"Dad!"
Nagpanick ako ng mabilis na tinapon ni Dad ang hawak miyang baso sa gawi ni Mom. Sa galit niya ay hindi na namin siya makilala. Simpleng bagay ay pinapalaki niya.
"Umalis ka dito Klestiah kung ayaw mong madamay!" Galit na sigaw ni Dad na tinulak pa ako para malapitan niya si Mom.
"Dad! Stop!" Sigaw ko din ng hilain niya ang damit ni Mom dahilan para magkapunit punit ito.
Inis kong hinablot ang kamay ni Dad para lang hindi niya na mahawakan si Mom. Dahil sa ginawa kong 'yun ay ako ang napagbuntungan niya ng galit. Hinila niya ang damit ko at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
"Bakit ba nakekealam ka? Gusto mo talagang nasasaktan?" Galit na sigaw niya.
Uminit din ang ulo ko dahil sa pinapakita niya sa'kin. "Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako sa ugali ko, sa'yo lang din naman pala 'ko nagmana." Madiing sabi ko na inis na inalis ang kamay niya sa braso ko.
Lalong tumalim ang tingin niya na kung sakaling gamit 'yun ay paniguradong nasugatan na 'ko. Alam kong lalong nagtatalim ang tingin niya at lalong nag iinit amg ulo niya. Nanlaki ang mata ko ng humablot siya ng baril at itutok 'yun sa'ming dalawa ni Mom.
"Tiano!" Sigaw ni Mom na agad humarang sa harap ko.
Napakunot naman ang noo ko at hinila si Mom para mapunta sa likod ko.
"Dad! Hindi na kita makilala." Naiiyak na sabi ko habang pinapanood ang bawat galaw ng ulo niya. "Dad, wha happen to you?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Naghahalo ang sakit, lungkot, galit at tampo sa sistema ko. Hindi ko na rin siya makita ng maayos dahil napuno na ng luha ang mga mata ko. Kumikirot na din ang puso ko dahil ngayon lang ulit ako naglabas ng sama ng loob matapos makalipas ang ilang tao.
"Dad! Do you remember before? We are happy! We are contented of what we have before. You have time for us. What happen?"
Nakita ko ang paglunok niya at kahit ang pagbabago bago ng emosyon sa mata niya. Naramdaman ko ang paghaplos ni Mom sa likod ko ng sunod sunod akong humikbi.
"Dad. Nagbago ka na! Hindi ka na namin nakikilala." Hindi maayos ang pananalita ko dahil sa paghikbi.
Flashback...
"Dad?" Kunot noong tanong ko ng makita siya sa parking lot, sa harap ng kotse ko.
Malapad siyang ngumiti at agad akong sinalubong ng ngiti. "Hi? How's your day? Busy kami e, bawi kami ngayon." Sabi niya na ginugulo pa ang buhok ko.
Ngumiti naman ako at niyakap siya. "Dad, it's okay!"
"Hi!"
Napalingon ako kay Mom ng sumulpot siya sa likod namin at nakiyakap din. Tulad ng sinabi ni Dad ay bumawi sila. Pumunta kami ng Mall at kahit anong ituro ko ay bibilhin nila. Pumunta kami ng restaurants. Sumakay pa kami ng mga rides kahit nakauniform pa 'ko dahil galing school.
Masaya kami palagi. Walang problemang iniisip. Lahat nasosolusyunan. Perpektong pamilya.
"Ayaw mo na ba magkaroon ng kapatid?" Panunukso sa'kin ni Dad.
Napanguso naman ako at napailing. Ayaw ko magkaroon ng kapatid. Selfish na yata talaga 'ko pero gusto ko sa'kin lang ang atensyon ng magulang ko.
"I don't want Dad." Nakasimangot na 'ko habang kumakain.
Natawa naman si Mom at napailing iling pa.
"Ayaw mo ba ng kapatid? Para hindi ka maboring sa bahay." Pangungulit ni Dad.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...