"Hindi mo alam kung sino ang mga kasama mo Klestiah!"
Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Weivo sa'kin. Handa akong manatili dito hanggang sabay kaming makalabas. Wala kong pakialam kung nagugutom na ako. Sanay akong nagugutom at hindi na bago sa'kin 'yon.
Nasa isang lugar kami na wala man lang kagamit gamit. Nakakulong kami sa isang lugar na wala man lang pintuan o labasan. Ano bang klaseng lugar 'to?
"Klestiah, tara na." Pilit akong hinila ni Demon Chaves para ilabas sa lugar nila.
Nagpumiglas naman ako. Ayaw kong umalis dito. Ayaw kong maiwan dito si Weivo. "Ayaw ko nga!" sigaw ko na ikinatigil nilang dalawa. "Hindi ako aalis dito! Hindi ko iiwan si Weivo dito!"
"Kahit na malaman mo ang totoo? Mananatili ka pa rin ba sa tabi niya kapag nalaman mo ang totoong nangyari sa mga magulang mo?" Madiing sabi ni Demon Chaves.
Daungdong naman ang kaba ko at mabilis na napalingon kay Weivo na mabilis ding umiwas ng tingin.
"A-Ano sa mga magulang ko?" Kinakabahan akong naglilipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Kami ang pumatay sa mga magulang mo. Kami ang may rason kung bakit namatay ang mga magulang mo. Ngayon, sabihin mo sa 'kin na mananatili ka pa rin ba matapos mong malaman 'yon?" Madiing sabi ni Demon Chaves, nag aapoy ang mata niya.
Peke naman akong natawa pero ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang mga naririnig ko ngayon.
"Sinasabi niyo lang naman 'yan dahil gusto niyo 'kong umalis dito 'no?" Nameke ako ng tawa pero nangingilid na ang luha ko. Napalingon ako kay Weivo. "Totoo ba 'yon Weivo? Kayo ang dahilan kung bakit namatay ang magulang ko?" Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakayuko. "Weivo."
"Totoo 'yon." Dumaungdong ang kaba ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay mabilis na namuo ang galit sa di dib ko dahil doon. "Ako ang rason kung bakit namatay ang Dad mo pati si Deam."
Sunod sunod na tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kaniya. Walang salita ang lumabas sa labi ko dahil doon. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit ano mang oras.
"Akala ko pagkakatiwalaan na kita Weivo pero may bagay ka pa palang tinatago sa'kin." galit na sabi ko na ikinalingon niya.
"DALHIN SILA SA DEATH HOLE!"
Umatras ang luha ko ng makita ang mga kawal na pumasok at itali ang parehong kamay namin ni Weivo. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa reyalidad kung saan dapat kong pagtuunan.
Habang hawak kami ng mga kawal at naglalakad sa sinasabi nilang death hole, napalingon ako kay Weivo na tahimik lang habang nakayuko.
"Hindi ka mamatay," bulong ko sa kaniya na ikinalingon niya.
"S-Sorry, h-hindi ko sinasadya na patayin ang magulang mo. H-Hindi ko gusto 'yon. Ang alam ko lang ay sinusunod ko 'yong mga gusto mong mamatay pero hindi ko naman alam na masasaktan ka dahil doon. A-Ayos lan kung hindi mo na 'ko mapapatawad, alam kong kasalanan ko lahat 'yon. Dapat nga talagang mamatay n—"
"Nangyari na 'yon at wala na tayong magagawa doon. Ang isipin mo ay 'yong mangyayari ngayon."
Sumingit na ako sa sinasabi niya dahil parang hindi na siya humihinga. Kung ano anong pinagsasasabi niya na para bang kaya 'non ibalik ang nakaraan.
Inalis ng mga kawal ang tali namin at itinulak kami sa isang kulungan at doon muling ikinulong. Muntikan pang masubsob ang mukha ko sa bakal dahil sa lakas ng pagkakatulak sa akin buti na lang ay nahila ako ni Weivo.
"Ang babastos ng mga kawal. Dahan dahanin niyo naman! Mamamatay na nga lang kami e gagasgasin niyo pa nguso nito!" Reklami niya sa mga kawal ng masalo ako.
YOU ARE READING
WHEN THE DEMON CHANGED | ✓
FantasíaA girl who always wish everything going to be worst and she didn't notice that everything she wished was getting to be real or happened. She didn't know that she already own by a demon, a playful demon. The demon likes people who terrible. As a demo...