Eight🍀

110 2 0
                                    


" I almost wish we were butterflies and liv'd but three summer days- three such days with you. I could fill with more delight than fifty common years could ever contain."
-John Keats

*********

Fern's POV

" Hey, are you sure lilipat ka sa unit ni Orly?" tanong ni Ares habang nakasandal sa pintuan nang kwarto ko. Nagliligpit ako nang gamit ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin masink in sa utak kong titira uli kami ni Orion sa ilalim nang iisang bubong. 

" It's Orion not Orly ," pagkokorekta ko sa pangalan ni Orion. 

" Whatever. But are you sure about this?" pag-uulit niya. 

" Honestly, I don't want to do this. Para kasing wala lang ang paglayas ko. I mean...I've been away for one year. Far from Orion pero heto na naman at tulad nang dati babalik kami sa dati. Isa iyong napakalaking kalokohan," aniko habang tinutupi ang mga damit ko. 

" Straight to the point, you're afraid you'll fall for him again ganun ba?"" Iba ang naging dating nang tanong ni Ares sa akin. 

" Hell no. Itaga mo sa puno nang bayabas, nakamove on na ako. Kung pwede niyo nga lang icheck ang puso ko kung may natitirang pagmamahal o feelings para kay Orion, wala. As in 0 percent," nakakasiguradong sambit ko. 

Tumawa lang si Ares. 

" I hope na hindi mo kainin iyang sinasabi mo. Karamihan kasi sa pinapanood ko sa pelikulang katulad nang sitwasyon mo, ayun, hinabol pa rin niya ang lalaking bastardong mahal na m-," pinutol ko na ang linya ni Ares. 

" Hayan ka na naman kasi sa kakanood mo nang Korean nobela. Hindi porket ganun na sa pelikula ganoon din sa totoong buhay. Besides, hindi ka ba talaga maghahanap nang lovelife mo? Para naman may mangyari sa buhay mo," sabi ko. 

" Nandiyan ka naman di ba? Bakit pa ako maghahanap nang iba," sagot ni Ares. Masusuka yata ako sa narinig ko. 

" Baliw," aniko sabay irap sa kanya. 

Ngumiti lang siya. Nang matapos ko ang pagliligpit ay nagpaalam na ako sa kanya. 

" Paano, itetext ko na lang ang bagong address ko sa iyo kapag nakalipat na ako and don't worry. Tutupad pa rin ako sa usapan nating magpapanggap akong girlfriend mo," aniko kay Ares. 

" Sure just take care of yourself," aniya at saka ako hinila . Niyakap niya ako na ikinabigla nang mga hormones ko. Pati yata kuto ko sa ulo nagulat sa ginawa niya. 

" Hahaha you're blushing. Iba pa rin talaga ang karisma nang isang magandang lalaking kagaya ko," natatawang sabi ni Ares. Sinipa ko siya sa tuhod. 

Nang makapagpaalam ako kay Ares ay naghintay na ako nang taxi. Tinawagan ko rin ang numerong binigay ni Orion para malaman ko kung saan ako tutungo. 

Nang sagutin niya ang linya ay narinig kong humikab pa ito. Halatang bagong gising eh tanghaling tapat na. 

"Hoy. Asan ba address mo?" tanong ko. 

" Itetext ko na lang sa iyo," iyun lang ang sinabi niya at saka ako binabaan nang tawag. Tinext nga niya ang address at doon ako dumiretso. 

Nang makarating ako sa condo unit niya at nagdoorbell ako. Bumukas naman agad iyun at sinalubong ako ni Orion na nagkukusot pa nang mata. 

Pumasok ako at kusa ko ring hinila ang mga maleta ko dahil hindi ako tinulongan ni Orion. Napaka ungentleman talaga niya. Nang makapasok ako ay napansin kong malawak ang unit niya. Malinis rin at sobrang plain. Halatang lalaki ang nakatira. 

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon