"Hi Klestiah, good morning."
Napakunot pa ang noo ko sa biglaang pagsulpot ni Deam sa likod ko. May dala pa siyang paper bag na inabot sa akin.
"Ano 'to?" Kunot noong tanong ko.
Ngumiti naman siya ng malapad. "It's all for you."
Napakunot naman ang noo ko pero agad ding tumango. "Salamat."
"Uhmm... Papasok ka na?" Umiling naman ako na napalingon pa sa paligid. "Tara breakfast? Maaga pa naman e." Sabi niya na sinilip pa ang relo niya.
Tumango naman ako. Hindi pa din naman kasi ako kumakain ng breakfast. Ako lang naman na ang tao sa bahay. Hindi ko nga alam kung paano pa 'ko nakapasok ng school sa dami ng iniisip ko.
Napunta kami sa isang coffee shop. Libre niya ka daw kaya hindi naman ako tumanggi. Nakatitig lang siya sa'kin habang naghihintay kami ng order. Hindi naman ako naiilang sa titig niya pero umiiwas ako ng tingin.
"Ang ganda mo lalo kapag tinititigan ka." Nakangiting sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko na sarkastiko pang natawa. "Hindi mo 'ko madadaan sa pambobola Deam."
Natawa naman siya. He also bite his lips while looking at me. I don't know where his eyes focused because his eyes traveling in my whole face. Damn this man.
"Hindi ba nagkakagusto sa'yo mga kaibigan mong lalaki?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.
Lalong napakunot ang noo ko. Ano bang klaseng tanong 'yan?
"Hindi." Tipid na sagot ko.
Hindi pwede. May usapan kaming walang mahuhulog sa isa't isa. Kung kaibigan lang, hanggang doon lang at isa pa, wala akong balak magboyfriend. Mga Kuya ko na ang mga kaibigan kong lalaki.
Si Hiroyuki at Yuki Nakamoto ay kasing edad ko pero advance sila nag aral kaya 2nd year college na sila. Si Tyrio Sarmiento, Skew Beriña at Cilvestio Versoza naman ay 3rd year college at si Davill Yhunou at Chan Loxin naman ang 4th year college.
"Good." Ngumiti naman siya at maya maya lang ay inilapag na ang order naming coffee. "By the way, what is your whole name?" Kunot noong tanong niya habang nilalatag ang pagkain sa harap namin.
"Klestiah Almero Montellre."
Malapad nama siyang ngumiti. "Beautiful name."
Madami din siyang kinikwento habang abala naman ako sa pagkain. Hindi man ako interesado sa mga sinasabi niya, nalilibang naman ako kahit paano. Madaldal siya na kabaliktaran sa'kin.
"Mamaya ulit?" Nakangiting tanong niya nang makabalik kami sa school.
Ngumiti naman ako at tumango. "Sige."
Tsaka niya 'ko iniwan sa harap ng room. Naabutan ko si Hiroyuki na nagtatakang nilingon si Deam bago natuon ang tingin sa akin.
"Kailan ka pa nagkaroon ng manliligaw?" Kunot noong tanong niya.
Napakunot din ang noo ko na napasinghal pa. "Hindi ko siya manliligaw."
Sarkastiko naman siyang natawa. "Really? Oh baka 'di mo lang napapansin na nililigawan ka na pala."
Hindi ko na lang siya pinansin at dire-diretsong pumasok ng room. Hindi ko kailangan ng opinion ng iba. Ang alam ko, 'yun na 'yon. Kung ligaw na ang ginagawa niya, pwes itigil niya 'yun kasi ayaw ko.
"Klestiah!" Kunot noong salubong sa akin ni Davill kasama si Chan.
Nagtaka naman ako sa biglaang pagsulpot nila. Pauwi na sana ako nang humarang sila sa dinadaanan ko.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasyA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...