20

88 10 0
                                    

"Aray!"

Mabilis akong napalingon kay Weivo ng sumigaw siya. Lumapit ako para tignan ang kalagayan niya. Maawa sana ako pero agad ding napalitan ng tawa ng makita ang itsura niya. Naipit kasi ang kuko niya sa butas ng steamer. Napapangiwi pa siya sa sakit habang pilit na inaalis angkuko niya doon. Masyado kasing mahaba ang kuko niya at maliliit lang naman ang butas ng steamer.

"Tulong." Parang maiiyak na siya kaya lalo akong natawa.

Lumapit naman ako para silipin ang kuko niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit nakapasok diyan 'yung kuko mo?" tanong ko naman, nagpipigil ng tawa.

"May inaalis lang ako kaya ko pinasok kuko ko?" Napapangiwi siya, paniguradong masakit 'yon.

Natawa naman ako at dahan dahan inangat ang steamer para makita niya na pwede 'yon alisin sa lalagyan para tignan ang ilalim. Napaawang ang labi niya na halatang hindi niya rin inaasahan na pwede 'yon alisin sa lalagyan at hindi niya na kailangan parang ipasok ang kuko niya para linisin dahil pwede naman linisin mula sa likod.

"What the hell," bulong niya na ikinatawa ko.

Masama na ang tingin niya at napasimangot pa habang pilit na inaalis ang kuko niya sa butas ng steamer. Masyado 'yong mahigpit para maalis pa.

"Putulin na lang natin." Nanlaki ang mata niyang lumingon sa akin at mabilis na umiling.

"Ayaw ko!" Parang galit na agad siya.

"Hindi mo maalis 'yan kung hindi puputulin."

Napaisip naman siya sa sinabi ko. Napalingon pa siya sa kuko niya bago lumingon sa akin at muli nanamang lilingon sa kuko niya. Ako ang nahihilo sa palipat lipat niya ng tingin.

"Paano mo puputulin?"

Doon lang ako natigilan. So nag aalala siya kasi hindi niya alam kung paano ko puputulin? Hindi niya rin alam ang nail cutter? Wala din sila 'nun sa mundo nila?

Parang maiiyak nanaman ang mata niya habang nakatitig sa kuko. Ang O.A niyang demon.

Umalis ako sa tabi niya para kunin ang nail cutter na nakatago sa drawer ko at muling bumalik sa tabi niya. Nanlaki naman agad ang mata niyang napatitig sa hawak ko at mabilis na iniwas ang kamay kasama ang steamer.

Napakunot naman ang noo ko at pinakita ang nail cutter sa kaniya. "Hindi naman 'to masakit." Sinubukan ko pa 'yon sa kuko ko para maniwala siyang hindi kaya nang malingunan ko siya ay naging komportable ang mukha niya.

Inilapag ko pa ang kamay ko sa harap niya para ilapag niya din ang kamay niya sa harap ko. Dahan dahan niya naman 'yong ginawa. Napangiti naman agad ako dahil sumusunod siya sa'kin.

Dahil nakalagpas ang kuko niya sa butas ay kailangan kong putulin 'yon para lumuwag at maalis niya. Nakita ko pa na napapikit siya ng putulin ko pero agad ding napamulat ng mata ng mapansing hindi naman talaga masakit.

"I told you, hindi 'to masakit," sabi ko habang inaayos ang pagkakaputol ng kuko niya. "Kailangan ko ng putulin 'yong iba para magpantay ha." Paalam ko sa kaniya.

Alanganin naman siyang tumango. Pinapanood niya ang bawat pagputol ng kuko niya hanggang matapos. Tinitigan niya ng maigi ang daliri niya bago ako lingunin, napangiti naman ako.

"Hindi ako sanay," sabi niya habang nagkoclose open pa ng kamay.

Natawa naman ako. "Okay lang 'yan, masasanay ka din."

Napapadalas na din ang pag ngiti konsa tuwing kasama siya. Hindi ko na yata mapigilan ang bagay na 'yon dahil masaya naman talaga siya kasama. Hindi ko nga napapansin na demon ang kasama ko at hindi tao.

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now