" If you cannot hold me in your arms, then hold my memory in high regard. And if I cannot be in your life, then at least let me live in your heart."
-Ranata Suzuki*****
Fern's POV
" Fern!!!!"
Mula sa gate ay tanaw na tanaw ko ang babaeng kanina pa kaway nang kaway. Si Chantal. Nakangiti itong lumapit sa akin at saka ako hinawakan sa braso.
" Kanina pa kita hinihintay rito Fern!" nakangiting aniya. Ngumiti rin ako.
" Nasaan ba ang lintik na Ares na iyun? Hindi ka man lang ba niya sinusundo? Kahit kailan talaga hindi siya romantic. I wonder kung bakit mo siya pinatulan but its okay I think you guys are perfect match! " puna ni Chantal.
" A-ang totoo niyan Chantal...,"bago ko pa nasabi ang tungkol sa pagpapanggap ko ay may bumusinang sasakyan sa likuran. Malamang kay Ares. Dumiretso ito sa parking lot at pagkatapos ay lumapit sa akin.
"Hey," ani Ares. Hindi naman kailangang magpanggap kami sa harapan ni Chantal. I think maiintindihan naman ni Chantal kapag sinabi namin ang totoo. Mukhang kailangan naming mag-usap ni Ares.
" So ano na love birds? May klase pa tayo!" ani Chantal at hinila ako papasok sa building. Humiwalay din siya sa amin dahil sa kabilang building pa siya at nagsabay na kami ni Ares papunta sa Chemistry Department. Magkaklase kami sa subject since related pareho ang kinuha naming kurso.
" Huy ikaw! Hindi ka ba nakokonsensiyang niloloko natin si Chantal about our relationship? I mean nakita mo naman ang reaction niya nang malamang may girlfriend ka na. She didn't mind dahil wala siyang feelings toward you. I think it's time for us to stop this show," aniko.
" Okay but I think mas ikaw ang magkakaproblema since your husband thought na boyfriend mo ako," sagot niya. For a moment, napaisip ako. Yeah, ayokong lokohin si Chantal pero kapag nalaman ni Orion na hindi ko naman talaga boyfriend si Ares, iisipin na naman niyang patay na patay pa rin ako sa kanya. At hindi ko masikmura ang ideyang iyon. He'd assume na mahal ko pa rin siya. And iyun ang ayokong mangyari.
" Okay, I think ako na ang bahala kay Chantal. Sasabihin ko sa kanya ang totoo kapag kailangan," aniko. Ares nodded and yawn.
Sabay kaming pumasok sa classroom at tulad nga nang inaasahan ko. My classmates glared at us at nagsimulang magbulongan.
" That's her right? They're right about her. Nakikisipsip lang pala ang babaeng iyan. For sure, piniperahan lang niya si fafa Ares and ginagamit niya para sumikat sa campus," rinig kong sabi nang babae malapit sa pintuan. I rolled my eyes. Kahit gusto ko mang burahin ang mukha nang demonyitang babaeng iyun, ayokong mag eskandalo lalo na at maganda ang record ko sa school.
" Don't mind them," ani Ares at saka ako inakbayan. Ginawa lang niya iyun para asarin ang mga babaeng kanina pa ako tinatapunan nang masamang tingin.
Inilagay ko ang gamit ko sa aking locker at saka nagsuot nang lab gown para sa gagawin naming experiment.
"Focus, red-head," bulong ni Ares nang mapansing nakatulala ako. Kanina ko pa kasi iniisip ang nabasa ko sa diyaryo kagabi tungkol sa engagement ni Vanessa sa isang politician. Well, kaya nga hindi ako pinili ni Orion dahil sa babaeng iyun, ngayon naman iniwan rin niya si Orion. I was just wondering what happened after I left. I think nakarma ang Orion na iyun.
And why the heck am I thinking about him? Kasalanan ko lahat ito. Bakit ba kasi ang tanga ko noon at pumayag pa akong pakasalanan ang lalaking iyon. Now, these are the consequences of my foolish actions. Kung bakit ba kasi ako patay na patay kay Orion noon?! Thinking about it para akong masusuka.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...