18

81 11 0
                                    

"Ganito ba?"

Napalingon ako sa kaniya ng ipakita niya kung paano siya maghiwa ng sibuyas. Napailing naman ako na medyo natawa pa dahil sa pagkakahawak niya ng kutsilyo.

Lumapit naman ako sa kaniya na kumuha pa ng bagong kutsilyo para maturuan siya. Pinanood niya naman ako kung paano ko ginawa 'yon. Ginagaya niya ang galaw ng kamay ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kaniya na nilingon pa siya.

"Demon Weivo," sagot niya na ikinatigil ko.

Weivo? Narinig ko na ang pangalan na 'yon. Kanino ko nga ba narinig 'yon?

"Weivo na lang," sabi ko sa kaniya, ngumiti naman siya at tumango kaya nagpatuloy ako sa paghiwa. "Hindi ba kayo tinituruan magluto sa mundo niyo?"

Umiling naman agad siya. "May tagaluto kami sa mundo ng mga demon."

Napapaisip ako kung ano ba talaga ang itsura ng mundo nila. Hindi ko rin makalimutan ang itsura ng dalawa pang demon na tumulong sa kaniya noon.

"Maganda ba sa mundo niyo?" Curious na curious na tanong ko.

Napalingon naman siya sa'kin na agad pang napangiti. Napangiwi naman akong umiwas ng tingin, handsome demon huh.

"Maganda doon. Sobrang ganda. May mga bagay doon na wala dito sa mundo niyo tulad ng portal, marami kaming portal kung saan patungo sa iba't ibang mundo. Mayroon din kaming silid na wala dito. Mayroon din kaming mga inaalagaan na hayop na wala kayo dito. May palasyo kami na walang ibang nakakapunta kundi kaming mga demon lang."

Napangiwi ako habang pinapanood siyang magsalita. Talkative demon. Kung ano ano ang pinagsasasabi niya tungkol sa mundo nila na lalong nagpaantig sa interes ko.

"May tao na bang nakapunta sa mundo niyo?" tanong ko ulit.

Natigilan pa siya sa sinabi ko bago nagsalita. "Mayroon, madami pero ni isa sa kanila ay hindi na nakalabas sa mundo namin."

Napatango naman ako. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko sa kaniya. Nauubusan ako ng topic pero mukhang palagi siyang may baon para sa'ming dalawa.

"Gusto ko matutong gumamit ng cellphone niyo. Wala kaming ganu'n sa mundo namin." Natatawang sabi niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi naman pala masama lahat ng demon o nagkataon lang na kakaiba itong demon na napunta sa'kin. Para siyang normal na tao na nakikipagkwentuhan sa akin, kung pwede nga lang tanggalin ko ang sungay niya at palitan ko siya ng damit ay mukha na siyang tao. Gwapong lalaki.

"Sabi ko naman sa'yo Klestiah, 'wag mo 'kong tititigan ng ganiyan." Nakangusong sabi niya na ikinaiiwas ko ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit kakaiba sa pakiramdam tuwing babanggitin niya ang pangalan ko. Nababaliw na ata ako.

Nagpatuloy kami sa pagluto at nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing tititigan niya ang mukha ko habang nagsasalita ako. Hindi niya rin maalis ang tingin sa mukha ko. Pinagpapawisan ako kahit may aircon naman.

"Try na natin." Tuwang tuwa na sabi niya ng matapis kaming magluto.

Siya ang unang tumikim ng luto niya. Sa reaksyon niya ay alam kong nasarapan siya sa mismong luto niya kaya kahit wala pa siyang binibigay na permisyo na tikman ko ay inunahan ko na siya. Masarap nga. Hindi na masama sa baguhan.

"Mahilig ka sa pagkain 'no?" tanong niya habang kumakain kami, tumango naman ako. "Hindi mo ba 'ko tatanungin kung ano ang hilig ko?"

Napakunot naman ang noo kong napalingon sa kaniya. Ano bang trip nito?

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now