"Kle, tara shot!"
Agad lumiwanag ang pandinig ko ng marinig 'yun mula kay Yuki. 'Yun lang yata ang magandang lumabas sa bibig niya ngayong araw.
"Saan?" Tanong ko habang nagliligpit ng gamit ko.
Natawa naman siya. Ano bang nakakatawa sa tanong ko. Minsan talaga ay hindi ko makuha ang trip niya.
"Kapag inuman, hindi marunong tumanggi 'no!" Pag aasar sa'kin ni Yuki na medyo tinulak pa ang braso ko.
Napangiwi naman ako. Nakakairita ang pagmumukha niya. Isinabit ko ang bag sa likod ko at lumabas na ng room. Naabutan ko pa si tintin na nakikipag usap sa mga estudyanteng nakakatanda sa kaniya. Napalingon siya sa'kin kaya agad ding lumapit sa'kin.
"Saan punta mo? Uwi ka na? Sama 'ko." Dire- diretsong sabi niya.
"Iinom kami nina Yuki. Sama Ka?" Pagyayaya ko kahit alam kong hindi naman siya umiinom.
"Inom? Alak? Pass." Sabi niya na sumenyas pa.
Suminghal naman ako at nilingon si Yuki na nasa likod ko at nakangiti sa'kin. Ano bang trip nito?
"Una na kami." Paalam ko kay tintin bago umalis sa harap niya.
Naglalakad na kami ni Yuki. Nasa likod ko siya. Malayo pa lang kami sa gate ay tanaw ko na ang mga gag*ng kaibigan ko sa labas. Akala ko nagbibiro lang si Yuki, mukhang totoo ngang mag iinuman kami.
"Shot daw tayo sabi ni Skew, broken ang pot4." Natatawang sabi ni Tyrio.
Napalingon naman ako kay Skew na nakaupo lang sa gilid habang tulala sa kung saan. Halata ngang malalim ang iniisip kahit wala namang isip ang isang 'yan. Broken amp. May jowa pala ang gunggong na 'yan?
"Tara na." Seryosong sabi ko na lumapit pa kay Skew at hilain ang kwelyo niya para mapatayo ito.
Doon lang ata niya napansin na nakarating ako. Nakakapanibago naman ang katahimikan niya, hindi ako sanay sa ganu'n.
Nang makarating kami ng bar ay nag unahan pa ang lima na pumunta ng counter para mag order ng alak. Naiwan lang ako, si Skew tsaka si Hiroyuki na seryoso lang din ang tingin kay Skew. Sa titig niya ay parang may hindi ako nalalaman tungkol kay Skew.
Nang makahanap kami ng upuan ay sinasadya kong maupo sa gitna nilang dalawa. Umiwas agad ng tingin si Hiroyuki na lalong ipinagtataka ko.
"Anong nangyari Skew?" Tanong ko kay Skew pero umiwas lang siya ng tingin at hindi man lang nagsalita.
Lalong kumunot ang noo ko dahil sa ikinikilos niya. Napalingon ako kay Hiroyuki pero umiiwas lang ito ng tingin. Naputol lang ang tingin ko sa dalawa ng dumating ang iba pa na may dala ng maraming alak.
"Okay lang 'yan tol! Oh shot agad puno!" Natatawang sabi ni Tyrio na agad pinagsalin ng alak si Skew.
"Ano bang nangyayari kay Skew?" Tanong ko, kay Yuki ang tingin pero umiwas siya ng tingin.
Masyadong madaldal si Yuki at alam kong madali lang siyang pilitin pero sa pagkakataong ito ay mahihirapan ako lalo na't narito ang iba naming kaibigan.
"Wala bang sasagot?" Tanong ko ng lahat ay umiwas na ng tingin.
Lalo lang nilang pinapagulo ang isip ko. Wala akong ibang iniisip kundi ang ano ang nangyayari. Wala man lang naglalakas loob na magsabi kung ano nga ba talaga ang nangyayari kay Skew.
"Kilala mo si Criezl Quiñones?" Biglang tanong ni Tyrio.
Napakunot naman ang noo ko. That name is really familiar to me. Iniisip ko kung saan ko narinig ang pangalan na 'yan.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...