28

91 9 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

"Akalain mo nga namang makakapagtapos ka kahit siraulo ka."

Napasimangot naman ako sa sinabi ni Davill. Grabe talaga mang asar ang isang 'to. Ilang araw na lang kasi ay matatapos na kami. Masaya ako na makakapagtapos ako kahit wala na ang mga magulang ko. Masaya ako na makakapagtapos ako kasama si Weivo.

"Vape Klestiah." Alok sa akin ni Skew.

Umiling naman ako. "Pass."

Agad silang nagreact ng... "Woah???"

Napangiwi naman ako. Parang iisa lang ang trip nilang lahat kundi ang asarin ako ngayong araw.

"Himala Kle, akalain mo nga namang isang Weivo lang ang magpapagoodgirl sa'yo."

"Tss, hindi si Weivo. Ako mismo ang pumiling tigilan 'yong mga ganiyan."

"Pinili mong tigilan para kay Weivo, ulol gahawa ka pa ng dahilan e," sabi ni Cilvestio na hindi natigil kakatawa.

Napasinghal naman ako. Hindi ko na lang sila pinansin kasi alam kong hindi matatapos ang pang aasar nila kung nagpapaapekto ako.

Hindi ko rin maitatanggi na dahil nga kay Weivo kung bakit ko tinitigilan ang pagvevape at paninigarilyo. Hindi ko alam kung sapat ba na dahilan 'yong rason ko. Ayaw ko kasing maamoy niya akong amoy sigarilyo, baka hindi niya na 'ko halikan tss.

Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit kay Weivo. Nalalaman ko na din ang ugali niya na hindi naman nalalayo sa ugali ni Demon Weivo. Napakakulit niya at sobrang ingay. Ayaw ko ng sobrang ingay pero 'nong dumating siya, dahan dahan na lang akong nasanay. Mas kampante ako tuwing maingay siya dahil kung hindi, pakiramdam ko ay may kulang sa loob ng bahay.

"Kaninong baby 'yan?" tanong ko nang maabutan ko si Weivo na may karga kargang baby.

Nagkibit balikat naman siya na ikinalaki ng mata ko. "Hindi ko alam kung kanino 'to e, basta na lang 'to lumapit sa'kin. Hindi ko alam kung anong baby 'to. Pwede naman sa'tin na la—"

"Hindi pwede," sabi ko na ikinatigil niya. "Tara hanapin natin ang magulang niya. Hindi ka dapat pwedeng magdala ng baby. Paano kung nag aalala na ang magulang niyan?"

"Hindi ko naman ninakaw Kle," sabi niya na napairap pa. "Lumapit nga lang sa akin. Mapay ko ba?"

"Kahit na, mali pa din 'yon," sabi ko.

"Okay sorry," sabi niya na ikinalingon ko.

"Hindi ako galit ha," sabi ko naman.

Hindi siya nagsalita. Maya maya lang ay may lumapit sa aming ginang na masama ang tingin kay Weivo. Mabilis nitong inagaw ang bata sa kaniya. Sa tingin ko ay 2 years old ang bata, babae at mahimbing na natutulog sa balikat ni Weivo pero nagising ito ng hilain siya ng magulang niya.

"Magnanakaw!" Bintang ng ginang kay Weivo.

Napakunot naman ang noo ko at pumagitna sa kanila. "Pasensiya na po pero 'yong anak niyo po mismo ang lumapit sa kasama ko. Dinala niya lang kasi baka lalong mawala. 'Wag kayo basta basta mambibintang sa sarili niyong kasalanan."

"So ako pa ang may kasalan? Hindi ba't kasama mo ang kumuha sa b—"

"Boyfriend po ako ni Klestiah, hindi lang kasama," sabi ni Weivo na ikinangiwi ko. Kailangan niya pa bang isingit ang bagay na 'yon?

"Wala akong pakialam kung magkaano ano pa kayo!" Sigaw ng ginang na ikinaO.A naman ni Weivo na bumulong pa ng ouch sa tainga ko. "Pareho lang kayong magnanakaw ng bata!"

Sa lakas ng boses niya ay nililingon na kami ng mga tao. Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa bata na takot na takot ang tingin sa Mom niya.

"Ikaw ang ina kaya dapat alam mo kung saan pumupunta ang anak mo. Binabantayan mo dapat siya tapos hindi mo 'yon nagawa kaya binibintang mo sa 'min. Sa susunod, bantayan mo ang anak mo para hindi mawala sa paningin mo. Kami na nga lang 'tong nagmamagandang loob, kayo pa galit."

Hinaplos naman ni Weivo ang likod ko, pinapakalma ako. Humarang na siya sa unahan ko at nginitian ang ginang.

"Pasensiya na po. 'Wag na po kayong mag alala basta ang mahalaga ay kasama mo na ang anak mo," sabi ni Weivo kasabay ng paghila sa akin palayo.

Hindi niya na himintay magsalita ang ginang at basta na lang 'yon iniwan. Nag iinit pa din ang ulo ko pero kaya ko ng kontrolin 'yon.

"Okay ka lang? Galing mo makipagsagutan ah, Idol talaga kita," sabi niya habang natatawa.

Suminghal naman ako. Hindi ko talaga alam ang yakbo ng utak niya. Sabay kaming umuwi ng bahay. Tulad ng dati ay naabutan kong malinis na ang paligid. Kumain muna ako kasi nagugutom na 'ko pagkatapos 'nu ay naligo na 'ko.

"Klestiah," tawag ni Weivo sa pangalan ko kaya nilingon ko siya. "Gusto ko magkababy."

Nanlaki naman ang mata kong napatitig sa kaniya. "A-Ano?"

"Baby?" Kunot noong tanong niya habang nakahiga sa kama at nakatingin sa akin habang ako naman ay abalang nagsusuklay ng buhok ko sa harap ng salamin. "Baby, sanggol, bata." Binigay niya na lahat ng words na para bang hindi ko naman naiintindihan.

"B-Bakit?" Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Why did he asking for a baby? Hindi niya ba alam kung ano ang pwedeng pumasok sa isip ko dahil sa tanong niyang 'yon?

"Nung nakita ko kasi 'yong bata kanina na lumapit sa akin, pakiramdam ko ang saya ko." Napakunot naman ang noo ko habang pinapanood siya mula sa salamin. "Alam mo 'yon? Parang gusto ko magkababy din, 'yong mismong baby natin."

"Hindi ka ba masaya na ako lang?"

Nanlaki naman ang mata niya na sinalubong ang tingin ko sa salamin at mabilis na umiling. "H-Hindi naman sa ganu'n! Masaya ako syempre! Sobrang saya ko nga e!" sabi niya na naupo pa sa kama para titigan ako. "Naboboring nga ako sa bahay na 'to kapag wala ka e kaya kapag alam kong uwian ka na, ang bilis ko pumunta doon. Pwede na nga akong maging guard doon kasi nauuna pa 'ko sa guard." Ang daldal niya. "P-Pero hindi kita pinipilit sa baby ah! Okay lang sa'kin kung walang baby basta narito ka."

"Ilang baby ang gusto mo?"

Nanlaki ang mata niyang napalingon sa akin na para bang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon.

"B-Bakit mo tinatanong?" tanong niya naman.

"Paghahandaan ko para sa'yo."

________________________________________________________________________________________________

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now