"Babe babe babe!"
Napakunot ang noo ko ng magsisigaw si Weivo sa labas ng kwarto ko. Masarap akong natutulog ng istorbohin niya nananaman ako. Mabilis siyang nahiga sa tabi ko para halik halikan ang labi ko.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko na nanatili pa ring nakapikit, inaantok pa.
"Pumayag na ang mga kaibigan mo na sa kumpanya mo na sila magtrabaho," sabi niya nanikinamulat ng mata ko.
Tumango tango pa siya habang malapad ang ngiti. Pumikit ulit ako, inaantok pa talaga. Naramdaman ko nanaman ang labi niya sa labi ko.
"Saan ang anak natin?" tanong ko, baka nasa paligid lang siya at pinapanood kami.
"Nasa school na, hinatid ko na," sabi niya na muli nanaman akong halikan.
Itinulak ko naman ang mukha niya. Umaabuso na siya sa halik. Tatamad tamad naman akong naupo sa kama pero nakapikit pa rin.
"Babe gising na!" sabi niya na inaalog pa ako, inaasar lang ako nito e. "Babe, it's already 9AM! May interview pa sa'yo 'yong mga bagong empleyado ng 11AM." Pagpaalala niya.
Hinila niya naman ako patayo. "Inaantok pa 'ko." Reklamo ko naman agad.
"Tinalo ka pa ng anak natin, si Wesley 6AM gising na," sabi niya.
Napasinghal naman ako at tinatamad na naglakad papuntang banyo. Naligo ako at doon lang ako nagising sa lamig ng tubig. Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na ang damit ko sa kama. Napangiti naman ako sa ginawa ni Weivo, napakaayos ng pagkakatupi.
Nanlaki ang mata ko ng pumasok siya bigla sa kwarto. Napaawang pa ang labi niya habang nakatitig sa katawan kong nakapanty at bra lang. Napasinghal naman ako at mabilis na hinablot ang towel sa tabi ko para takpan ang katawan ko.
"Tinatakpan mo pa, parang hindi ko pa nakikita 'yan." Natatawang sabi niya, literal na tawa. Humahalakhak pa siya habang kumukuha ng necktie niya sa banyo.
Napairap naman ako at nagmadali na lang nagbihis. Nang matapos ako ay sabay na kaming pumunta ng kusina para kumain. Nagluto siya ng bacon at sausage. May gatas pa, ginagawa talaga 'kong bata nito.
"Anong binigay mong baon kay Wesley?" tanong ko.
Napakunot naman ang noo niya. "May baon ba dapat?"
Napakunot naman ang noo ko habang kakatitig sa kaniya. "What? So you mean walang dalang baon ang anak natin?"
Nagpeace sign naman siya at natawa. "Joke. May dala 'yong lunch box, hindi ko binigyan ng pera at baka kung ano ano lang bilhin."
Tumango naman ako. Pagdating namin ng bulding ay mabilis kaming pinadaan ng mga empleyado. Bati doon, bati dito. Hindi ko inaasahan na muling lalago ang kumpanyang ito sa kamay namin ni Weivo.
"Good Morning Ma'am, Sir," bati sa amin ng mga tao.
Napairap nanaman ako ng makita si Weivo na kung ano ano nanaman ang pinagkakaabalahan. Nakita ko na nga ang mga kaibigan ko na kalmadong nakaupo habang nag uusap usap.
"Good Morning Ma'am," bati sa'kin ni Yuki na medyo yumuko pa.
"Ang plastic kapag ikaw ang bumati," sabi ko sa kaniya. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko.
Si Davill ay isa ng professor...
Si Yuki at Hiroyuki ay engineer...
Si Chan naman ay architect...
Si Skew ay attorney...
Si Tyrio naman ay isa ng lawyer..
Si Cilvestio naman ay isa ng pilot...
Si Cristine ay isa ng ganap na doctor...Ngayon lang ulit kami nakompleto dahil ang iba sa kanila ay nakatoka ngayon sa ibang bansa. Ang maiiwan lang dito sa kumpanya ko ay an kambal pati si Chan. Masaya ako na muli kaming nagkita kita.
"Sayang hindi ko man lang nakita si Wesley, bukas kasi ay may flight nanaman ako sa Europe," sabi naman ni Cilvestio.
"Sana maging estudyante ko balang arae si Wesley," sabi naman ni Davill.
"Saan ang asawa mo?" tanong ko naman kay Hiroyuki.
"Teacher sa school na pinapasukan ni Wesley."
Medyo nagulat pa ako doon. Hindi ko naman kasi napapansin 'yon kasi si Weivo ang kadalasang naghahatid sundo kay Wesley sa school.
Wesley is our only daughter. 5 years old na siya ngayon at kinder sa Latrodiectuz School.
"Babe, tumawag ang teacher ni Wesley, nakipag away daw si Wesley sa kaklase niya," sabi ni Weivo na ikinalingon ko.
"Ay may pinagmanahan," natatawang sabi ni Skew, sa akin ang tingin.
Napairap naman ako at mabilis akong tumayo para puntahan ang school ni Wesley kasama si Weivo. Iniwan ko muna ang mga kaibigan ko doon.
Nang makapasok kami ng school ay dumiretso na kami sa room ni Wesley. Nakita ko na masama ang tingin ni Wesley sa kaklase niyang umiiyak na. Lalaki pa talaga ang inaway niya?
"Bakit mo inaway?" tanong ko. Si Weivo na ang nakipag usap sa teacher ni Wesley habang ako naman ay dumiretso na sa kaniya mismo.
"Kasi Mom nang aagaw ng crayons!" galit na sabi ni Wesley na tinuro pa ang kaklase niyang lalaki na umiiyak na.
"Dapat hindi mo na inaway Wesley. Pinahiram mo na lang dapat. Hindi kita tinuturuan mang away baby," sabi ko sa kaniya na inayos pa ang nagulo niyang buhok.
Napalingon ako sa isang lalaki na lumapit doon sa batang lalaki na pinaiyak ng anak ko. Pinakalma niya naman ang bata, anak niya yata.
Nang lumingon siya sa akin ay nagulat ako ng makita ang kabuuhan ng mukha niya. Parang lahat ng nangyari noon ay nagflashback sa isipan ko. P-Paanong nangyaring...
"Nakausap ko na ang teacher ni Wesley. Ayos lang daw 'yon kasi normal na away lang daw ng bata. Pinatawag lang daw tayo kasi hindi daw masita si Wesley," sabi ni Weivo sa tabi ko pero hindi maalis ang tingin ko sa lalaking kaharap ko.
Napatingin din tuloy si Weivo sa lalaking tinititigan ko. Napalingon ako kay Weivo at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa nakikita ngayon. Muli akong napatingin sa lalaking kaharap namin. Nakasuot siya ng polong kulay rosas at pants na itim. Nakablack shoes at may suot na kwintas at relo. Medyo mahaba ang buhok na halos matakpan ang mata niya pero hindi 'nun kayang takpan ang ala ala ko noon. Gulat din siyang nakatingin sa amin.
"D-De—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. "C-Chaves." Pabulong 'yon habang titig na titig sa kaniya. Anyong tao na din siya tulad ni Weivo.
Tumayo siya ng maayos at ngumiti sa aming dalawa. "Nagkita ulit tayo Klestiah," sabi niya sa akin at muling lumipat ang tingin kay Weivo. "Weivo."
Napalingon ako kay Weivo, inaalam kung kilala niya pa pero sa itsura niya ay alam kong kilalang kilala niya ang lalaking nasa harap niya ngayon.
Napalunok pa si Weivo na lumingon sa akin bago muling lumingon kay Chaves. "C-Chaves, nagkita muli tayo kaibigan."
________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...