"Did you take a sleep?"
Umiling ako. Hindi naman uso sa'kin ang matulog e.
Napakunot naman ang noo ni Hiroyuki. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinaharap sa kaniya. What's wrong with him? Tss.
"You look pale!" Reklamo niya sa mukha ko.
Napakunot ang noo ko. "Pale or not, you don't care okay?" Inis na sabi ko at inagaw ang kamay ko.
Nagbuntong hininga lang siya at hinayaan akong umalis. Nakakainis tss. Wala na siyang pakealam sa kung ano pa mang itsura ko.
Bumili ako ng sigarilyo sa tindahang malapit sa School. Nagsigarilyo ako kahit nakikita ako ng ibang estudyante. They didn't care about me. I do what I want.
Mula sa malayo ay tanaw ko kaagad si Davill. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa'kin at agad na napalayo rin ng malanghap ang sigarilyo ko. Masyado talaga 'tong pagoodboy.
"Ang aga sigarilyo agad hawak mo?" Kunot noong sabi niya na inabutan pa ako ng cup of tea.
Inabot ko naman 'yun. Gusto ko din naman magkape e kaso ang kabaitan niya minsan hindi ko gusto. Pagkahawak ko ng baso ay kasabay ng paghablot niya ng sigarilyo ko at itapon sa malayo.
"What the hell are you doing?" Inis na sigaw ko.
Pinandilatan niya naman ako ng mata. "Wag mo 'kong minumura mura Klestiah. Nasa iisa tayong grupo pero baka nakakalimutan mo na mas matanda pa rin ako sa'yo." Seryosong sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Wala din naman akong magagawa. Lalo lang kaming magkakagulo at bukod sa lahat, ako naman talaga ang mali.
Tahimik akong uminom ng kape habang pinapanood ang mga estudyanteng pumapasok ng School.
"Wala ka pa ring magandang pakikisama sa mga magulang mo?" Biglang tanong ni Davill.
Suminghal naman ako. "Parang hindi nga nila 'ko anak. Konti na lang ay mapagkakamalan ko na lang na estranghero sila sa bahay. Buti nga at pinapaaral pa nila 'ko. Binibigyan ng pera sa pag aaral pero 'yung alagaan bilang anak..." Naputol ang sinasabi ng maghabol ako ng hininga sa bilis ko magsalita. "Hindi ko man lang maranasan."
"We are here for you Klestiah." Sabi ni Davill na ikinalingon ko. "Kung sa tutuusin nga, gusto na kitang ampunin. Gusto kitang kapatid." Seryosong sabi niya pero malayo ang tingin.
Parang nanlambot naman ang puso ko dahil doon. Napayuko ako habang tulala sa kape. Mukha na ba talaga 'kong kawawa?
"Hindi ka naalagaan ng maayos sa bahay niyo. Kung sa bahay ka namin, mapapaayos pa ang buhay mo. Hindi ko rin naman kasi pwedeng kunin ka na lang basta lalo na't buhay ang magulang mo at nasa poder ka nila."
"Ayos lang naman ako." 'Yun na lang ang naisagot ko.
Ayaw ko din naman na pati ako iisipin niya. Alam kong maganda ang samahan nila ng pamilya niya at hindi ko maiwasang mainggit doon. Nagtatanong na nga ako minsan sa sarili ko kung anak ba talaga 'ko? They didn't care about me. They didn't love me. Hindi nila maiparamdam sa akin na anak nila 'ko.
Gigising ako ng wala sila.
Walang pagkain tuwing gigising ako.
Kailangan kong magluto ng sarili kong pagkain bago pumasok.
Minsan wala pang pagkain.
Minsan naman ay hindi na ako nagluluto dahil late na 'ko sa school.Papasok ng school ng walang naghahatid o kaya kahit anong message na mag ingat man lang ako.
Papasok ng walang dalang pera.
Minsan naman ay nag iiwan sila ng pera sa table para sa'kin pero walang baon na pagkain o biscuits man lang.Uuwi ako ng wala sila.
Minsan naman ay naabutan ko sila pero hindi kami nagpapansina na para bang wala lang.
Minsan naman ay papasabugan ako ng masigabong sermon sa tuwing mag uusap kami.
Walang pagkain kaya natutulog akong walang kain.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasíaA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...