10

95 13 1
                                    

"Nawalan talaga ng boses 'yung babaeng nakasagutan mo last day."

'Yun agad ang bungad sa akin ni Cristine ng makapasok ako. Hindi ko na nga matandaan ang babaeng 'yun. Sa dinami daming ganap sa buhay ko, wala na 'kong pakealam sa mga taong nakakasalamuha ko.

"Hindi ba't sinabi mo na sana mawalan siya ng boses? Ang galing naman?" Natatawang sabi niya.

"Nagkataon lang 'yun." Sabi ko sa kaniya.

Imposible din naman kasing ako ang may gawa 'nun tsaka deserve niya 'yun para manahimik siya kakadada. Walang kwenta mga pinagsasasabi niya.

"Eh 'yung about sa Dad mo?" Tanong niya nanaman.

Hindi ko na lang siya pinansin. Naka burol pa si Dad at hindi ko pa alam kung kaya ko nanaman bang tumingin ng kabaong. Sunod sunod kasi e. Pakiramdam ko ay malas malas kong tao. Natatakot ako na baka mga kaibigan ko naman ang sumunod. Parang hindi ko na kakayanin pa.

"Klestiah."

Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko ng hindi siya mamukhaan. Sino ba 'to? Bakit alam niya ang pangalan ko?

"Bakit?" Tanong ko.

"Okay lang ba sa'yo kung samahan kita?" Tanong niya.

Napakunot pa ang noo ko pero agad ding napatango. Wala namang masama kung sasamahan niya 'ko. Mas okay nga 'yun.

Tahimik lang kaming nakaupo. Pinapanood ko lang ang mga taong palakad lakad sa kung saan. Nasa park ako, gusto kong kumalma dahil puro poot ang nararamdaman ko.

Una si Mom, pangalawa si Dad. 'Yung mga taong importante sa'kin, nawawala. Nawala sila ng hindi man lang kami nagkakaayos.

"Beer?" Tanong ng katabi ko.

Inabutan niya naman ako ng can beer. Kinuha ko naman 'yun at ininom habang malayo pa rin ang tingin.

Puro pagbuntong hininga lang ang ginagawa ko para man lang mabawasan ang sakit ng dibdib ko. Hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi nila na dapat nasa bahay lang kapag may patay. Ayaw ko doon, masasaktan lang ako doon. Mas gusto kong lumayo layo dahil hindi ako mapakali kapag naroon ako.

"Nabalitaan ko about sa parents mo. Condolence." Sabi niya.

Tumango lang ako. Hindi ko nga siya kilala e. Pero atleast... may kasama ako.

"Anong pangalan mo? Bakit narito ka?" Tanong ko.

"Deam. I'm Deam. I want to comfort you but I don't know how."

Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun. Napakunot ang noo ko habang tinititigan siya. Hindi man lang siya nailang sa titig ko.

"Bakit mo naman gagawin 'yun?" Kunot noong tanong ko.

Umiwas naman siya ng tingin at ngumiti sa malayo. "Actually we are in the same University. I just watching you from afar. I don't know. You look cool." Nagkibit balikat pa siya. "Bumibilib ako sa tuwing may nambubully sa'yo, you are strong. I hope I can be like you."

Napaiwas ako ng tingin. Napabuga nanaman ako ng malalim na hininga. "Hindi nila 'ko binubully." Sabi ko na ikinalingon niya. "Walang kabully bully sa itsura ko. Insecure lang talaga sila sa mayroon ako at gumagawa sila ng rason para magalit sa'kin. Masyado akong maganda para ibully."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Medyo namumula pa siya. Kahit madilim na ang langit ay kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. Wala namang nakakakilig sa sinabi ko.

"Kaya crush kita e." Natatawang sabi niya.

Napasinghal naman ako at napailing. "Kung magyayaya ka ng bagong relasyon, ayaw ko pa."

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now