"You can hide memories, but you can't erase the history that produced them."
-Haruki Murakami*******
Fern's POV
" You're going to stay here habang naghahanap ka pa nang malilipatan," ani kumag.
" A-ano bang klaseng lugar ito?" tanong ko nang mapansin ang ayos nang bahay.
"It is my restobar. Nalugi ako kaya heto pinasara ko na," sambit niya.
May mga gamit pa naman sa loob maliban na lang sa nakalawang na ang ilan at puno na rin nang alikabok ang buong paligid.
"Linisan mo na lang. May isang kwarto sa taas, you can stay there pansamantala, " saad pa niya.
"Okay!" walang pagrereklamong sagot ko.
"Kita na lang tayo mamaya. Dadalhan na lang kita nang kakainin mo kaya maglinis ka na muna habang hinihintay akong bumalik," kalmadong utos niya.
Nagsalute ako at saka ngumiti. Nagpaalam na siya at saka lumabas. Salamat naman at may matitirhan ako.
Nagsimula akong maglinis. Inabot nga yata ako nang ilang oras bago ko nalinis ang buong bahay. Maayos naman pala ang mga gamit. Gumagana pa ang mga appliances.
Nang matapos na akong maglinis ay tumunog ang cellphone ko. Kinakabahan akong pinulot ito at nakitang si Mama ang tumatawag.
Tinanong niya ako kung bakit raw hindi niya ako macontact. Hindi ko sinabi sa kanyang naglayas ako at hindi natuloy ang flight tutal hindi naman niya alam na muntik na akong pumunta sa Japan. Maybe may dahilan kung bakit hindi ako natuloy. Hindi ko rin sinabi ang tungkol sa divorce namin. Kung sakali mang malalaman niya ay saka ko na lang ikukwento.
Nang matapos ang tawagan namin ay nakarinig ako nang kahol nang aso sa labas. Dinala kaya niya si Orn dito? Masaya akong sumalubong kay Orn at nakita ko nga ito sa labas nang pintuan.
Agad ko siyang niyakap at nagulat na lang ako nang may mga pares nang paang nakatayo sa labas nang restobar.
"Siya ba ang kinokwento mo?" tanong noong isang lalaking may pasa sa mukha.
Napatayo ako at napaatras. May mga hawak hawak kasi silang baseball bat. Balak ba nila akong pagnakawan rito?!
May masama bang binabalak ang kumag na iyon sa akin?! Ibebenta ba niya ako?!
" Don't worry miss byutipul. We wont hurt yow baby!" sumbat naman noong nasa likuran nitong mga nasa edad trenta.
"S-sino kayo?!" tanong ko.
Agad namang may lumapit sa akin at saka ako hinawakan sa kamay.
" Ang ganda mo naman Miss, may boyfriend ka -Aray!" bago pa niya matapos ang sasabihin niya sa akin ay binatukan na siya ni kumag.
Pumasok ang mga limang lalaking kasama ni kumag at nagsiupuan sa sofa. Nakadekwarto silang anim at animo ay mga druglord na nagsasabwatan sa kanilang masasamang plano. Para silang mga demonyo na ewan.
" Kaibigan kami ni Ares," ani noong isa at kinindatan ako. Mukha tuloy siyang napuwingan dahil hindi bagay sa singkit niyang mata ang kumindat. Mukha siyang bubuyog.
"Ares?" takang tanong ko at lumingon kay kumag.
" Oh I forgot about it. Hindi ko nga pala nasasabi sa iyo ang pangalan ko, I'm Ares," sagot niya habang kumukuha nang mga baso sa cupboard.
Ah, Ares pala ang pangalan niya.
"Eh ikaw Miss Byutipul?" tanong noong isang lalaking nakasuot nang itim na leather jacket at may piercing sa ilong. Sa hitsura niya mukha siyang basag-ulo. Hindi kaya masasama talaga sila?!
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...