'yong naganap sa'yo." Bungad sa akin ni Hiroyuki.
Tumango naman ako. Ayos na ang pakiramdam ko.
"Yong demon ba na binabanggit ko, siya ba 'yon?" Takot na takot na tanong ni Yuki, tumango naman ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko ang itsura niya. Alam kong nakakatakot ang itsura niya pero 'yong makita ko kung paano siya magmakaawa na 'wag siyang papatayin, parang nagbago ang pagtingin ko. Parang nawala 'yong demon side niya 'nung oras na 'yon. Parang... parang familiar.
"Kumain na tayo," alok ko sa kanila.
Hindi na kasi maalis ang tingin nila sa'kin na para bang anong oras ay mahihimatay ako.
Ayos naman talaga 'ko. May iniisip lang ako na hindi dapat isipin.
Kumain ako ng sabay sabay. Si tintin ay abala sa grupo niya kaya kasama ko sila Tyrio. Ang dami pang inorder ni Hiroyuki na para bang isang buwan akong gutom.
"Bakit walang sauce?" Reklamo ni Yuki.
"Hindi naman 'yan sa'yo," agaw naman ni Hiroyuki at ilatag 'yon sa harap ko. "Kay Kle 'yan."
Nagsisimula nanaman magbangayan ang kambal sa harap ko. Hindi na 'yon maiiwasan sa kanilang dalawa. Halos nasanay na lang talaga kami na gano'n ang dalawa, kahit nga sa bahay nila ay gano' sila.
"Ang tahimik mo ah," bulong sa'kin ni Davill.
Napalingon lang ako sa kaniya pero mabilis din namang umiwas ng tingin. Hindi ba sila sanay na tahimik ako?
"Kung natatakot ka sa Demon na nagkakagusto sa'yo, 'wag kang mag-alala dahil wala na 'yon." Muli niyang bulong.
Hindi naman ako natatakot at lalong hindi ako nag aalala. Wala lang. Parang wala lang naman pero kasi... parang may gusto akong mangyari. Gusto kong makausap ang demon na 'yon na kaming dalawa lang.
Nang makauwi na 'ko ng bahay ay mabilis kong nilibot ang tingin.
"Ako ang nakakasama mo sa tuwing pakiramdam mo ay nag iisa ka."
"Ako lang naman ang kasama mo sa kapag mag isa ka. Hindi ko hinayaang masaktan ka ng iba."
"Nahihirapan akong gawin ang trabaho ko bilang Demon dahil ayaw kong nasasaktan ka?"
"Ang trabaho ko ay kontrolin ang galit mo para maging malakas ako at para pahirapan ka pero hindi ko magawa kasi ayaw ko na dumagdag sa hirap na nadadama mo.""Ayos lang na mawala ako. Masaya na 'ko na nakita't nakausap m—"
"Ayaw kong iwan si Klestiah dito. Dito na 'ko sa mundo ng mga tao Demon Chaves. Iwan niyo na 'ko dito Demon Weiyo!"
"Ayaw kitang iwan dito Klestiah, isama mo na 'ko parang awa mo na."
"Gusto kita Klestiah."
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...