"Klestiah?"
Agad umangat ang tingin ko sa mga kababaehang tinawag ang pangalan ko. Akala ko man lang ay kakausapin ako ng maayos pero nabigla ako ng hilain ang buhok ko ng isa sa kanila. Agad uminit ang ulo ko dahil sa biglaang pag atake nila.
"Hoy tama na 'yan!" Rinig kong sigaw ni Yuki mula sa likod ko.
Umaawat na rin ang iba kong mga kaibigan. Hindi ako natauhan kaya malakas ko siyang tinulak dahilan para matumba ang babaeng nanabunot sa akin. Iritado naman akong naghilot sa anit kong kumikirot sa lakas niyang manabunot.
"Tama na!" Sigaw ni Davill na inis pa akong nilingon.
Tinulungan niya pa ang babaeng naitumba ko sa lakas ng pagtulak ko. Well she deserve it. Ang sakit niyang sumabunot. Pakiramdam ko ay humiwalay ang buhok ko sa ulo ko. Shit.
Ganiyan naman talaga 'yan si Davill, masyadong mabait pero okay na 'yun. Ano pa nga bang maasahan ko sa kaniya.
"Siya ba ang rason kung bakit hindi mo 'ko magustuhan Davill?"
Napaawang naman ang labi kong napalingon sa babae at tsaka kay Davill. Shit pinagselosan nanaman ako?
Sana sumakit din ulo mo dahil sa ginawa mo sa'kin.
"Don't mind her. Ilayo niyo na dito si Klestiah, mag uusap lang kami." Sabi ni Davill at hinila palayo ang babae.
Sinundan pa namin sila ng tingin bago kami umalis.
"Pwede bang iwan niyo na 'ko rito? Okay na 'ko dito."
Napalingon naman sila sa'kin bago tumango. Nag aalinlangan pa sila kung iiwan pa ba ako o hindi na. Binigyan ko sila ng ngiti bago ako naglakad papasok ng bahay.
Wala naman ang magulang ko dito. Wala naman akong dapat na ikatakot. Hindi ko nga alam kung bakit natatakot ako sa sarili kong bahay. Takot na baka kinabukasan mawalan ako ng gana dahil sa lahat ng pinagsasasabi nila.
Dumating nanaman akong walang pagkain. Buti na lang ay may nakita akong cup noodles kaya 'yun ang kinain ko para magkaroon naman ng laman ang tiyan ko kasi kanina pa 'kong umaga walang kain.
"You need to go there Karmen." Nahinto ako sa paghigop ng marinig ang boses ni Dad.
"I don't want to go there Tiano." Madiin naman na sagot ni Mom.
Hindi ko alam kung ano nanaman ang pinag aawayan nilang dalawa. Parang hindi sila mag asawa. Mas pinipili nilang mag away ng mag away.
Pumasok ako ng kwarto para magpahinga na. Wala akong balak makinig sa pinag aawayan nilang dalawa.
"Klestiah yuho!"
Napabangon ako sa pagkakahiga ng marinig ang boses na 'yun. Mabilis akong tumayo at naligo bago bumaba ng kwarto ko. Hindi nga ako nagkakamali ng akala dahil narito sa bahay ang mga ugog na 'to.
"Anong ginagawa niyo dito?" Iretadong tanong ko.
"Chill honey. We are just visiting you." Sabi ni Tyrio na ipinatong pa ang palad sa ulo ko.
"Ano ba!" Reklamo ko at tinapik ang kamay niya.
"Let's eat." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Hiroyuki mula sa kusina.
"What the —" Magrereklamo na sana ako pero nakita ko ang madaming pagkain na nasa table.
"Don't let your stomach empty Klestiah." Nakangiting sabi ni Hiroyuki na hinila pa 'ko para maupo.
Gusto kong magreklamo dahil umagang umaga ay nanggugulo sila pero dahil nag abala sila para makakain ako,ayos na.
"Ikaw ang babaeng ang sarap panoorin kapag kumakain." Natatawang sabi ni Silvestio.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...