SPECIAL CHAPTER
"Nilalamig ka ba?"
Napalingon ako kay Weivo nang mapansin na nanginginig ito sa lamig habang tulog. Napakunot naman ang noo ko. Malamig nga pero hindi naman sobrang lamig pero bakit kung lamigin siya ay parang sobra naman?
Kinumutan ko naman siya gamit ang kumot ko, nagshare kami sa isang kumot. Niyakap ko pa siya para mabawasan ang lamig na nararamdaman niya. Nagulat ako ng humarap siya sa akin para yakapin din ako. Hindi tuloy ako nakagalaw habang nakatitig sa kaniya. Sobrang lapit niya na halos maramdaman ko na din ang paghinga niya.
"Sleep Klestiah, stop staring at my face," sabi niya na napakunot pa ang noo.
Nahiya naman tuloy akong pumikit. Napakunot ulit ang noo niya ng hilain niya 'ko palapit sa kaniya para lalo akong mayakap. Sa sobrang comfortable ng yakap niya ay hindi ko na namalayan na napasarap na ako ng tulog.
Nagising ako ng wala na siya sa tabi ko. Napakunot ang noo ko ng makarinig ng ingay mula sa sala. Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Nanlaki ang mata ko ng makita sina Yuki na kausap si Weivo, tuwang tuwa pa ang itsura nila.
Sabay sabay silang napalingon sa akin. Nagtataka naman ang tingin ko sa kanila. Lumapit ako pero nang makalapit ako ay mabilis akong hinila ni Weivo para maupo ako sa tabi niya.
"Good Morning," bati sa akin ng mga kaibigan ko na para bang walang nangyari.
Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Wala ba silang napapansin? Hindi ba nila napapansin kung sino ang kasama ko? Ilang araw akong nawala, hindi rin nila napansin 'yon?
"Kaya pala nawala ka ng isang araw kasi nakipagmeet ka sa boyfriend mo ha!" Panunukso ni Tyrio na ikinakunot ng noo ko.
Isang araw???
"Boyfriend?" nagtatakang tanong ko. "Wala akong boyfrie—"
"Anong wala?" Kunot na kunot na noong tanong sa akin ni Weivo na lalo pang inilapit ang mukha sa akin. "Ako ang boyfriend mo ah!" Nakangusong sabi niya.
Napangiwi naman ako na napalingon pa sa mga kaibigan kong nakangiti habang nanonood sa aming dalawa ni Weivo.
"Hindi." Tanggi ko na lalong ikinakunot ng noo ni Weivo. "Hindi pa naman tayo, magkaibigan lang naman tay—"
"We?" Singit niya na lalong inilapit pa ang mukha sa'kin. "Ah basta boyfriend mo na 'ko." Lumingon naman siya sa mga kaibigan ko at ngumiti. "Boyfriend ako ni Klestiah," sabi niya na todo ang ngiti sa labi. "Ako nga pala si Weivo Pangilinan." Nakilagkamay pa siya sa bawa isa.
Pangilinan?
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Pangilinan ang apilyido ni Warren. Nang lumingon siya sa akin ay hindi ko na lang 'yon pinansin pa.
Hindi ko sila maintindihan kung bakit ang dali nilang magkasundo. Ngayon ay iniwan nila 'ko dahil maglalaro daw sila ng online games. Hindi naman marunong 'nun si Weivo kaya tuturuan daw siya ni Skew.
Naiwan si Hiroyuki na nakangiting pinapanood na magkasayahan ang mga kaibigan ko pati na rin si Weivo. Nang magtama ang tingin namin ay malapad siyang ngumiti.
"Congrats," sabi niya na ikinakunot nanaman ng noo ko. "Habang tulog ka, pinagmamalaki ka ni Weivo. Hindi namin alam kung saan mo siya nakilala pero alam naming mahal ka niya. Hindi ka niya sasaktan Klestiah, masaya ako para sa'yo. Imagine, nawala si Warren Pangilinan pero napalitan ng Weivo Pangilinan." Natatawang sabi niya.
Parang may kung anong tuwa ang namuo sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya. Napalingon ulit ako kay Weivo na masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan ko. Napalingon siya sa akin nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya. Nginitian niya ako na kumindat pa bago nagpatuloy sa paglalaro.
Tinulungan ako ni Hiroyuki magluto para sabay sabay na kami kumain. Nang matapos 'yon ay mabilis silang lumapit sa amin at nangunguna pa talaga si Yuki. Lumapit sa akin si Weivo na mahigpit akong niyakap mula sa likod. Nakikiliti pa ako sa paghalik halik niya sa leeg ko.
"Pre, hindi si Klestiah ang pagkain, ito oh nakahain," sabi ni Cilvestio na tinuro pa ang bangus sa mesa.
Nagtawanan naman ang lahat pati na rin si Weivo na umalis na sa likod ko at naupo mismo sa tabi ko. Nag unahan pa silang kumuha ng bangus na para bang mauubusan naman sila doon.
Masaya ang lahat at masaya din ako. Hindi kayang matumbasan ng salita ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Halos hindi ko maimagine kung saan talaga galing si Weivo.
Habang tumatagal ay lalong napapalapit si Weivo sa mga kaibigan ko. Hindi na rin ako nakakaramdam ng boring sa bahay dahil kasama ko si Weivo na palaging nagpapaingay sa buong bahay.
"Klestiah!!!!" Sigaw niya, kagigising ko pa lang pero buhay na buhay na agad ang ugat ko sa utak dahil sa lakas ng sigaw niya.
"Ano ba Weivo! 'Wag ka ngang sigaw ng sigaw kapag umaga, may kapitbahay," sabi ko na napahilot pa sa sentido.
Ngumiti naman siya sa'kin pero mabilis na tumakbo palapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Napangiti na lang din ako habang niyakap din siya. Ginagalae niya pa 'ko na para bang bata ang yakap yakap niya. Dahil matangkad siya ay kasing pantay ko lang din ang leeg niya.
"You're such a baby," bulong niya, natatawa pa.
Iniharap niya pa 'ko sa kaniya. Nakatingala ako para makita siya habang nakayuko naman siya sa'kin. Hinalikan niya ang labi ko at muli akong yakapin ng mahigpit.
"May pasok ka na sa Monday," bulong niya nanaman.
Napakunot naman ang noo ko. Nakalimutan ko na nag aaral pa pala 'ko tss.
"Paano ka?" tanong ko, yakap pa din siya.
"Dito lang ako sa bahay tapos 'pag uwian niyo na, susunduin kita kakain tayo sa labas," sabi niya na hinarap na ako. "Gusto ko din mag aral pero siguro next year na lang."
"Paano?" kunot noong tanong ko. "1st year college ka?"
Umiling siya na natawa pa. "Syempre sasama ako sa'yo!" Napakunot naman ang noo ko. "Magtetake ako ng exam para makasabay kita next year."
Napaangat naman ang kilay ko habang nakatitig sa kaniya. Kaya niya 'yon? Ang alam ko, mahirap ang bagay na 'yon lalo na magmomove ka ng isang year.
"Paano kapag hindi ka nakapasa?" tanong ko.
Nawala naman ang ngiti niya sa labi. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"
Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na tumanggi. "H-Hindi naman sa ganu'n!" Mabilis na pagtanggi ko. "Malaki ang tiwala ko sa'yo Weivo... noon pa."
________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...