"Saan na 'yung babae mo?"
Agad akong pinagkunutan ng noo ni Davill. Hindi ko alam kung bad moon na ba siya dati o nabad mood lang dahil sa tanong ko.
"Hindi pumasok, masakit daw ang ulo e."
Buti nga sa kaniya.
Ang sakit niya kaya manabunot. Bigla na lang susugod e
"May something kayong dalawa 'nun?" Nagtatakang tanong ko habang abala sa paninigarilyo.
"Wala. Siya lang 'tong mapilit sa'kin." Sabi niya na suminghal pa. "Pwede ba? Tigilan mo ang paninigarilyo mo? Pakiramdam ko ay pati ako magkakasakit sa ginagawa mo."
Hindi ko siya pinansin at nanigarilyo lang ako. Hindi niya 'ko mapipigilan sa kung anong nasimulan ko na. Magulan ko nga hindi ako mapigilan, siya pa kaya?
"Napag isipan mo na ba kung sasali ka sa grupo ko?" Biglang tanong niya.
Umiling naman ako. "Ayaw ko. Tinatamad ako."
Wala naman akong balak makipag away. Talagang nagkakataon lang na sa tuwing babawi ako ay matindi. Puro self protection lang ang ginagawa ko. Hindi ako nakikipag away na ako ang nauuna.
"Okay lang. Hindi naman kita pinipit at isa pa, mas makakabuti pa nga ang hindi mo pagsali."
Napatango na lang ako. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko e.
Nang makauwi ako ng bahay ay naabutan ko ang magulang ko na nag aaway nanaman. Palaging malakas ang boses ni Dad na para bang hindi niya asawa ang sinisigawan niya.
"Hindi mo kasi nakikita 'yung pagod ko Karmen! Puro kasi pagod mo ang napapansin mo! Kung ikaw na kaya ang maging lalaki dito!" Sigaw ni Dad, galit na galit.
"Nakikita ko naman 'yun. Ang sinasabi ko lang naman kasi sa'yo ay 'wag ka puro galit. Hindi ko alam sa'yo kung bakit lumalayo ang usapan. Nag iiba ang ugali mo!" Pagpaintindi naman ni Mom kay Dad.
Kahit ako ay napansin din ang bagay na 'yun. Nagbabago na nga ang pag uugali ni Dad. Maayos naman kami 'nung una pero parang nagbabago siya na hindi niya na makontrol ang galit niya.
"Anong itinatayo tayo mo diyan Klestiah?" Sabi ni Dad na ikinalingon ko.
Umiling lang ako. Hindi ako nagsalita. Wala naman akong dapat sabihin.
"Wag mong pag iinitan ang anak natin sa away natin. Ayusin mo pag uugali mo. Para ka ng demony*." Inis na sabi ni Mom.
Agad na lumapit si Dad kay Mom para sakalin ito. Agad naman akong pumagitna.
"Dad!" Sita ko sa kaniya na pilit inaalis ang kamay niya sa leeg ni Mom.
Tumalsik naman ako sa gilid nang itulak niya 'ko. Nakaramdam ako ng kirot mula sa likod, tumama ako sa lamesa.
"Don't compare me with a demon Karen. Alam mo kung bakit ako nagagalit." Galit na sabi niya pero agad ding binitawan si Mom.
Naghabol naman ng hininga si Mom dahil sa pagkakasakal niya. Kita ko ang panghihina ni Mom dahil doon. Lumapit naman ako kay Mom para ayusin siya pero lumayo lang siya sa'kin.
Umalis si Dad sa harap namin at padabog na isinara ang pinto.
"Mom? Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
Tumango naman siya. Hindi na siya nagsalita ng kung ano ano pa. Iniwan niya din naman agad ako. Nasanay na yata ako sa ganu'ng eksena.
"Aray!" Reklamo ko ng may tumapon ng maliit na bato sa ulo ng pumasok ako ng gate ng school.
Agad nag init ang ulo ko. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang away nina Mom at Dad, may bago nanaman akong iisipin. Matalim ang tingin kong lumingon sa likod ko dahil alam kong naroon galing ang bato.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantezieA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...