Fourteen🌸

90 2 0
                                    


Fern's POV

Nasa sala ako at umiinom nang kape nang sumigaw si Mama mula sa kusina.

" Fern! Pakigising mo nga ang lola mo at baka mahuli pa kami sa pupuntahan namin!" utos ni Mama.

Agad akong tumayo at pumasok sa kwarto ni lola. Nakatayo siya malapit sa bintana at tinatanaw ang mga naglalakihang building na nakapalibot sa unit namin. Fifteen years old pa ako noon nang huli kong makita si lola. Tandang tanda ko pa noon kung paano niya ako higpitan sa mga galaw ko. Ayaw niyang nakikita akong nakikipaglaro sa mga kaklase ko lalo na sa mga lalaki. Siguro ay dahil sa nangyari sa akin noon. Hindi ko nga alam kung paano ako umahon sa mga trahedyang nangyari sa akin. Paano kaya kung walang nagligtas sa akin noong tinangka kong kitilin ang buhay ko? Thinking about it, siguro ay dahil gusto pa akong bigyan nang Panginoon nang pagkakataong hanapin kung ano man ang bagay na nagpapasaya sa akin. Isa nga sigurong pagkakamali roon ang hindi ko man lang naisip ang mga taong malulungkot kapag nawala ako. Napakaselfish ko naman.

" La, kain na tayo. May bibisitahin pa kayo ngayon hindi ba?" tanong ko at saka siya niyakap mula sa likuran. I miss her scent.

Ngumiti siya at saka hinawakan ang aking mga kamay.

"Ano po iniisip niyo La?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim at saka ngumiti.

" Iniisip ko lang ang lolo mo," sagot niya. My grandfather died bago pa ako inampon ni Mama. So hindi ako nabigyan nang pagkakataong makilala ang lalaking minahal nang buo ni Lola.

" Namimiss niyo po ba siya?" tanong ko.

" Miss na miss," sagot niya. " Walang araw na hindi ko siya inisip."

Nalungkot ako bigla. Alam ko kung ano ang nararamdaman ni lola kaya para man lang mabawasan ang nararamdaman niya ay hinalikan ko siya sa pisngi.

"Kaya ikaw, alagaan mo nang mabuti iyang asawa mo. Habang nandito pa siya, ipakita mo kung gaano mo siya kamahal," ani lola. Nawala ang ngiti ko sa labi. Tiyak na malulungkot siya kapag nalaman niyang maghihiwalay kami ni Orion.

Pagkatapos naming maglambingan ni lola ay dumiretso kami sa kusina.

" Fern pakitawag na rin ang asawa mo," ani mama. Napabuntong hininga na lamang ako at saka pumasok sa kwarto. Nakita ko siyang natutulog sa couch. Nilapitan ko siya at saka niyugyug pero walang nangyari. Tulog pa rin ang lalaking ito. Sinubukan ko uli siyang gisingin pero wala na namang response kaya naisipan kong kumuha nang isang tabo nang tubig sa bathroom. Binasa ko ang kamay ko at nagwisik nang tubig sa mukha niya. Nang maramdaman niya iyun at bumangon siya.

" Why did you do that?" inis na wika niya.

" Mahirap ka kasing gisingin and this is the only thing I could think of para magising ka," aniko. Tumawa ako at saka ibinalik ang tabo sa bathroom nang maramdaman kong pumasok rin  siya sa bathroom. Lumingon ako at nakitang nakangisi siya.

"B-bakit?" tanong ko.

Tinitigan niya ako at saka lumapit. Nabigla ako sa ginawa niya kaya itinutok ko ang tabo sa kanya para ihampas sakaling may binabalak siyang gawin.

" Huwag kang lumapit!" banta ko pero patuloy pa rin siya sa paghakbang palapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa di ko napansing may bathtub pala sa likuran. I fell right into the water at basang basa na ako.

" Would you mind if I join you there?" aniya at saka tumatawang lumapit.

"Pervert!!!" sigaw ko at saka tumayo at tinakpan ang aking basang katawan.

Napakamalas ko talaga kapag nandiyan ang Orion na iyan. I should dispose him as early as possible. Puro lang kamalasan ang inaabot ko kapag nandiyan siya.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon