"Think Klestiah, think!"
Kanina ko pa sinusundan sina Weivo. Dumaan sila sa magubat na daan. Nakita ko kung saan sila pumasok. Kahit ano kasing pilit ko kay Weivo ay hindi niya ako pinayagan na sumama sa kanila. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang mamatay si Weivo. Pakiramdam ko ay hinayaan ko ulit ang isang nilalang na mamatay ng hindi ko man lang tinutulungan.
"Papasok ba 'ko diyan?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang portal.
Nasa lupa 'yon. Parang may hagdan pababa ng lupa. Isang portal na namamagitan sa mundo ng mga tao at mundo ng mga demon.
Napasinghal pa 'ko habang nakatitig doon. "Hindi ko maimagine na naging fantasy na ang buhay kong malaserye lang naman." bulong ko sa sarili.
Nanlaki ang mata ko ng dahan dahan magsara ang portal. Nataranta naman akong napalingon sa paligid. Wala akong choice kundi ang magmadaling pumasok doon.
Napangiwi ako sa kakaibang init nang makababa ako. Napalingon pa ako sa daan, mula sa kinatatayuan ko sa loob ay kita ko ang puno at dahan dahan na 'yong nagsara. Napalingon ulit ako sa daan. Hindi ko alam kung saan hahakbang. Masyadong madilim.
Nagtayuan ang balahibo ko sa kakaibang init ng hangin. Dumaungdong ang kaba ko ng makarinig ng mga yabag. Malalakas na yabag. Madami sila. Mabilis akong nagtago para hindi nila ako makait.
Baka nakakalimutan mo na demon pa rin kami Klestiah
Biglang nag echo sa tainga ko ang sinabi ni Weivo. Napalunok ako na napapikit pa para lang maibsan ang kabang nararamdaman ko. Palabpit ang yabag na lalong ikinalalakas ng kalabog ng dibdib ko.
Calm down Klestiah... please!
Pilit na pakiusap ko sa sarili ko dahil habang palakas ng palakas ang yabag ay palakas din ng palakas ang kalabog ng dibdib ko.
"May iba akong naamoy."
Magtayuan ang balahibo ko ng marinig ang boses na 'yon. Nakakatakot, sobrang nakakatakot ang boses na 'yon.
"Ako na ang bahala dito, mauna na kayo sa lugar ni Demon Weivo." Rinig kong sabi ng isa.
Demon Weivo, si Weivo.
Narinig ko na nga ang paglayo ng mga yabag pero may isang yabag na palapit ng palapit sa pwesto ko.
"Alam kong ikaw 'yan tao, lumabas ka diyan. Kaibigan ako ni Demon Weivo."
Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Demon Chaves. Napalunok muna ako bago ako nagpakita sa kaniya. Hindi man lang siya nagulat ng makita ako. Para bang inaasahan niya na sumunod talaga ako sa kanila.
"Pinapahamak mo ang sarili mo Klestiah," sabi niya. Ang pula ng mata niya na ikinakakakaba ko. "Alam mo bang pwedeng magalit sa'kin si Demon Weivo kapag nalaman niyang narito ka at pinatuloy pa kita? Bumalik ka na sa mundo niyo." Madiing sabi niya.
Umiling naman ako at pilit pinapalakas ang loob. "Kailangan tayo ni Weivo. We need to help him. Please do what everything." Sinubukan kong magmakaawa, nagbabakasali na maintindihan niya.
Napabuntong hininga naman siya at umiwas ng tingin. "Gusto ko siyang tulungan dahil hindi nalalayo sa'kin si Demon Weivo pero hindi pwede. Hindi pwedeng palagpasin ang ginawa niyang kataksilan sa lahi ng mga demon. Patas kami sa mundong ito."
"P-Pero mamamatay siy—"
"MAY TAO!" Sigaw ng demon na nakakita sa amin na mabilis akong tinutukan ng patalim.
Hinablot naman ako ni Demon Chaves na ikinagulat ko. "Ako na ang bahala sa taong ito." Madiing sabi ni Demon Chaves.
Literal na nasa impyerno ako. Mainit na paligid, mga demon sa paligid at apoy. Puro apoy ang nakikita ko sa pwestong ito.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...