Fern's POV
Papunta na ako sa classroom ko para sa last subject. Nakakapagtaka lang dahil ngayong umaga wala akong nakitang anino ni Ares maski balahibo nito ay wala. Bihira mangyari iyun lalo na at pang-aasar sa akin ang dahilan kung bakit siya pumapasok sa klase. Gustong gusto niya akong nakikitang napipikon o kaya naman ay ipaglandakang mahal ko pa rin si Orion.
Speaking of that Orion, nakakainis nga eh. Kasi noong umaga ay maling libro ang nadala ko sa klase. Libro ni Orion ang nahablot ko at nalagay ko sa bag. Wala naman akong ibang nagawa kundi buklatin iyon sa klase para naman hindi magmukhang obvious kay Sir na wala akong libro. Binuklat ko nga iyun at nakita ang mga sulat niya. May mga notes siya sa bawat pahina nang libro niya. Sabagay, henyo nga kasi siya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit, hello kitty iyong bookmark niya. Kahit sino namang babae kapag nakita mong hello kitty ang book mark na gamit nang isang lalaki mapapaisip ka lang talaga kung bakla siya. Knowing Orion, hindi naman siguro siya bakla. Kasi nagkagusto naman siya kay Vanessa. Tiyaka hinalikan naman niya ako noon-ay, bakit nasali iyun. Hindi kaya nalaman ni Vanessa na bakla talaga si Orion kaya hiniwalayan niya ito?! O baka naman talaga noong mga bata pa kami bakla talaga siya at gusto niya lang pagtakpan ang katotohanang iyon dahil ayaw niyang may makaalam?! Hayst, ano ba itong iniisip ko! Binatukan ko na lamang ang aking sarili.
Speaking of Ares, ano bang nangyari sa kanya? Wala naman yata silang practice ngayon nang basketball dahil tinanong ko kay Alfred. Tawagan ko nga mamaya. Nang matapos ang klase ay nadatnan ko si Chantal na nakatayo malapit sa gate. Bihis na bihis siya. Nakasuot nang maiksing palda at spaghetti strap. Kita tuloy ang pusod niya. Laking America kaya hindi na dapat ako magtaka. Kumaway siya sa akin kaya nilapitan ko siya.
" Nakita mo ba ang pinsan mo? Hindi ko kasi siya nakita buong araw. Pumunta ako sa department niya pero wala siya," malungkot na ani Chantal. Bakit ba kasi ginugulo niya si Orion?
" Baka busy sa mga paperworks niya. Ang dami dami kasi niyang ginagawa sa gabi kaya nga minsan hindi na natutulog. Pinapayuhan ko nga siyang huwag masyadong magsunog nang kilay," walang kabuhay buhay na sagot ko.
"Does that mean nakatira kayo sa iisang bahay?!" tanong niya na ikinagulat ko.
"O-oo. Wala namang masama k-kasi magpinsan kami hahaha," sagot ko. Sana naman hindi na siya magtanong pa tungkol doon.
"Okay. Kung ganoon ano kaya kung sa bahay niyo tayo maggroup review?" masiglang tanong niya.
"Huh? Group review? Malayo pa ang exam ah. Dalawang linggo pa," sagot ko.
" Then one week from now, mag group review tayo sa inyo!" ulit uli niya.
"B-baka hindi tayo payagan. M-marami kasi kami sa bahay... may mga iba pa kasing pinsan na kasama," pagsisinungalin ko. Halata ang pagkadismaya nito sa sinabi ko.
"Okay fine. But after nang exam, magtatravel tayo! Hindi ba maganda iyun? " suhestiyon uli niya.
" Travel?"
" I mean may kaibigan akong may malaking resort. Maganda ang mga tanawin doon and that is a perfect place for me to tell Orion that I like him!"
Agad akong napasapo sa noo at hinawakan ang mga balikat ni Chantal.
" Why don't you just find another guy dito sa campus na mas worth it maging jowa kaysa kay Orion na wala naman talagang looks. He's a demon, masama ang ugali niya," aniko.
" Hindi naman ako nahulog dahil may hitsura si Orion, I just felt na siya na ang Prince Charming ko. Hindi mo ba naramdaman iyon noong nakita mo si Ares?" tanong niya.
"Hindi ko naman talaga siya boy- I mean... iyong katulad ni Orion sasaktan ka lang niya. Ganito kasi iyon, noong mga bata pa kami este sila Orion- nangako si Orion na papaksalan niya iyong isang babae. Naghintay itong babae hanggang sa tuparin ni Orion ang pangako niya. Ginawa lahat noong babae ang lahat para mahalin siya ni Orion pero sinaktan lang niya ito. I mean LAHAT LAHAT! And it turned out na after all those years, hindi pala niya mahal iyong babae. Nasaktan lang siya nang sobrang sobra- higit pa sa sobra iyong sakit na nardaman niya. Kaya Chantal, ayokong maulit sayo iyong nangyari sa babaeng iyon," panglilinaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomansaAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...