Three🍀

133 4 0
                                    

"Maybe the sun will explode and the moon will fly out of orbit. Maybe I will burn so fast there won't even be time for me to think of you once more."
~ Clementine Von Radics

*******

Fern's POV 

" F*cking sh*t! Wala pa nga tayong isang oras, kahihiyan na ang inabot mo," galit na wika ni kumag habang nasa parking lot kami nang hotel. 

Punong puno nang icing ang katawan ko at mukha ko lang ang napunasan ko. 

" Uwaahh! Kasi naman pinagsuot suot mo pa ako nang ganito, mag-eeskandalo lang pala tayo. Sana pala pinili kong mabulok na lang sa kulongan hanggang sa mamatay sa gutom at maging kalansay na lamang kaysa ang mapahiya sa harapan nang maraming tao!Waahhh!!" iyak ko sabay upo sa lupa. 

Hindi ko man lang alam na ganito ang maaabot ko sa pag-alis ko. Tawagan ko kaya si Orion?!Sasabihin ko na lang sa kanyang mali ang desisyon kong umalis. Pero anong mukha na lang ang ihaharap ko sa kanya?! 

" Okay. We were not able to do our plan na magpapanggap kang girlfriend ko. Look at us, ito lang ang naabot natin. Maybe, we should say goodbye to each other at kalimutan na lang ang nangyari," sambit niya. 

" Kalimutan ang nangyari?! Paano ako?" 

" What do you mean? Kung nag-aalala ka sa mukhang iyan don't worry puno naman nang icing ang mukha mo kaya hindi ka matatandaan nang mga bisita," sagot niya. 

" Oo pero paano ako? Iiwan mo na lang ako rito? Wala akong matutuluyan. Ni nga flight ko wala na rin. Ginawa mong miserable ang buhay ko! Uwaahh!" sambit ko. 

" Okay, ito." ani niya at naglabas nang isang daan sa kanyang wallet. 

"Isang daan?! Jusko Lord. Mabibili ba niyang ang kakainin at hihigaan ko ngayong gabi?! Mayaman ka pa naman pero napakakuripot mo!" sigaw ko. 

" Ayaw mo? Okay bahala ka," wika niya at pumasok sa knyang kotse. 

Abat sira ulo! Hinarangan ko siya para hindi siya makaalis.

" Umalis ka nga diyan!"sigaw niya. Bumusena siya pero nagmatigas ako. 

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako nang pagkahilo. Unti unting ring lumabo ang aking paningin at napahandusay na lang ako sa sahig. 

******

Aray. Bakit ba ang sakit nang ulo ko? Napasapo ako sa aking ulo nang magising ako. Minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame. 

Nasaan ako? Ang huli kong natandaan ay nawalan ako nang malay. Paano ako napunta rito? Dinala ba ako ni kumag rito?

Bumangon ako at lumingon lingon sa kabuuan nang kwarto. Ang ganda naman nang kwartong ito. 

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang nakatapis lang na si kumag. 

" A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"sigaw ko at napatakip sa aking mga mata. 

" Tsk. Ngayon ka lang ba nakakita nang hubad na katawan? Kawawa ka naman," pang-iinis niya. 

Napakayabang talaga nang kumag na ito. 

" H-hindi noh! May asawa na kaya-," hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naisip ko si Orion. 

" Ano?" 

" Ibig kong sabihin... oo, ngayon lang ako nakakita nang kalansay na naglalakad," asar ko sa kanya. 

Napatingin ako sa aking katawan. 

" H-hoy! I-ikaw ba ang naglinis nang katawan ko kagabi?"tanong ko nang mapansing nakabihis na ako. 

" Hmmmm.... ako ba? Oo ako nga."

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon