Fern's POV" Parang gusto kong uminom nang milktea," aniya na animo ay ganoon lang kadaling sabihin. Kanina pa ako pabalik balik sa canteen dahil sa dinami dami nang mga utos niya. Eh isang kilometro pa naman ang layo nang canteen dito sa department nila. May canteen naman sila rito sa building pero wala rito ang pagkaing gusto niya.
"Ano ba talaga ang gusto mong kainin at inumin hah?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Wala akong pake kung pinagtitinginan kami nang mga kaklase niya dahil kanina pa talaga pinapainit nang lalaking ito ng ulo ko.
" I'm thinkin' about it," sabi pa niya at umaktong nag-iisip. Ngumisi ito sa akin.
"Turned out hindi pala ako gutom pero thank you sa concern," aniya na talaga namang nagpainit nang ulo ko.
" Sampung beses akong nagpabalik balik sa canteen para bilhin itong mga pagkain na sinasabi mo tapos di ka pala gutom?!?! Eh kung hampasin ko kaya iyang injured mong kamay hah!" aniko at kunwari ay hahampasin nang libro ang kanyang kamay. Pero syempre di ko naman gagawin iyun dahil tiyak na mas matatagalan pa ang pagrerecover nang kamay niya kapag nangyari iyun.
"Diyan ka na ngang bwesit ka!" aniko at umalis sa kanyang classroom. Isang oras lang ang sinayang ko dahil sa lalaking iyon. Pagkatapos talaga nang lahat nang mga pang-uuto at kalokohan na ginagawa niya sa akin ay gagantihan ko siya. Nag-iisip pa ako nang magandang plano para gantihan siya. Kung kumuha kaya ako nang picture niya habang naliligo siya? Ay ang laswa naman. Baka isipin pa niya pinagnanasaan ko siya. Kung ipagkalat ko kayang bakla siya?May nainiwala kaya? Mukhang wala rin.
"Fern!" tawag ni Chantal. Nakasalubong ko siya sa hallway at may hawak hawak pa siyang maliit na lunchbox. Para siguro iyun kay Orion.
" Look, I cooked for Orion. Nalaman ko kasing injured siya," malungkot na ani Chantal.
" Oh yeah sa katangahan kasi niya. Nainjured siya kasi sinubukan niyang manghipo sa loob nang elevator kahapon," pagsisinungalin ko.
"Why would he do that?!"
" Kasi nga bakla siya di ba? Hinawakan niya iyong pwet noong isang lalaking nakatabi niya sa elevator kahapon. Kadiri hindi ba? Ayun, binugbog siya. Kaya nga Chantal, tigil tigilan mo na ang paglapit sa kanya. Sige ka baka biktimahin ka rin niya," pagsisinungalin ko.
" C'mon Fern, sino namang maniniwala diyan sa kwento mo. I heard from Orion himself that may nakaaway lang daw siyang gorilla sa kalye. I was quite puzzled by what he meant. Wala namang gumagalang gorilla sa kalye right? They should be kept at the zoo," maarteng ani Chantal with his American accent.
Kung pwede lang saktan ang babaeng ito physically ginawa ko na. At talagang pinagkakaisahan ako nang dalawang ito. I swear na gagantihan ko talaga sila.
I rolled my eyes nang wala na ako sa paningin ni Chantal. Now, how should I get my sweet revenge?
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Alfred. Tinanong ko siya tungkol kay Ares dahil ilang araw na rin siyang absent sa klase. Hindi ko naman siya macontact sa cellphone niya at wala rin daw siya sa bahay nila ani Chantal. Saan naman kaya nagsususuot ang Ares na iyun?!
Nang makabalik ako sa classroom ay umob ub ako sa aking upuan dahil pagod na pagod ako kakatakbo kanina.
Nang matapos ang klase ay kailangan ko na namang sunduin sa kanyang klase ang prinsipe nang kadiliman. Kahit pagod na pagod ako ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan.
Lumapit ako at kinuha ang kanyang mga libro.
" Uwi na po tayo SIR," aniko. Mukha nga kasi akong yaya dahil sa kalagayan ko ngayon. Gulong gulo ang aking buhok na akala mo ay galing sa digmaan at pagod na pagod rin ang aking mga kamay kabubuhat nang kanyang libro nang mahigit isang linggo na.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...