Fern's POV
Nagising ako dahil sa malakas na tunog na nagmumula sa cellphone ko. Pikit mata akong bumangon at dinampot ang cellphone ko.
"Hello?" aniko at saka lang nagsink in sa akin na ang tunog nga palang iyun ay ang alarm clock ko.
Agad akong dumilat at tumungo sa banyo. Sheyt! May exam nga pala ako ngayon!
Dali dali akong nagshower at saka tumungo sa kusina. Nadatnan ko si Mama na nagluluto at si Lola na umiinom nang kape.
" Naku talagang bata ka, late ka na lang kasi lagi kung gumising," ani Lola habang inaabutan ako nang toasted bread. Ngumiti ako at saka inabut iyun. Nagmamadali kong hinablot ang bag ko sa sala nang marinig ko si Mama sa may pintuan nang kusina.
" Fern," seryosong tawag sa akin ni Mama. Lumingon ako.
" May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Orion?" tanong niya.
Naalala ko ng nangyari noong isang araw. Ang totoo niyang pagkatapos noong insidenteng iyun ay hindi ko na nakausap pa si Orion. Iniiwasan lang namin ang isat isa. Tulad ngayon, malamang bago pa sumikat ang araw ay umalis na siya papuntang school. Pati nga sa hallway na sa university hindi na kami nagkakasalabong.
"W-wala naman Ma," aniko.
" Kung may problema man sa inyong dalawa, sabihin mo lang sa akin,"aniya at saka ngumiti.
Ngumiti ako at saka nagpaalam na.
Nagtaxi na ako papuntang school. Umabot naman ako sa oras nang una kong exam sa araw na ito. Easy lang naman sa akin kasi ang mga ito. Pero binabalaan na ako nang Department ko na masayado raw malakas ang kumpiyansa ko sa aking sarili na ako pa din ang mauuna sa ranko ngayong semester. Ang totoo niyan pag-aaral lang naman ang inatupag ko noong isang taon kaya ayan ako ang nanguna sa ranking nang entrance examination para sa taong ito.
Nang tumunog na ang bell ay kanya kanya kami nang upo. Dumating ang teacher namin at nagsimula na kami sa pagsagot noong exam. Nang matapos ang dalawang exams ko ay pumunta ako sa canteen. Nang nasa hallway ako ay nabigla ako nang akbayan ako ni Ares. Iyong pagkakaakbay niya ay para nang sakal dahil masyadong mahigpit. Nakashades ito at ngumunguya pa nang bubblegum.
Hindi ko maalis ang kamay niya sa pagkakaakbay kung kaya hindi ko na iyun inalis pa.
" Musta exams mo?" tanong niya.
"Ayos lang naman," sagot ko.
Pinagtitinginan na naman kami nang ibang mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Hindi pa ba sila nasanay na makitang inaakbayan este sinasakal ako ni Ares?
Tumungo kami sa canteen at doon niya inalis ang pagkakaakbay sa akin.
" Fern!" sigaw ni Chantal. Dalawang araw ko na nga rin palang iniiwasan ang babaeng ito dahil magkasama sila lagi ni Orion. And speaking of Orion, ayun nga at magkasama sila ni Chantal.
"Wala akong ganang kumain," aniko at akmang aalis nang hilahin ako ni Ares papunta sa table nila Chantal.
Gusto kong sakalin ang kumag na ito dahil sa ginawa niya. Pinilit niya akong umupo sa harap ni Orion. Hindi naman ako makaalis dahil inkbayan pa rin ako ni Ares.
Ano bang iniisip nang lalaking ito?!
Umiwas ako nang tingin. Ganoon din ang ginawa ni Orion.
"Nga pala Fern, bakit di ka pumunta sa group review sa bahay? So sad at si Orion lang ang nakadalo," ani Chantal.
"May ginawa kasi ako," iyon lang ang sinabi ko.
" I'm sorry but I have to do something sa library," paalam ni Orion. Tumayo siya at saka umalis.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...