"Klestiah, are you okay?"
Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil hindi ko rin alam kung paano ako nagagalit. Para bang hindi ko makontrol ang galit ko. Simpleng bagay ay hindi ako napapakali. Gusto kong manakit.
Hinawakan ni Deam ang mukha niya na inayos pa ang buhok ko para mapreskuhan ako kahit papaano.
"Sorry." Bulong niya habang nginingitian pa ako.
Napakunot naman ang noo ko pero agad ding tumango. Lumayo pa ako ng konti. Naghahanap ng sigarilyo ang bibig ko para kumalma ako.
"Alis muna ako." Paalam ko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Umalis na ako. Nawalan ako ng gana pumasok dahil sa simpleng away na 'yon. Lumabae ako ng school para bumili ng sigarilyo.
Napasinghal pa 'ko habang nakatitig sa sigarilyo. Matagal tagal na rin nang tumigil akong manigarilyo pero ito nanaman ako, hawak ang bagay na 'to.
Hindi ko na lang pinansin ang drama ko. Nahsigarilyo ako habang may candy sa bibig para kahit paano ay hindi mangamoy sigarilyo ang hininga ko.
"Dito ka lang pala!" Reklamo ni Yuki na halatang pagod kakatakbo, hinihingal.
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit narito ka?"
Napakunot din ang noo niya. "Syempre hinanap ka! Pinapahanap ka ni Dabel e!"
Dabel ampota. Davill 'yon e. Talagang Dabel ang tawag niya. Hindi ko alam kung inaasar niya lang si Davill o ganoon talaga ang pagkakapronounce niya.
"Bakit ako pinapahanap? Kaya ko sarili ko."
"We?" Parang hindi pa siya naniniwala sa bagay na 'yon kaya napasinghal pa 'ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinapon ang sigarilyo sa kung saan. Bumili pa 'ko ng bubble gum para lang hindi ako mangamoy sigarilyo. Pinapanood lang ako ni Yuki kaya napalingon ako sa kaniya.
"Gusto mo ng damit? Marami ako sa bahay hindi ko nagagamit." Nakangiting sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko at nilingon ang suot kong damit. Masama ko siyang tinignan. "Mukha ba 'kong wala ng damit?"
Mabilis naman siyang umiling. "Hindi ah! Marami lang talaga akong damit doon na alam kong bagay sa'yo. Mahilig ka sa oversize 'di ba? Marami doon! Favorite color mo 'di ba 'yong gray? Marami doon."
Napangiwi ako sa daldal niya. Well nakuha niya ang interes ko kaya pumayag ako. Hindi na 'ko pumasok ng klase at hindi ko inaasahan na hindi rin papasok si Yuki, sasamahan niya daw ako kung saan ako magpunta.
Wala akong ibang mapuntahan kaya napagdesisyonan ko na bisitahin si Mom at Dad sa sementeryo. Bumili pa ng bulaklak si Yuki at makakain namin.
Buong araw lang yata akong nakatitig sa lapida ni Mom. Ilang oras akong nakatingin sa pangalan niya. Hindi ko nga alam kung ano na pinaggagawa ni Yuki dahil sa sobrang tagal kong ganu'n ang posisyon.
Mom...
"Kle!" Napalingon ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko.
Napakunot naman ang noo ko nang makita si Cristine. Nakauniform pa siya. Napalingon din ako kay Yuki na tulog na sa damuhan. Luh?
"Kle! You don't believe this!" Atat na sabi niya na mabilis pang naupo sa tabi ko.
"Oh? Anong mayroon?"
"Si Deam!"
Napalingon din si Yuki ng marinig 'yon. Lalong napakunot ang noo ko.
"Pwede ba? Ikwento mo kaya ng diretso." Napairap pa 'ko.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasiA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...