Her POVPumasok ako kinabukasan.
Nasa gate pa lang ako nang University ay pinagtitinginan na naman ako ng mga kapwa ko studyante.
Maybe because I changed my hair color.
But it was a good decision.
I smirked at those people who keep on staring.
They raised an eyebrow.
Sa labas ng building ko ay naabutan kong naghihintay roon si Jared.
Bakit andito siya? Sa kabilang building naman ang department niya. Siguro ay ipapagawa na naman niya sa akin ang calculus niya.
Nakapamulsa ito at nagyoyosi pa. Alam naman niyang bawal magyosi sa public places lalo na at eskwelahan ito? Pero oo nga pala, wala namang magagawa ang school dahil sa malaking pondo na kayang ibigay ng pamilya niya sa eskwelahang ito.
I covered my nose at saka lumapit sa kanya.
Inagaw ko ang sigarilyo sa kamay niya.
"What the ****!" pagmumura niya.
"Maawa ka naman sa lungs mo. Ang pangit na nga nang mukha mo sisirain mo pa ang lungs mo," aniko.
Dati rati ay babatukan niya ako di kaya ay kukurutin sa pisngi pero this time nakatulala lang ito at saka nakatingin sa akin na animo ay bumangon ako mula sa hukay.
Kumaway ako sa harap niya at hindi pa rin ito gumagalaw kaya hinipan ko ang mga mata niya.
"Ang baho!" sigaw niya at saka nagtakip ng ilong.
Tatadyakan ko sana siya pero nakailag siya.
"Pero wow, hindi ko alam na bagay pala sa iyo ang maiksing buhok, you look like Anne," aniya at hindi ko masabi kong nang-aasar lang siya.
" Anne? Anne Hathaway? The comparison is too much. Wala pa ako sa hinliliit ni Anne Hathaway," sagot ko.
" Pasensiya na. I want to make it clear. It's not Anne Hathaway. I mean "Anne Sungit," sagot niya na nagpainis na naman sa akin.
Naku kong bulkan lang ako kanina pa ako sumabog sa galit.
"Umalis ka na kung mang-aasar ka lang," aniko.
" Ito naman Di mabiro, Okay na. Anne Ganda mo," pero may halong pang-iinis pa rin.
I rolled my eyes.
"But Fern, I think you need to see this," aniya na animo ay isa sa mga campus echoseras na nakikipagchikahan.
"See what?" takang tanong ko.
Inilabas niya ang phone niya at may ipinakitang video sa akin.
I took his phone at saka pinanood ang video.
It was a video clip he took when we went sa beach weeks ago.
Halos hindi ako makapaniwala sa napanood ko.
Why would she do that?
" I think this answers the questions about the tarpaulin and the pictures," ani Jared.
" I don't want to meddle. I don't want to care about it. But I think you need to see this and solve it yourself," ani ya.
He tapped my back at saka ako kinurot bago tumakbo palayo.
Ouch! Jared You Devil!
Hindi na mawala sa isipan ko ang tungkol sa nalaman ko.
She owes me an explanation. No, many explanations.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...