SPECIAL CHAPTER
"Dapat hindi ka na nag aral, may trabaho na rin naman pa lang naghigintay sa 'yo e."
Napairap naman ako sa sinabi ni Yuki. Kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Sa akin pala ipinamana ni Dad ang Green Teen Company at pirmado 'yon mula sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan 'yon pinirmahan. Basta na lang lumuwas ang assistant ni Dad sa lungga niya at pinakita sa akin ang mga ari arian na ibinigay na sa akin ni Dad.
"Kailan pa po ito binigay?" tanong ko habang pinabasa ang mga folder na binigay niya sa akin.
"Nang mamatay ang Mom mo," sabi niya na ikinatigil ko. "Your dad is already plan it before. He told me that I need to keep it until you are graduating a college. Lahat ng ari arian ng dad mo, sa 'yo lang ibinigay at wala ni isa sa mga kamag anak niyo. He also said that he wants you to became a successful business women someday and I am the one who helps you if he die. I am Attorney Dominguez, the closed friend of your Dad since high school."
Napakunot pa ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. Ni isang beses ay hindi ko siya nakita. Nakipagkamay pa siya sa'kin. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba ang isang 'to dahil hindi ko naman siya kilala pero nagtitiwala naman ako kay Dad. Hindi niya hahayaan na ipagkatiwala ang mga gamit niya sa lalaking 'to kung hindi niya kaano ano.
"Don't worry Klestiah, mapagkakatiwalaan mo 'ko. Hindi mo 'ko nakilala noon dahil nasa ibang bansa ako for almost 20 years kaya alam kong hindi mo ako makikilala," sabi niya tsaka may kinuha sa wallet at pinakita sa 'kin.
Nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin sa litrato niya at litrato ni Dad na magkasama sila. Halatang high school pa nga lang sila dito. Dahil sa litrato na 'to, mesyo naging komportable ako.
"Wala sana akong balak umuwi ng Pinas pero nakiusap ang Dad mo na itago lahat ng pag aari niya sa'kin para balang araw ay maibigay ko 'to sa'yo. Ibinigay niya 'to sa'kin pagkatapos mamatay ng Mom mo. Pinirmahan niya na nagpapatunay na sa'yo lahat ito. Ang sabi niya ay ibigay ko ito sa'yo kapag graduate ka na ng college and finally we are here now."
It's been a year ago. Graduate na 'ko ng college at kasalukuyang naghahanap ng mapapasukang trabaho kasama si Weivo ng biglang sumulpot ang lalaking 'to. Hindi ko inaasahan na ganito ang inihanda ni Dad para sa'kin.
"Regalo niya daw ito sa 'yo kapag nakapagtapos siya. Ibinigay niya sa 'kin kasi hindi daw siya sire kung maibibigay niya sa 'yo ng personal. Marami rami ang ari arian ng Dad mo na dapat mong ipagpatuloy. I will guide you anytime but as of now, I need to go. I have appointment," sabi niya na tumayo pa at tinignan ang supt niyang relo.
Tumayo na din ako at nakipagkamay. "Salamat po."
Nang makaalis na siya ay doon din lumabas ng kwarto si Weivo. Halatang bagong gising pa. Niyakap niya pa 'ko mula sa likod at halik halikan ang pisngi, tainga at leeg ko.
"Ano 'yan?" tanong niya, tinutukoy ang mga folder.
"Mga ari arian na pinamana sa akin ni Dad," sabi ko na niligpit pa 'yon para mailagay ng maayos sa folder.
"Ha? Edi hindi na natin kailangan maghanap ng trabaho?" tanong niya na pumunta pa ng harap ko.
Tumango naman ako at ngumiti. Masaya ako sa nalaman ko ngayong araw. Hindi pala 'ko pinabayaan ni Dad noon pa. Marami siyang pangarap para sa'kin at napakasarap 'non sa pakiramdam.
Kasama ko ulit si Weivo sa paborito naming puntahan na lugar. Lugar kung saan mataas ang lupa, kitang kita ang mga bahay sa baba. Mahangin, presko. Tahimik at maganda.
"Apat na taon na tayong magkasama," sabi niya habang nakatingin sa mga ulap. Napatingin din ako sa kaniya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Hindi ka ba nagsasawa na kasama ako palagi?"
Napakunot naman ang noo ko. "Nagsasawa ako sa bahay kapag wala ka."
Hinila niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap ang baiwang ko. Ipinatong niya din ang ulo niya sa balikat ko.
"Pwede bang tayo na lang hanggang dulo?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Tayo talaga hanggang dulo Weivo. Hindi ko maimagine 'yong sarili ko sa ibang lalaki."
Napangiti naman siya na hinawakan pa ang panga ko para magtama ang tingin namin. Ginawaran niya ako ng halik, mabagal pero masarap na halik. Walang pagtanggi sa sistema ko tuwing hahalikan niya 'ko. Puro haplos sa puso ko ang nararamdaman ko tuwing magkakaisa ang labi namin.
Nang bitawan niya ang labi ko ay hinila niya ako patayo at muling halikan. Napangiti ako dahil nasosobrahan na siya sa halik. Paborito niya masyado ang labi ko. Ang kaliwang kamay niya naman ay nanatili sa pisngi ko, pinapanatili ako sa pwesto.
Nang muli niyang bitawan ang labi ko ay nanlaki ang mata ko ng lumuhod siya sa harap ko hawak ang kahon ng singsing. Dumaungdong ang kaba ko habang nakatitig sa kaniya, hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Klestiah, we've been together for almost 4 years. I don't want you to let go. I want you to stay with me forever. I want to have family with you. I want to have baby with you. I want you to be my wife. Will you marry me?"
Habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon ay parang gusto kong umiyak bigla para lang mailabas lahat ng tuwa ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to. Masaya ako. Sobrang saya. Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib dahil sa mga nangyayari ngayon.
'Yong Demon Weivo na responsibilad ako pa noon bilang isang demon, kinagalitan ko at pinagtabuyanan ko... nakasama ko at nakilala ko. Naging kaibigan ko at nagustuhan ko. Nalaman ko ang nakaraan at habang tumatagal ay nagugustuban ko na... naging Weivo bilang tao, nakasama ko ng ilan taon, naging boyfriend ko at ngayon ay magiging asawa ko na...
"Papakasalan kita Weivo."
________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...