12

84 11 0
                                    

"Paano ba 'yan? Maniniwala ka na bang gusto kita? First monthsarry natin ito."

Napangiti na lang ako na napailing pa sa sinabi ni Deam. Hindi ko rin alam kung bakit umabot kami doon ng hindi ko namamalayan. Plano lang naman 'to pero napunta kasi sa katotohanan.

"Alam kong iiwan mo din ako kapag nagsawa ka na," sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya.

Umangat naman ang kilay niya. "As if mangyari 'yun."

Napairap na lang ako. Nabawasan din ang naging bully sa school dahil nalaman kong isa sa mga member ng grupong sikat sa University namin si Deam. Hindi ko naman inaasahan ang bagay na 'yun dahil bukod sa wala akong pakialam sa paligid, 'di ko na rin naman halata.

"Anong gusto mong regalo mmm?" Nakangiti niyang tanong habang inaayos pa ang buhok ko.

Hindi pa rin ako sanay sa kakulitan niya. Hindi niya 'ko tinatantanan sa tanong na 'yan. Napakaclinge niya din minsan pero hindi naman siya seloso.

"Kahit ano." Nakangiting sabi ko.

Wala naman akong hinahangad na kung ano ano. Gusto ko lang ng makakasama. Hindi pa rin ako sigurado kung kaya ko pang magmahal dahil sa nakaraan ako. Wala akong ibang gusto sa ngayon kundi makalimot.

Masama na ba 'ko kung gagawin ko siyang panakip butas sa ngayon?

It's around 3AM pero hindi pa rin ako makatulog. Wala akong ibang ginawa kundi ang lumibot ng lumibot sa kama ko. Hindi ko alam kung isa ba sa mga rason nito ay dahil monthsarry namin bukas. Imposible? Wala naman sa'kin 'yung relasyon na mayroon kami e.

"Hindi ka mahal 'nun."

Napakunot ang noo ko ng marinig ang tonong 'yun. Gago ano 'yun?

Mabilis akong napatayo sa kama at nilibot ang tingin. Hindi ito ang unang beses na nakakarinig ako ng boses. Naalala ko sa locker, may bumulong din sa akin 'nung araw na 'yon.

"Sino ka bang tang3na mo?" Gigil na tanong ko pero tanging tawa lang ang narinig ko.

Nangilabot ako sa tawa niya. Hindi lang 'yon ang unang beses na makarinig ako ng tawa, iisa lang 'yon.

Lalo akong hindi nakatulog dahil doon. Hindi ko na napansin ang oras kaya nagulat pa ako sa pagdating ni Deam na may dala ng bulaklak. Napaangat pa ang kilay ko sa kaniya.

"Happy Monthsarry babe." Bati niya na hinalikan pa ako sa noo.

Babati ba ako?

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tinaggap ko ang bulaklak at doon lang nakatitig. Inabutan niya pa ako ng box.

"Pagkain iyan. I want to spoil you a lot of foods." Nakangiting sabi niya.

"Salamat." Nakangiting sabi ko.

"I love you Klestiah."

Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon. Alam kong may kiliti 'yon kahit paano pero parang hindi ko pa kaya sabihan siya ng ganoong mga salita.

Pasalamat ako ng hindi niya ako pilitin sa bagay na 'yon. Hinila niya ako sa kusina at inilatag ang pagkaing binili niya. Nanlaki pa ang mata ko ng makita sina Tyrio rito pati si Cristine.

"Bakit narito kayo?" Kunot noong tanong ko.

"Ay ayaw mo na ba kaming kasama Klestiah? Sige aalis na lang kami. Sino ba naman kami para isama sa monthsar—"

"Tsk," singhal ko na naupo pa sa upuan para tulungan si Deam na tumatawa lang.

Sabay sabay kaming kumain at pinagtutulakan pa nila 'ko kay Deam na magpapicture. Ayaw ko man e napilitan ako dahil naghihintay si Deam. Sayang naman daw ang inihanda nilang background kung hindi mapapakinabangan. Sino ba kasing nagsabi na gumawa sila niyan?

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now