"Klestiah."
Agad akong napalingon sa likod ng marinig ang boses na 'yon. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang demon na matagal ko ng hinihintay na magpakita sa akin. Ngayon na nasa harap ko na siya ay mabilis akong nawalan ng salita.
"N-Nakikita mo 'ko?" Nagtatakang tanong niya.
Alanganin naman akong tumango. Napalunok ako habang tinititigan ang itsura niya. Masyado siyang matangkad para sa'kin. Itim na itim ang sungay niya at namumula ang mata at labi niya. Nakakatakot din ang mahahabang kuko niya.
"W-Wag kang matakot sa'kin." Halata ang panginginig sa boses niya.
Alanganin naman akong tumango. Sa panghihina ko ay napaupo ako sa kama habang tinititigan siya. In fairness, gwapo siyang demon pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko na hindi tao ang kaharap ko.
Napalunok ako ng maupo siya sa dulo ng kama ko. Nasa dulo ako, malapit sa unan habang nasa dulo rin siya nakaupo at nasa kamay niya ang tingin.
"Ikinulong nila 'ko." Panimula niya.
Umiwas lang ako ng tingin, hinayaan ko siyang magsalita. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o totoo talagang nasa malapit ko siya.
"Tinulungan ako ng isang demon para makalaya at para makausap kita. Alam kong matinding parusa ang haharapin ko pagbalik sa mundo namin dahil sa ginawa ko ngayon d—"
"Bakit kasi tumakas ka?" Kunot noong singit ko, hindi siya nililingon.
"Kasi nga gusto kitang kausap, ulit ulit." Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon, nahuli ko pa ang pag irap niya.
Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka. Attitude?
"Nagkausap na tayo noon 'di ba? Dapat hindi ka na lang bumalik kung ikakapahamak ko. Hindi rin naman pwedeng mangyari ang gusto mo." Pandidiretso ko sa kaniya.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay nababaliw na 'ko. Seryoso ba 'to? Kausap ko ang isang demon?
Napalingon ako sa kaniya ng hindi siya magsalita. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin at hindi man lang nag iwas ng tingin ng magtama ang tingin naming dalawa.
"Pwede." Seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Pwedeng mangyari ang gusto ko kung gugustuhin ko talaga."
"Demon ka, tao ako. Hindi tayo pwede."
Madiin naman siyang umiling. "I am willing to cut my horn if you give me a chance to prove that I like you." Agad napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Isang kataksilan sa lahi namin ang magkagusto sa isang tao at ang matinding parusa 'nun ay putulin ang sungay namin at ipatapon kami sa mundo ng mga tao. Kaya kong tanggapin 'yon kung may babalikan ako sa mundo ng mga tao. Kung tatanggapin mo 'ko."
Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kaniya. Kahit gaano pa kalayo ang pwesto namin ay nakikita ko sa mismong mata niya ang sinsero. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman habang nakatitig sa mga mata niya. Para bang familiar ang mga titig niya na nadadala ako 'nun sa kung saan.
"Hindi pwede." Madiing sabi ko, pilit na itinatanggi ang lahat. "Hindi kita kayang magustuhan, sorry." Agad akong nag iwas ng tingin.
"Hindi naman kita pinipilit na magustuhan ako, ang gusto ko lang ay tanggapin ako habang narito pa 'ko."
Napakunot ang noo kong napalingon sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Isang buwan lang rito, aalis din ako pagkatapos 'nun at babalik sa mundo namin. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon, kaparusahan na pagputol ng sungay at ipatapon sa mundo ng mga tao o..." putol niya tsaka nagbuntong hininga. "Kamatayan."
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...