"The minute I heard my first love story , I started looking for you."
- Rumi******
Fern's POV
" Why do you have to walk so fast? We still have a lot of time," reklamo ni Orion. Huminto ako sa paglalakad at saka hinarap siya.
" First of all, Mr. Fontanilla, why the heck would you say 'YES' sa tanong ni Lola! For Pete's sake, walang nangyari sa atin at walang mangyayari sa atin! Nakakainis ka! Uso namang maging honest di ba?" inis na sabi ko habang nakapamaywang na inirapan siya.
Tumawa lang siya na mas lalo kong ikinainis. Habit ba niyang tumawa kapag naiinis ako?!
" I said 'YES, we kissed but not having s*x," pagpapaliwanag niya. " Hindi na tayo bata para sa mga ganitong bagay. And besides, I didn't say na ginagawa natin iyun what I said was Oo, we tried kissing each other before."
" Tried?! Sa pagkakatanda ko, you forced that kiss on me. So it means na hindi ko iyun ginusto!" depensa ko sa aking sarili.
" Is that a big deal Miss Sarmiento?" ngising ani niya.
" OO!"sigaw ko at saka siya tinalikuran.
Inayos ko ang sarili at saka naglakad muli. Ang ganda pa naman nang suot ko ngayon. I was wearing a plain blue V-neck t-shirt at dark jeans tapos tatanungin lang ako kung nakikipags*x ako kay Orion! Urgh! Nakakasira nang aura!
Nasa school gate ako nang matanaw ko ang limang demonyo. Ares and his friends.
" Red!" sigaw nila. I rolled my eyes at nilapitan sila pero nakailang hakbang pa lamang ako ay may humintong babae sa harapan ko at hinarang ako.
" So it's you," aniya. Nakasuot ito nang itim na bodyfit dress at saka nakalugay ang kulot-kulot nitong buhok. Nakasalamin rin ito at sa pisikal na kaanyuan niya ay masasabi mong napakaganda niya. Chinita siya at balingkinitan.
Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya.
" Babe!" sigaw ni Ares na ikinagulat ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Babe, kanina pa ako nag-aantay dito. Ang tagal mo," malambing na sabi ni Ares na muntikan ko nang masapak.
"Babe?" nandidiri kong tanong sa kanya.
" So, Ares, siya ba ang ipinalit mo sa akin? So cheap. But don't worry, baka ginayuma ka lang nang malanding witch na ito. I will definitely do everything para makuha uli kita," ani nang babaeng nasa harapan ko at saka lang nag rehistro sa utak ko na ang babaeng nasa harapan ko ay si Chantal.
"Ginayuma? Pardon! Mukha ngang patay na patay si Ares sa akin. Kung mahal ka niya talaga, di dapat hindi siya naghanap pa nang iba," pagtataray ko. Tinaasan rin niya ako nang kilay.
" Hindi siya naghanap nang iba dahil ang totoo nilandi mo siya!" pagtataray niya.
" Hindi ako kasing kati mo!" banat ko. Napasinghap ito at nagtaas nang kilay. Itinaas rin niya ang kanyang kanang kamay at mukhang mapapasabak ako sa sampalan nito pero nagulat ako nang tumawa ito nang pagkalakas lakas at saka ako niyakap.
" I knew it!Ares you've made a nice pick! I like your girlfriend!" aniya at saka ako inakbayan.
Hah? Hindi ba siya mag-uumpisa nang giyera gayong nalaman niyang may girlfriend na si Ares? Mukha ngang kami pa ni Ares ang nagulat. Siniko ko si Ares na halata ring gulat sa naging asal ni Chantal.
******
" Oh come on, Ares! I know you're worried about this. Akala mo siguro bumalik ako para sa iyo? No way. Gusto ko lang talagang takasan si Dad. You know, Dad's a monster. Gusto niya akong magmanage sa business eh hindi naman ako interesado sa mga bagay tungkol sa business world!" kwento ni Chantal habang kumakain kami sa canteen.
" So you came here for what reason?" tanong ni Ares.
" Para mag-aral. Alam mo naman di ba pangarap kong maging isang designer, I mean fashion designer at ito na ang perfect school for me! Naka enroll na nga ako rito last week pa pero dahil nagkaroon nang problema ang visa ko ayun, nadelay ako nang isang linggo but I'm so happy to be here," nakangiting sabi ni Chantal.
Napakaganda ni Chantal lalo na kapag nakangiti. May mga dimples kasi siya sa magkabilang pisngi at isama mo na rin ang singkit niyang mga mata. Nakakapagtaka naman at inayawan pa siya ni Ares. Kapag ako lalaki, mahuhulog talaga ang loob ko sa kanya.
" And oh by the way, I'm Chantal," pagpapakilala niya at saka inilahad ang kamay. Inabot ko iyun at nginitian siya.
"And I'm Fern but kilala ako rito bilang Red dahil sa buhok ko," aniko.
" I'd rather call you Fern. I find your name cute," aniya. "So tell me, how did you two meet? Paano ka niligawan nitong Ares na ito?" tanong ni Chantal. Gusto ko sanang sabihing hindi ko naman talaga boyfriend si Ares pero sa tingin ko hindi ito ang tamang panahong para umamin.
" Mahabang istorya,"sagot ni Ares.
" Hindi ikaw ang tinatanong ko. So Fern, I'm sure na nagaspangan ka sa ugali nitong Ares na ito. Kilala ko ang lalaking ito simula pagkabata so alam ko," ani Chantal.
At nag-imbento nga ako nang kwento para naman hindi na kami kulitin ni Chantal. Pagkatapos nang ilang minutong kwentuhan ay kanya kanya kaming dumiretso sa klase. Wala naman palang problema kay Chantal. So ibig sabihin ay hindi ko na kailangang magpanggap pa bilang girlfriend ni Ares. Kahit papaano nakahinga ako nang maluwag. Nang makapasok ako sa klase ay naalala kong kaklase ko nga pala ang Orion na ito sa first subject ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at saka dumiretso sa aking upuan.
Dahil sa bored ako ay nagdrawing ako sa aking libro. Habang nagdadrawing ay napansin ko sa aking peripheral vision na nakatingin sa akin si Orion. Tumingin siya sa kinauupoan ako na ikinainis ko.
"Bakit ka nakatingin?" I mouthed at saka siya tinarayan.
He smirked at saka ko lang napansing nakatingin silang lahat sa akin. May nagawa ba akong mali? Tumingin ako sa harap at napansing nakapamaywang si Maam. Kanina pa pala niya ako tinatawag para sagutin ang mathematical equation sa board. Namula ako sa hiya at saka pumunta sa harap para magsolve. Tama naman ang sagot ko. Isang minuto ang lumipas ay naramdaman kong may bumato sa akin nang papel. Tumingin ako sa direksiyon nang walang hiyang Orion at saka ako nagtaas nang kilay. Ano bang problema niya? Masyado siyang papansin ah!
Kinuha ko ang isang pahina nang notebook ko at saka nilukot iyun at ibinato sa kanya. Tumawa ako nang pagkalakas lakas nang tumama iyun sa mukha niya. Tumingin uli sa akin ang mga kamag-aral ko at namula na naman ako sa hiya. Tumingin ako sa direksiyon ni Orion na tumatawa. For a moment, tumigil ang mundo ko at bumalik na naman ang ala ala ko noong mga panahong baliw na baliw ako sa mga ngiti at tawang iyun ni Orion.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...