Twenty Eight

49 1 0
                                    


"A-ano bang klaseng t-tanong yan," aniko pero mukhang hindi rin naman nila ako narinig dahil sa lakas nang alon.

"Ha? Hindi ko narinig ang sagot mo," ani Ares sabay ngisi.

Ang lakas ng sikat ng araw at nakakadagdag iyon sa pamumutla ng mukha ko.

Paano ko ba maiiwasan ang tanong na iyan?

"Huy Fern Sarmiento!" sigaw ni Ares habang hinihintay ang sagot mula sa akin.

I know the answer to that question. Alam ko naman kung mahal ko ba talaga si Ares. Pero my mouth can't say the word.

Hindi lang talaga ngayon ang tamang oras para sagutin ang katanungan niya.

" Silence means Yes!" sigaw ni Ares habang ngumiti sa akin.

Mukhang na sense rin ng kumag na hindi ko gusto ang tanong niya kaya tinuloy namin ang laro.

Kinuha ko ang bolang ibinato niya sa akin.

I don't know who to aim.  Tumingin ako sa kapaligiran. Medyo malayo si Alfred at Jared sa akin. Ayoko namang kay Ares ibato ang bola dahil wala akong maisip na tanong para sa kanya.

" Aim for my heart, Babe!" sigaw pa ni Ares as he spread his arms na parang babarilin. My eyes searched for Orion.

He's not looking at me. He was busy looking around na animo'y may hinahanap.

Tsk.

I won't aim for him either. Not with this ball. Kung bato lang ito, baka saka ling siya pa ang unang target ko.

Ignoring me and calling me a pig? Tsk!

Then I started looking for Shantal.

Kakaunti lang ang tao sa Beach at imposibleng umalis si Shantal dahil ako ang pinakamalapit sa pangpang.

Don't tell me sineryoso talaga niya ang sinabi niya?! Magpapalunod siya para lang sagipin siya nang walang pusong nilalang na nag ngangalang Orion.

"Hey, has anyone seen Shantal?" may halong pag-aalalang ani Orion.

As if naman he cares about that woman? I bet he's wishing na kinain na nang pating ang babaeng iyon.

We looked around at wala nga talaga si Shantal.

Is she pranking us?!

"Shit!" mura ni Orion at tumingin ako sa direksiyon niya.

He started swimming at doon ako naalarma ng makita kong may pa lutang lutang sa di kalayuan.

That witch! Gagawin niya talaga ang plano niya?!?!

Ares started swimming too.

I started to panic hindi dahil kay Shantal pero dahil alam kong hindi naman magaling lumangoy si Orion.

Is he going to risk his life para sa Shantal na yan?!

Mabuti na lang at andoon si Ares.

Ilang minuto ang lumipas ay buhat- buhat ni Ares si Shantal. Orion was behind them.

" Call for the lifeguard," ani Ares.

"DAMMIT! She's not breathing!"

Alfred run for help towards the cottage.

Lord, I'm sorry pero PUTANG-INA talaga ang babaeng ito.

I started to panic again at nilapitan  ko si Shantal.

Wala akong alam na gawin. My mind went blank at ang unang naisip kong gawin ay ang sampalin siya.

UTANG NA LOOB. IBALIK MO NA ANG KALULUWA MO SA KATAWAN MONG BWESIT KA!

I slapped her so hard baka sakaling magising siya.

Hell doesn't need YOU Shantal. Not this time.

"Move. I know how to do CPR," ani Orion.

I was dumb-founded. Wait-is he... really going to do that for her?

Fern! Get back to your senses. Ano namang pake mo?!

You don't love Orion.

Tumabi si Ares and then in just few seconds, Orion did it.

I saw how his lips touched her lips.

It's just a CPR, Fern.

He has to save her.

No- Wala akong pake!

I keep on hearing voices inside my head.

He did it again.

Wala na akong ibang naalala ng mga sandaling iyon. I don't know how to feel o kung anong dapat kong gawin.

I just came back to my senses when someone bumped me.

It was the lifeguard.

I just heard someone gasping for air. Doon ko lang nakitang nagkamalay na si Shantal.

This witch!

******

After that incident, napilitan na kaming umalis sa resort.

It was getting dark ng natapos kaming makapag impake.

Everyone didn't say any word sa buong biyahe. Mukhang lahat ay nabigla rin sa nangyari.

Shantal remained quiet but she never let go of Orion. Nakakapit siyang parang linta kay Orion. She was silently crying at mukhang natakot at nabigla sa nangyari.

Is this part of her plan, too? 

I doubt a part of her is silently laughing. She planned this. Ginusto niya ang nangyari. Now that it happened, she's taking advantage of the situation.

She thinks Orion loved her kaya niligtas siya nito?

Sa tingin ba niya maganda ang ginawa niya?!

She's ruining her life.

I stayed awake buong biyahe habang si Ares tulog mantika at ginawa pang unan ang kamay ko.

" Are you okay?" mahina lang ang tinig na iyon pero alam kong kay Orion ang boses na iyon.

Tsk.

"Thanks for saving me," mahina ring sagot ni Shantal.

After that, I heard her kissed him.

Wala akong karapatang tumutol o ano. Pero sheyte, bakit may tumutulong luha sa mga mata ko?!

I promised not to cry again. Ayokong umiyak dahil kay Orion. Dahil kapag nangyari iyon, siguradong babalik na naman ako sa dati.

Pupunasan ko na sana ang luha ko nang magsalita ang Ares na kanina pa nakasandal sa akin.

" Dogyot mo. Kadiri. Uhog mo tumulo sa kamay ko."

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon