"Kle, wala ka bang balak sumama? May party mamaya sa bahay."
Umiling naman ako. Wala akong oras sa party party na 'yan. Hindi naman ako titino sa party na 'yan, baka pag uwi ko ay salubungin ulit ako ng masigabong sermon ni Dad.
"Sure ka ha? Sige una na 'ko."
Tumango na lang ako at hindi na nag abala pang sumagot. Pakiramdam ko ay sumasakit ang tiyan ko. Gutom. Hindi naman kasi ako kumain ng buong araw.
"Hoy Kle!" Nairita agad ako ng marinig ang boses ni Yuki.
Napakunot ang noo niya ng mapansin ang mukha ko. Napakunot din tuloy ang noo ko.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Parang lalo kang gumanda." Natatawang sabi niya.
Napasinghal naman ako at tinulak ang mukha niya. Ano bang trip 'yan? Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa gilid at panoorin ang mga estudyanteng naglalabas pasok sa gate. Wala naman akong ginagawa pero napapagod ako kakapanood sa kanila.
"Hindi ka pa ulit uuwi?" Tanong ni Yuki na inabutan ako ng burger.
Kinuha ko naman, nagugutom na ako e, tatanggi pa ba?
"Mamaya." Tipid na sagot ko.
Napatingin naman siya sa akin, natatawa. "Are you hungry?"
Napasinghal na lang ako. Napatitig ako sa kaniya ng maglabas siya ng isang paper bag. Napakunot ang noo ko ng iabot niya sa'kin 'yun. Kinuha ko naman 'yun at sinilip ang laman. Nanlaki ang mata ko ng makitang ang daming burger, may softdrink pa.
"Sa'yo na 'yan. Halatang gutom ka. Hindi ka ba kumain?" Tanong niya.
Umiling naman ako. "Buong araw wala akong kain. Naiirita ako sa bahay kaya ayaw ko munang umuwi."
"Wala ba kayong kasambahay?" Tanong niya.
Napairap naman ako. "Kung gusto mo, ikaw na lang kasambahay namin."
"Talaga?" Tuwang tuwa na tanong niya.
Lalo akong napairap, hindi siya marunong ng salitang sarkastiko. Kung sino man ang makakaaway nito ay paniguradong mapipikon lang sa kabobohan niya.
Sa sobrang boring ko ay naisipan ko na lang na kainin lahat ng pagkain na binigay sa akin ni Yuki. Limang burger 'yun tsaka dalawang softdrink.
"Wala ka bang baon? Pera?" Tanong niya nanaman.
"Mukha bang mayroon akong dala?" Naiiritang tanong ko.
"Sabi ko nga."
Nanahimik na lang siya pero hindi mawala ang tingin sa akin. Nang matapos kaming kumain ay sinamahan niya lang ako sa labas ng subdivision.
Nang pumasok ako ng bahay ay wala na sila. Mag isa lang ako sa bahay at kung ano ano ang iniisip. Napakaboring talaga.
Napatayo ako ng marinig na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako doon para pagbuksan siya ng pinto. Napakunot ako ng makita si Hiroyuki.
"Bakit narito ka?" Singhal na tanong ko.
"Sabi kasi ni Yuki gutom ka daw." Sabi niya sanay abot ng paper bag.
"Kumain na 'ko."
"Dito na lang 'to sa'yo." Sabi niya na kinuha pa ang kamay ko at ipinahawak ang paper bag. "Uwi na 'ko, ingat." Sabi niya bago ako iwan.
Nagtataka pa ako pero agad ding napatingin sa paper bag. Napakunot ang noo ko ng makitang may tupperware na may kanina at ulam tss.
Kinain ko din 'yun agad. Talagang walang pahinga ang tiyan ko. Bukod sa sigarilyo, isa ito sa stress reliever ko.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
Viễn tưởngA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...