Twenty Three🌸

101 4 1
                                    

Fern's POV

Maingay sa labas. Rinig na rinig ko ang tunog nang mga tambol na nagmumula sa labas. Tanaw ko mula sa veranda ang maliwanag na bonfire kung saan nagtipon tipon ang mga tao at nagsasayawan. Ito raw ang pinakamasayang parte kapag dumito ka sa beach na ito. At mukhang masaya nga roon.

"Magmumukmok ka lang ba rito?" tanong ni Chantal sa akin. Kakalabas lang niya sa banyo at kakaligo lang. Nakabihis rin ito dahil balak niyang tumungo sa bonfire at landiin si Orion.

" Pumunta tayo rito para magbakasyon, hindi para matulog," dagdag pa niya at tinabihan ako sa kama.

" Hey, ano kaya kung gapangin ko si Orion ngayong gabi? I mean lalasingin ko siya at tapos tatabihan," ani niya na dahilan para pagtaasan ko siya nang kilay.

"Are you serious? May lagnat ka ba o may sumabog bang ugat diyan sa ulo mo at naisip mong gawin iyan?" aniko.

" Fern, I'm serious. Mahal ko na talaga si Orion. I wanna be with him and be his wife," aniya at kilig na kilig na nagpagulong gulong sa kama habang yakap yakap ang unan.

" Ewan ko sa iyo. Maganda ka at mayaman. Bakit hindi ka maghanap nang matinong lalaki para sa iyo. Your attitude is the opposite of Orions. Sasaktan ka lang niya," wika ko at nahiga na rin.

" Bakit ba lagi mong sinasabing sasaktan lang niya ako. Parang kilalang kilala mo si Orion," may halong pagtatakang sumalyap siya sa akin.

"I- I mean he's my cousin at s-sabay kaming lumaki kaya alam ko kung sino ba talaga siya," palusot ko.

Tumingin siya sa akin na waring binabasa kung nagsasabi ako nang totoo.

"Okay, but I'm determined to get Orion. Kahit anong mangyari, kahit sino pa ang hahadlang, I won't give up Orion," aniya at saka ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang pag-aalala at takot sa sinabi niya. Paano na lang kaya kung malaman niya ang totoo? Kakamunghian ba niya ako?

" So ano tara na Fern, let's make this night a good para makapagrelax," sigaw niya sabay hila sa akin sa kama.

"Sandali," pigil ko kay Chantal pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya natanggay niya na ako palabas nang kwarto.

Wala na nga akong nagawa kaya sumama na lamang ako. Tumungo kami sa kumpol kumpolan nang mga taong nakapaligid sa bonfire. Abala sila sa pagsasayaw at nang umupo ako ay napansin kong narito rin pala sina Ares.

Agad kong hinanap si Orion at wala siya roon. Umupo lang ako at saka nakipagtawanan sa mga sumasayaw sa harapan. Ilang minuto rin akong nakaupo roon nang may tumabi sa aking lalaki at inabutan ako nang maiinom.

"Miss, baka gusto mong uminom,"yaya noong lalaking tumabi sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakitang siya iyong lalaking nasa kabilang kwarto.

"H-hindi ako umiinom," sagot ko. Alam ko ring mahina ang alcohol tolerance ko kaya madali akong malasing.

"Sige na Miss, isang baso lang," pilit niya at iniaabut ang isang baso nang alak.

"Naku, hindi talaga ako umiinom pasensiya na. Sige, may kukunin pa kasi ako sa loob," paalam ko pero pagtayo ko ay may humila sa akin mula sa likuran.

"Leave her alone,"ani nang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita si Ares.

Agad namang umalis iyong lalaki at naupo uli kami ni Ares.

" Sinaktan ka ba niya?" tanong niya.

"Hindi naman,"sagot ko.

Umupo kami pareho sa buhanginan at saka pinanood ang mga babaeng sumasayaw sa harapan. I clapped my hands para sumabay sa tugtog nang makarinig ako nang pamilyar na boses sa likuran.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon